ANNA
"This child... He can see me too, huh?"
Titig na titig ako sa anak ko habang mahimbing itong natutulog. Hindi ako mapakapaniwala sa nangyari kanina. Nakikita niya si Lucifer. Ang kaluluwa nito.
Hinaplos ko ang mukha nito. Kaya ba ganito siya katahimik? Kasi may mga bagay siyang nakikita? Dapat na ba 'kong mag-alala?
"Anna."
Na naman.
Hindi ko siya nilingon.
"M—matutulog na kami. Bumalik ka na lang bukas." Sabi ko.
Bigla itong lumitaw sa harapan ko kaya napaatras ako.
"A—ano ba Lucifer?"
"What?"
Nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman niya siguro na naiilang ako kaya umalis din siya at lumipat sa kabila.
"You know what, hindi pa din ako makapaniwala na nakikita ako ng isa sa mga kambal mo. Tell me, may lahi ba kayong nakakakita ng mga katulad ko? May third eye ba kayo lahat?" Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot.
Wala sa lahi namin ang nakakakita ng multo. Maski ako ay ngayon lang nakaranas ng ganito. At 'yon ang pinagtataka ko.
Baliw na ba 'ko?
"Mababaliw ka kapag iniisip mo na hindi ako totoo. Accept it, Anna. Na may gwapong nilalang na nangungulit sa'yo."
Ang yabang...
"Hindi ako mayabang."
"Okay... Hindi ka pa ba aalis? Matutulog na kami. You're invading our privacy."
Tumawa ito ng marahan.
"Oh sorry, I don't know the word. Privacy? Hindi uso sa'min 'yon." Sabi niya.
Tiningnan ko na lang siya sabay hinga ko ng malalim. Ayoko ng makipag-talo. Antok na 'ko.
"M—matutulog na 'ko. Good night." Hindi ko na siya hinintay na sagutin pa 'ko at humiga na 'ko.
🍼🔱
"Good morning ma'am Anna! Kain na po." Bati nila sa'kin.
Lumapit ako sa mga anak ko na inaasikaso nila.
"Good morning babies." Hindi na naman nila ako pinansin dahil sa kinakain nila.
Snobber ang dalawa.
Umupo ako sa tabi ni Jasper na tahimik na kumakain. Kung hindi ko lang siguro siya anak, iisipin ko na matanda na siya.
"Baby, you want me to help you? Hmmm?" Tanong ko dito.
Tumigil ito sa pagkain at tumingin sa'kin.
"Ano?" Sabay tawa ko.
Ngumiti lang siya sa'kin.
"Hindi mo naman ako sinasagot." Napa-nguso ako.
"Mum—mum."
I smiled.
"I love you!" Sabay halik ko ulit.
Kumain na 'ko at sinabayan ang kambal.
Teka, nasaan nga pala si Mina?
"Nay Susan, si Mina po?" Tanong ko.
"Naku inutusan kong mamalengki."
"Sino pong kasama niya?"
"Si ser Thomas."
"Sige po."
Lihim akong napa-ngiti. Kilig na kilig siguro 'yon ngayon dahil kasama niya si Thomas.
Maya-maya pa ay may nag-door bell.
"Manang may tao po yata sa labas." Sabi ko.
"Sandali at titingnan ko." Umalis si nanay.
Nagpatuloy ako sa pagkain at sa pag-aasikaso sa kambal.
"Hay Casper, kahit kailan talaga ang kalat mo—" I stopped when I felt someone hugging me behind.
Literal na napahinto ako at nabitawan ko pa ang kutsara na hawak ko.
Ang lamig.
Ilang segundo ko 'yong naramdaman hanggang sa mawala. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong maiiyak dahil pamilyar sa'kin ang yakap na 'yon.
Tumayo ako at lumingon sa paligid. Wala ang mga katulong dahil busy ang mga ito sa kanya kanyang gawain.
"Ma'am Anna, tapos na ho kayo kumain?" Nilingon ko si nanay
"H—hindi pa po nanay... Sino po ang tao sa labas?"
"Naku hija! Wala! Mga siraulo ang mga 'yon. Wala sigurong magawa sa buhay! Hala sige at kumain ka na..."
"S—sino po 'yong nag-door bell?"
Lumapit siya sa'kin.
"Walang tao nung lumabas ako... Ewan ko ba! Ang dami ng nangyayari dito sa mansyon! 'Yong opisina ni ser Neck sa itaas jusko!"
"Ano pong meron?"
"Hindi ko nga alam eh... Akala ko, may tao sa loob dahil narinig ko siya sa loob na parang galit. Pero naka-lock naman! Nasanay kasi siguro ako na lagi 'yong high blood kaya pati ako napa-praning na!"
![](https://img.wattpad.com/cover/98767240-288-k548431.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mistero / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...