Chapter 14

62.3K 1.5K 49
                                    

ANNA

"Papa saan tayo pupunta pagkatapos?" Tanong ko kay papa habang nilo-lock nito ang pinto ng bahay. Iiwan muna namin ito pansamantala.

"Hindi ko pa alam anak." Sagot ni papa. Ng masigurado na niya na naka-lock na ang pinto ay humarap siya samin ng kambal. Buhat ko kasi ang dalawa. Kinuha niya si Casper.

"Malalaman natin kapag nasundo na tayo ng pinsan mo." Sabi nito.

Si Brent kasi ang maghahatid samin. Noong nalaman niya nga na aalis kami ay di ito nagdalawang isip na pigilan kami.

"Tara na Anna. Salubungin na natin ang pinsan mo." sabi ni papa.

Binuhat nito ang mga gamit na dala namin. 2 maleta at isang traveling bag ang dala namin.

Pagkalabas namin sa gate ay hinintay na namin ang sasakyan ni Brent. Sinilip ko naman si Jasper na nakasubsob sakin at mahimbing na natutulog.

"Nandito na ang sasakyan." Napatingin naman ako sa paparating na kotse. At alam kong kay Brent na nga 'yon.

Pagkatapat nito samin ay sinalubong kami nito. Kinuha nito ang gamit namin at nagmamadali. Parang hindi ito mapakali at walang imik.

"Brent ayos ka lang?" Tanong ko.

Pagkasarado nito ng compartment ay nilingon niya ko.

"Kailangan nating makaalis agad Anna. Nasundan ako ni Lucifer." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong sabi mo Brent? Nasundan tayo?" Tanong ni papa.

Tumango si Brent.

"Sa tingin ko po Tito. Bago po kasi ako pumunta dito ay dumaan muna ko sa isang coffee shop. 'Yon yung time na tinawagan ako ni, Anna." Sabi nito.

"At nandoon din si Lucifer?" Tanong ko.

"Oo Anna. May palagay akong narinig niya 'ko. Dahil pagkalabas ko ay sumunod siya sa'kin." Napatingin ako kay papa.

"Mabuti pa at umalis na tayo." Sabi ni papa.

Mabilis kaming pumasok sa sasakyan at pinaaandar agad ito ni Brent.

🍼🔱

LUCIFER

"Damn it!" I cursed.

"F*ck! Where's that guy?!" Tanong ko habang hinahanap ang kotse ng lalaking 'yon. I kept following him but suddenly, I lost the track.

I need to find him. Because I know where he's going.

Flashback

I was sitting alone when a guy entered and went straight to the counter. And I know who he is.

I kept watching him. It seems that he was in a hurry. Hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya.

Until his phone rang.

He answered it immediately.

"Wait, Anna. I'm buying something. Di pa kasi ako nag-aalmusal eh."

"Okay, okay. I'll be there in a minute. Ayos na ba ang gamit nyo? Baka naman hindi pa ah!" I wrinkled my forehead. What's the meaning of that?

"Oh here! Nakabili na 'ko. Paalis na 'ko. Yes, saan ba muna kayo tutuloy?" Sabi nito habang papalabas ng coffee shop.

I stood up and fixed myself. I followed him.

"Sure na ba kayo sa pag-alis nyo? Baka manibago ang kambal." I stopped.

She's leaving? With the twins? Damn it!

"Oo nga pala hehehe. Okay, I'll hang up the phone!" I smirked.

So that woman planning to leave huh? Well, thanks to her cousin.

Tumalikod ako at pumasok agad sa sasakyan ko. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang pagkagulat niya sa'kin. Our eyes met and I know what he's thinking right now.

I grinned.

Maya-maya pa ay pumasok na ito sa sasakyan niya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan niya.

I hit the road.

End

Damn it!

Alam kong hindi ko na masusundan ang lalaking 'yon. That bastard!

"There's no way you can hide Anna. I always find a way."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon