Chapter 79

32.9K 678 119
                                    

ANNA

Nagliligpit ako ng mga laruan ng kambal ng may kumatok.

Tumigil naman ako at binuksan ang pinto.

"Good morning hija..." Bati sa'kin ng matanda.

May dala na naman itong pulang rosas at inabot sa'kin.

"S-salamat po. Nako, wala po kayong palya lagi." Napatawa siya.

"Maliit na bagay hija... Sabi ko naman sa'yo, marami akong tanim na ganyan sa aking hardin." Sabi nito.

"Oo nga po eh." Tiningnan ko siya.

"Maupo na po kayo."

Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit ng mga laruan nina Jasper at Casper.

"Nako, pasensya na po kung makalat."

"Nasaan ang mga anak mo?" Nilingon ko ito.

"Ah, nasa taas po. Tulog po sila. Napagod po yata sa kakalaro kanina." Sinundan ko ito ng tawa. Pero agad ding nawala 'yon ng makita ko na titig na titig siya sa kuwarto kung nasaan ang mga anak ko.

Parang bigla akong kinabahan.

"Ah... May problema po ba?"

Napatingin agad siya sa'kin.

"Ah wala hija. May ibibigay sana ako sa kanila. Ito," May inilabas siya sa bulsa niya. "Laruan ito para sa kanila." Sabi niya.

Napa-ngiti naman ako.

"S—salamat po. Ako na lang po ang magbibigay."

Tumayo siya.

"Pwede bang ako na lang ang magbigay sa dalawa? Gusto ko kasing makita ang reaksyon nila. Lalo na si Casper. Sana ay matuwa siya." Napatingin siya sa dalawang pares ng laruan. Magkatulad na magkatulad ang mga ito at para talaga sa kambal.

"Ah..."

"Huwag kang magpapa-akyat sa taas. Ha, anak?"

"Nako pasensya na po. Kasi, ano eh... Ah, makalat po sa taas kaya po ako na lang po ang magbibigay sa mga bata. Tsaka, tulog pa po sila eh. Mamaya na lang po." Ngumiti ako. "Kung gusto nyo po, hintayin nyo na lang po silang magising. At ibababa ko po sila." Umupo ulit siya.

Lumungkot ang itsura niya kaya parang na-konsensya ako bigla.

"Ganon ba? Nagmamadali kasi ako hija at aalis din agad ako. May lalakarin kasi ako ngayon sa munisipyo. Kaya nalulungkot ako dahil parang ayaw mo 'kong paakyatin sa taas para maibigay sa kanila ang mga ito..."

"...."

"Ganito, kapag pinayagan mo 'ko hija, ay sasabihin ko na ang pangalan ko."

""P—po? Kasi po ano... Makalat po talaga sa itaas."

"Wala naman 'yon sa'kin. Pero kung hindi talaga... Ayos lang." Ibabalik na sana niya sa bulsa ang dalawang laruan ng pigilan ko siya.

"S—sige po. S—sasamahan ko po kayo sa itaas."

Pero sandali lang.

Ngumiti siya sa'kin.

"Tara po..."

Nauna na 'kong umakyat at sumunod lang siya sa'kin.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ng mapatigil ako.

Para kasing may nagdadabog.

Nilingon ko siya.

"Bakit hija?"

Tiningnan ko ang paa niya. Hindi naman mabigat ang sapatos niya.

Bakit ganon? Ganon ba talaga siya umakyat?

"Ah, wala po..." Tumuloy na 'ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto at pumasok na kami sa loob.

Lumapit agad siya sa crib at pinagmasdan niya ang kambal. Tulog na tulog ang mga ito. Napa-ngiti pa 'ko dahil naka-nga nga pa si Casper at halos sakupin niya na ang buong crib.

"Sleeping angels..." Sabi niya.

Nilagay niya ang dalawang laruan sa tabi ng mga anak ko.

Pinagmasdan niya lang ang kambal.

"Hija, nauuhaw ako. Pwede bang maka-hingi ng tubig?"

"Ah sige po, teka lang."

"Salamat..." Lumabas ako at iniwan kong naka-bukas ang kuwarto.

Bago ako bumaba ay sumulyap muna ako sa loob.

Nakatayo lang siya.

Bumaba na 'ko sa may kusina para kumuha ng tubig.

Bumalik ako agad sa itaas pero napatigil ako.

Bakit sarado?

Lumapit ako sa may pinto at pinihit ang seradura. Pero naka-lock ito.

Bigla akong kinabahan kaya kumatok ako ng sunod-sunod.

"Casper! Jasper! Manong! Pabukas po ng pinto!"

Natapon na ang tubig na hawak ko.

Sobra na akong kinakabahan.

Bakit hindi niya pa buksan?!

"Manong!—" Napatigil ako ng pagbuksan niya na 'ko.

Ngumisi lang siya sa'kin na parang walang nangyari.

"Manong naman..."

"Gising na sila hija..."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon