Chapter 37

45.9K 950 33
                                    

ANNA

"Where are you going?" Hindi ko pinansin si Lucifer habang nag-aayos ako ng mga gamit.

Babalik ulit kami sa hospital.

"Hey, pansinin mo nga 'ko!" Di ko pa din siya pinansin habang pabalik-balik ako sa kuwarto. Bahala siya.

"ANNA."

"Hoy."

"T*ngina—" Hinarap ko siya.

"Ano ba 'yon? Kanina ka pa salita ng salita dyan. 'Di ka ba napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na." Sabi ko.

"Was that a drama of yours?"

Tinitigan ko lang siya.

"Ewan ko sa'yo." Bumalik ulit ako sa kama at kinuha na ang bag ko.

"Damn it, Anna! Aalis ka?! And where are you going?"

"Sa'yo ako pupunta."

"Sa'kin? Are you crazy? I'm here."

"Hindi ako baliw. Pero malapit na siguro."

"What?"

"Pupunta ako sa hospital. May bibisitahin lang kami."

"Who?"

"Akala ko ba lagi kang nasa tabi ko? For sure susundan mo 'ko diba? So makikita mo ang sarili mo." Kumunot lang ang noo niya.

"Sarili ko?"

"You're comatose Lucifer. Kaya naglalakbay ang kaluluwa mo."

"Comatose? Yeah, I know."

"Alam mo naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?"

"Masama ba?"

"Hindi."

"Umalis ka na." Tiningnan ko siya.

"Hindi ka sasama?"

"Ayokong pumunta sa hospital."

"Bakit? Natatakot ka?"

"What?! Of course not! I just don't want to go to that place. May pakiramdam ako na marami doon ang umiiyak. Crying and begging for miracles. And I hate people crying." Sabi niya.

Grabe, si Lucifer ba talaga itong nakikita ko? Ibang-iba siya. Pero, may mga similarities din naman sa mga ugali ni Lucifer.

Mala-devil nga talaga—

"I'm not the devil."

"You heard me?"

"Tss. Sasagot ba 'ko kung 'di ko narinig?"

"S—sorry ah?" I rolled my eyes.

"Kaya dapat lang na mamatay ka na, kasi bingi ka."

"W—what?"

"Deaf. Umalis ka na. Puntahan mo na ang sarili ko."

"Ayaw mo bang bisitahin ang sarili mo?" Tumingin lang siya sa'kin.

"Ano namang gagawin ko doon? Tititigan ko lang ang sarili ko? Babantayan ko? Tss. No, but thanks."

"Eh ano namang gagawin mo dito? Tsaka, ayaw mo bang makita ang kambal?"

"Kambal?" I sighed.

Talagang 'di niya nga kami naalala. Ang sakit.

"W—wala."

"You can go now. I'll just roam around. Maybe I can find another soul that is worth than yours." mm

Tumango lang ako. Ang sakit niya talaga mag-salita. Siya na nga siguro talaga si Lucifer.

"Sige. Sana makahanap ka." Sabay talikod ko.

"Oh, I change my mind."

Bigla na naman siyang sumulpot sa harapan ko.

"A—ano?"

"I realize... Mas gusto ko pa din ang sa'yo."

🍼🔱

Pagkababa ko pa lamang ay naabutan ko na si Mina na naghihintay sa'kin. Buhat naman ng dalawang katulong ang kambal.

"Mina, nakakuha ka na ng taxi?"

"Opo ma'am. Nandyan na po kanina pa." Lumapit ako sa kambal at hinalikan ang mga ito sa magkabilang pisngi. Hindi kasi sila pwedeng isama sa hospital kaya iiwan ko muna sila.

"Ligaya, pakibantayan muna sila ah? Tawagan nyo 'ko kapag may problema."

"Opo ma'am. Mag-iingat po kayo."

"Mina, sasama ba si Thomas?"

"Ma'am Anna kanina pa po siya nandoon."

Makasarili talaga ang lalaking 'yon.

"Sige tara na."

"Bye babies!" Paalam ko sa mga anak ko.

Sumilip ako sa itaas.

Nakaalis na kaya siya? Sana naman 'wag niya muna 'ko guluhin.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon