Chapter 65

34K 790 33
                                    

ANNA

Pumayag si Lucifer sa kondisyon na ibinigay ko sa kanya kagabi. Ang sakit dahil ang dali lang sa kanya para pakawalan kami sa oras na malaman niya na ang totoo. Pero maganda na din 'yon. Para naman magkaroon ng katahimikan ang buhay namin ng kambal. Nadadamay na kasi ang mga anak ko.

Kasalukuyan akong kumakain kasama ang kambal. Nagpahuli talaga ako dahil ayokong makita siya. Nasa opisina siya ngayon dito sa mansyon niya. Hindi pa kasi siya pwedeng pumasok sa kumpanya niya dahil mas madami doon ang naka-abang sa kanya na mga gawain. Rinig na rinig ko nga ang boses niya kaninang umaga habang nasa loob ako ng kuwarto. May pinapagalitan na naman siya sa telepono.

Tinawagan ko si Lory kagabi at sinabi kong pumunta na siya dito dahil okay na ang kuya niya. Tuwang-tuwa ito ng malaman na gising na ang kuya niya at balik na naman sa pag-halimaw. Tatlong beses nakadalaw si Lory habang comatose ang kuya niya. Nagta-trabaho na kasi siya at busy lagi. Si Janna naman, 'di na ulit nakadalaw. Baka tawagan ko siya kapag nakaalis na kami. Pati si Brent ay tatawagan ko din.

"Mum-mum, nas!" Napalingon naman ako kay Casper na nilalaro na naman ang kutsara niya. May mga pagkain sa gilid ng labi niya. Ang kalat niya talaga kumain.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig niya. Tawa naman siya ng tawa haban pinupunasan ko siya.

"Tawa ka na naman ng tawa ah. Oh ayan." Dinampi ko ulit ang tissue sa bibig niya kaya tawa siya ng tawa. Tuwang-tuwa ako dahil simpleng bagay ay ganito siya. Napaka-babaw niya.

"Malinis ka na ulit. Casper naman eh, 'wag mong pagurin si mommy. Kanina ka pa makalat oh. Ikaw talaga. Pasalamat ka cute ka." Sabi ko habang nililinis ko ang pinag-kainan niya. Hindi niya talaga bitawan ang kutsara na hawak niya at gustong-gusto niya lagi na hinahampas 'yon sa mesa.

Nilingon ko naman si Jasper na tahimik lang habang pinaglalaruan ang pagkain.

"Jasper baby, subuan na kita." Kinuha ko ang kutsara niya.

"Say, ah..." Sumunod naman ito.

"Very good." Titig na titig siya sa'kin habang ngumunguya.

"Isa pa baby, say ah..." Sinubuan ko siya ulit.

Pinagmasdan ko siya. Kamukhang-kamukha niya talaga si Lucifer. Parehas silang tahimik. 'Wag lang sana mamana ang ugali ng ama nila.

"Ma'am Anna juice po oh." Dumating si Mina at may dalang pitsel.

"Salamat. Paki-lapag na lang." Sabi ko.
Ngumiti ito sa'kin tsaka binati ang kambal. Hindi alam ni Mina na aalis na kami kapag nalaman na ni Lucifer ang totoo.

"Kumain ka na ba Mina?" Tanong ko habang sinusubuan ko si Jasper.

"Opo ma'am." Tumango naman ako.

"Sige po ma'am Anna. May lilinisin pa po ako." Tumango naman ako.

"Sige..."

"Bye po!"

"Ay!" Sabi ni Casper. Napatawa naman ako.

"Bye daw." Sabi ko.

Ngumiti naman si Mina at pinisil ang pisngi ni Casper.

"Bye Casper kulit." Casper smiled at her showing his tooth.

Umalis na ito at umakyat sa taas para maglinis.

🍼🔱

Katatapos lang namin kumain ng bumaba siya.

"Nanay!" Sigaw niya at dumiretso siya sa ref.

Hindi niya kami pinansin maging ang kambal. Ang sakit. Na kahit ang anak namin ay 'di man lang niya magawang tapunan ng tingin.

"Ser baket ho." Dumating si nanay.

Naka-upo lang kami habang inaasikaso ko ang kambal.

"I'm going to eat. Pakiligpit ng mga kalat." Napatigil ako.

Akala ko nakakain na ang isang 'to. Hindi pa pala.

At talagang idiniin niya pa ang salitang kalat. Pinigilan ko na maiyak at kinalma ang sarili ko.

"S—sige ho ser..." Lumapit sa'min si nanay.

Ngumiti siya sa'kin na parang sinasabi niya na 'wag ko na lang pansinin ang amo niyang demonyo.

Ngumiti ako pabalik kay nanay.

Bigla akong tumayo.

"Ako na po dyan nanay." Sabi ko at kinuha sa kanya ang mga pinag-kainan namin ng kambal.

Padabog ko 'yong inilagay sa sink.

"Nagdadabog ka ba Anna?" Tanong ni Lucifer.

Nilagpasan ko lang siya at nilapitan si Casper na subo pa din ang kutsara.

"Akin na baby... Lilinisin na ni nanay ang spoon mo." Pilit kong kinukuha pero ayaw niyang ibigay.

"Hayaan mo na hija..." Sabi ni nanay.

Binuhat ko si Casper sunod si Jasper. Ramdam ko ang titig niya sa'min.

"Hija, kaya mo ba ang dalawang 'yan?"

Ngumiti ako kay nanay.

"Ako na po nanay. KAYA ko po." Sabay alis namin at bumalik sa taas.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon