Chapter 94

41.3K 875 69
                                    

3rd PERSON POV

Katatapos lang ng meeting ni Nick kaya ngayon pa lang siya uuwi. It's already past nine and he's hungry. Nagutom siya sa mahigit dalawang oras na diskusyon.

Inayos niya muna ang nga gamit niya at may kinuha sa drawer. Pinagmasdan niya muna ang bagay na hawak bago niya ilagay sa bulsa. Balak niyang magpalipas ng gabi sa mag-iina niya kaya nagmadali agad siya na makaalis sa kumpanya.

🍼🔱

Kumatok agad siya pagkarating niya sa bahay.

Ang papa ni Anna ang nagbukas ng pinto.

"G—good evening sir."

Tumango naman sa kanya ang matanda.

"Come in." Sabi nito.

Napahinga muna siya ng malalim bago siya pumasok sa loob.

Katahimikan ang sumalubong sa kanya.

"Ah sir, where are they?" Tanong niya.

Lagi niya kasing naabutan ang mag-iina niya kapag umuuwi siya dito. Pero naninibago siya ngayon.

"Sir..." Hinarap siya ng matanda.

"Bumalik na sila sa America." Muntik na niyang mabitawan ang dala niya.

"W—what?"

"Pasensya na hijo. Pero pinadala ko na sila sa America."

"What the f*ck sir?! W—why?! I—I thought... No!" Para siyang mababaliw sa nalaman niya.

No! Hindi! Bakit Anna? Diba papakasalan mo 'ko?! Bakit mo 'ko iniwan! Bakit nyo 'ko iniwan?! Damn it!

Nanikip bigla ang dibdib niya. Paano na lang ang plano niya? Balak pa naman sana niyang mag-propose dito ulit.

"S—Sir, please. I'm begging! Ibalik nyo sila sa'kin." Lumuhod siya sa harap ng matanda.

Dinukot niya mula sa bulsa ang maliit na pulang kahon. Ipinakita niya ito sa matanda.

Parang dito tuloy siya magpo-propose.

"I'll marry her. I'll marry her because I love her so much, sir."

Tinitigan lang siya ng matanda.

"Tumayo ka." Sabi nito.

"Sir..."

Ngumiti ito sa kanya.

"Umuwi ka na."

"N—no sir! Ibalik nyo muna sila sa'kin—"

"Binibiro lang kita hijo." Natigilan siya.

"W—what?"

Bahagya itong tumawa.

What the hell is going on?!

"Wala dito si Anna at ang mga apo ko."

Naguguluhan pa din siya.

"Nasa mansyon ang mag-ina mo ngayon. Iniwan ko muna sila doon." Biglang nawala ang takot sa kanyang mukha at napalitan 'yon ng saya.

"Sir..."

"I'm sorry. But do you really love my daughter?"

Of course!

"Yes sir. I love her."

Tinapik siya nito.

"Then go. Puntahaan mo na sila." Utos nito sa kanya.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon