ANNA
Para akong nakakakita ng multo. Tama ba ang nakikita ko?
Pinaghehele niya si Casper?
Bahagya kong pinikit ang mga mata ko. Baka kasi namamalikmata lang ako. But after opening my eyes, it's not. Totoo talaga ang nakikita ko.
Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng pintuan habang hawak ko ang feeding bottle ng kambal. Mga ganitong oras kasi ay nagigising na ang dalawa at gatas agad ang hinahanap nila. Sa baba kasi ako nagtimpla at pag-akyat ko, naabutan ko na ang ganitong eksena. Bahagya pa nga akong napaatras sa nakita ko. Nagulat talaga 'ko. Akala ko naka-alis na siya pero 'di pa pala.
Maya-maya pa ay narinig ko ng umiyak si Jasper kaya nataranta ako at pumasok na sa loob ng kuwarto. Bahala na!
"Anna..." I ignored him.
Binigay ko ang feeding bottle kay Jasper at tumigil din ito sa pag-iyak. Samantalang nilagay ko muna sa isang tabi ang kay Casper.
"Anna." Tawag niya sa'kin. Nilingon ko naman siya na buhat pa din si Casper.
"Bakit?" Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko.
Nabigla ako at 'di nakakakilos sa biglang pagtabi niya sa'kin.
"What's their name again?"
"Casper and Jasper."
"Who's Casper?"
"Siya." Turo ko sa buhat niya.
Tiningnan ko siya habang buhat niya ang isa sa kambal. Marunong siyang humawak ng bata?
"He's crying earlier, that's why I carried him. You're not mad, are you?" Tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niya.
"H—Hindi. Okay lang sa'kin." Sabay iwas ko ng tingin.
Binaba niya na si Casper ng dahan dahan sa kama. Tulog pa din ito, 'di tulad ng isa na gising na.
"And he's Jasper?"
"Oo."
"Who came out first?"
"Jasper."
"How old are they?"
"1 year and 3 months."
"When is their birthday?"
"November 12, 2015."
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Biglang tanong niya kaya nilingon ko siya.
"Bakit? Kapag ba sinabi ko sa'yo, anong mapapala ko? Diba isang basura ang tingin mo sa'kin?" Sabi ko.
Hindi siya naka-sagot.
"Nalaman ko na buntis ako sa kanila noong umalis na 'ko. At 'yon din ang araw na pinalaya mo na ang papa ko, dahil bayad na bayad na 'ko sa'yo." Sabi ko.
Nakatitig lang siya sa'kin habang nagsasalita ako. Gusto kong magsisi siya sa mga ginawa niya sa'kin. Kahit wala yata siyang balak.
"I have one more question."
"Ano 'yon?"
"Bakit 'di mo sinabi sa'kin na ikaw ang totoong Anna? Bakit hinayaan mo 'kong..."
"Ano?"
"You lied to me! Pati ang magaling mong kambal!"
"Oo, hindi ko sinabi sa'yo na ako si Anna. Pero hindi ka ba nakakahalata noon Lucifer, huh? Wala ka bang napapansin sa kakambal ko? Na hindi ako 'yon? Lucifer, nagpanggap lang siya na ako, noong umalis ako para magpagamot sa America. She grabbed that opportunity! She used my name, my identity!" I said.
"Anna..."
"Nagkasakit ako Lucifer, at kailangan akong dalhin ni papa sa America para mas mapabilis ang paggaling ko. Kaya nagawa ni papa na magnakaw ng pera mula sa inyo. Para sa'kin...." Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"You don't know what I've been through. Sobra ang sakripisyo at hirap na dinanas ko! Si papa, nakulong, ang kambal ko, niloko ako. At ikaw? Binasura mo 'ko, matapos mo 'kong gamitin! Kaya bakit mo ba ginagawa 'to?! Hindi pa ba sapat ang sakit na dadanasin ko? Kulang pa ba? 'Yong ginawa ng mga tauhan mo sa'kin, para akong baboy na sinaktan nila! Tiniis ko 'yon para sa kambal dahil ayokong mawala sila sa'kin! Aalis na kami eh, lalayo na kami. Pero bakit ganon? Bakit mo kami pinigilan?! Sinaktan nyo pa si Brent! How could you Lucifer? Nasasaktan ako—"
"Nasasaktan din ako Anna! Hindi ko alam kung paano ako babawi! Hindi ko alam..."
![](https://img.wattpad.com/cover/98767240-288-k548431.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Misteri / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...