ANNA
"Ma'am Anna. Masyado na pong gabi. Sigurado po ba na babalik tayo sa hospital? Nandon naman po si Thomas diba?" Sabi sa'kin ni Mina.
"Mina, kailangan nating bantayan ang Sir nyo."
"Po? Eh, diba po may nagbabantay—"
"Sige na Mina, magbihis ka na. Hihintayin na kita sa baba." Sabi ko.
Tumango naman siya at agad na lumabas sa kuwarto. Kailangan kong bantayan si Lucifer.
Sa totoo lang, nasasaktan ako at galit na galit sa nangyari. Nililinlang lang pala ako ng lalaking 'yon. Sabi na nga ba. Iba talaga siya.
"Ma'am tara na po!" Sabi ni Mina.
Napatingin ako sa soot niya. Hindi na siya nagpalit?
"Ah, ma'am nag-sapatos na lang po ako. Tara na?" Yaya niya.
Ngumiti na lamang ako. Sinabihan ko ang mga katulong na bantayan ng mabuti ang kambal habang wala ako sa tabi nila.
🍼🔱
Pagka-dating namin ay naabutan namin si Thomas na nasa labas at prentenng nakasandal sa pader.
"Thomas." Tawag ko sa kanya.
"Anna?"
Tiningnan ko lang siya.
"Gabi na. Bakit ngayon nyo pa naisipan na pumunta dito? Nandito naman ako para bantayan si Lucifer." Sabi niya.
"N—nag-aalala lang ako Thomas."
Kumunot ang noo niya.
"Wala ka bang tiwala sa'kin?"
I shook my head.
"H—hindi naman sa ganon." I sighed.
Hindi naman niya maiintindihan.
"M—maiwan ko muna kayo. Papasok muna ako sa loob." Sabi ko.
🍼🔱
LANNA
"Ano ba?! Why are you following me?! Hanggang dito ba naman sa apartment ko?!" Sigaw ko.
Kanina pa 'ko galit na galit dahil sinundan niya 'ko dito. Hindi pa ba sapat ang pangha-harass niya sa sasakyan kanina?!
"Ano ba?! Umalis ka na nga!—"
"Why are you so noisy?!" Sigaw niya.
Napatigil naman ako.
"Hindi ako tatahimik hangga't 'di ka aalis."
"Hindi pa kasi ako tapos! Patapusin mo muna ako Aurora!"
"Pwede ba?! Wala akong paki-alam sa mga sinasabi mo! And don't call me Aurora. Hindi tayo close. "
He smirked. Ang gwapong demonyo ng bwisit na 'to. Kanino na naman kaya siya nanghiram ng mukha?
"We're not close? So anong tawag mo rito ngayon? Distance? Don't make me laugh Aurora." Napataas ang kilay ko.
"Pilosopo ka din 'no? Umalis ka na! Alis—"
"No, unless we have a deal, Aurora. Sinira mo ang reputasyon ko sa kakambal mo. You ruined my plans!" He said.
Hindi ko akalain na ang nasa tabi ko ngayon ay ang demonyong 'to. Tama talaga ang hinala ko na hindi siya si Lucifer.
"At masaya ako na nasira ko ang plano mo! I will protect my sister from your evil plans, demon. Hinding-hindi ka magtatagumpay sa isang tulad ko." Matapang na sagot ko.
Tumawa siya.
"Oh, I'm scared..."
Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kuwarto ko.
"Aurora... What a beautiful name for a fearless woman like you. I like that..."
"Tumahimik ka." Sabi ko.
"Another game for me, huh?" He said.
"Since alam mo na lahat at sinabi mo na sa kapatid mo, wala na 'kong magagawa. I know that your sister is mad at me right now because of what I did. And I know, deep inside... She's hurting. Sino ba namang hindi masasaktan dahil umasa at 'di magagalit dahil niloko na mamamatay na siya sa mga susunod na buwan?" Sabay halakhak niya.
"Poor Anna..."
"Shut up."
"I like your senses Aurora... Care to share it with me?" I just stare at him.
"I'm searching for a perfect soul for a couple of years using many faces. But still... I failed. Kasama ako sa mga nilalang na kinamumuhian ng mga tao. I'm from deep... and one of the most painful rejection of all times. I'm used to it. Ang mga masasamang katulad ko ay walang lugar sa mundong ito. Maging sa langit. Same as you, right? You're always an option Aurora. You always end up being rejected."
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...