Chapter 81

34.4K 728 61
                                    

ANNA

Kanina pa 'ko nakasilip sa labas habang pinagmamasdan ko ang itim na kotse sa tapat ng bahay namin. Kahapon pa kasi dumating ang sasakyan. Hindi ko naman makita kung may tao sa loob dahil tinted ito. Hindi kaya sa kapit-bahay namin?

Baka nga.

"Hay baby Casper, napa-praning na si mommy—" Napatigil ako ng makita ko ang matanda sa 'di kalayuan.

Hindi ko na lang ito pinansin at sinarado ko na ang kurtina sa may bintana. Si Brent ang nagkabit ng mga ito noong isang araw.

"Tara baby, sleep na." Sabi ko kay Casper.

Inilagay ko na ito sa crib. Tulog na si Jasper. Alas-siyete pa lang ng gabi. Wala pa si papa.

Pauwi pa lang siguro siya.

🍼🔱

3rd PERSON POV

Hinihintay ni Lucifer ang tawag ni Parker. Nahanap na kasi nito ang mag-iina niya kahapon pa. Natuwa siya ng malaman niyang ayos naman ang mag-iina niya. Lumipat na pala ang mga ito sa bagong bahay kasama ang ama ni Anna.

Tinatawagan niya ngayon si Parker. Pasado alas-diyes na.

"Hello Madrid."

"Parker. How are they?"

"Tulog na siguro sila. Dumating na ang ama ni Anna 2 hours ago. Kaya safe na. Pwede na ba ko umuwi?"

He chuckled.

"Sure. Bukas mo na lang sila balikan."

"Alright."

Umakyat na siya sa kuwarto para makapag-pahinga na. Bukas ng umaga ulit siya tatawag kay Parker.

They're good. I can sleep now.

🍼🔱

Nasa labas ng sasakyan niya si Parker habang tine-text ang kanyang asawa na uuwi na siya.

Pagkatapos ay ibinulsa na niya ang cellphone at sumipol. Mahangin sa labas kaya tumambay muna siya saglit.

Tiningnan niya muli ang bahay ng mga Colley. Patay na ang ilaw sa loob kaya tulog na ang mga ito.

Umikot siya para makapasok na sa sasakyan niya. Pero napatigil siya ng may matandang humarang sa kanya.

"Yes sir?" Tanong niya dito.

Hindi ito sumagot at titig na titig lang sa kanya.

Tumingin-tingin siya sa paligid tsaka tiningnan muli ang matanda.

"May kailangan po kayo sir?"

"Ikaw hijo. Anong kailangan mo sa kanila?" Nagulat siya sa tanong nito.

What?

"Dayo ka ba dito hijo?" Tanong nito sa kanya.

He nods at him.

"M—may hinintay lang po ako na isang kaibigan. But unfortunately, hindi po dumating." Tumingin siya sa kanyang relo. "Mauna na po ako sir."

"How unfortunate..."

🍼🔱

Kanina pa hindi makatulog si Anna. Alas-onse na ng gabi peto heto siya at namamaluktot sa kama dahil hindi siya makatulog. Naka-bukas lang ang kanyang mga mata pero hindi siya makaramdam ng antok. Gising na gising ang diwa niya.

Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata niya pero napadilat agad siya ng may marinig siyang umaakyat.

Bumangon siya.

Gising pa si papa?

Nanatili lang siyang naka-upo sa kama habang nakikinig. Napalunok siya. Parang biglang nanghihina ang mga tuhod niya.

Tiningnan niya muna ang mga anak niya bago siya umalis sa kama.

Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at isinandal ang kanyang tenga.

Wala siyang marinig na kahit ano.

Guni-guni ko lang siguro?

Sa isip niya.

Huminga siya ng malalim at bumalik na sa kama at tuluyan ng nagpa-hila sa antok.

May narinig siyang ingay sa kabila kaya napadilat ulit siya.

"Papa..." Bumangon ulit siya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Dinig na dinig niya ang pagtibok nito.

Lumunok siya ng ilang beses at nanginginig na binuksan ang pinto.

Sumilip siya sa labas.

Walang tao.

Sinilip niya ang kuwarto ng ama niya. Bukas ito kaya nag-taka siya.

Lumapit siya.

Halos manlaki ang mata niya ng makita niya itong may busal ang bibig at napapalibutan ng kandila. Napatakip siya sa kanyang bibig. Parang nawalan siya ng sasabihin.

Papa!

Napatingin ito sa kanya at sumenyas na pumasok sa loob. Hindi niya alam kung sino ang nasa loob ng kuwarto ng kanyang ama.

Hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi siya maka-sigaw.

Dahan-dahan siyang umatras hanggang sa makapasok siya sa loob ng kuwarto. Agad niyang ni-lock ang pinto kasabay ng pag-iyak niya.

Nasa panganib sila!

Dahil nanginginig ang tuhod niya, gumapang na lamang siya para kuhanin ang cellphone niya.

Tinawagan niya si Brent.

"Brent..." Naka-off ang cellphone nito.
Sunod si Janna pero hindi nito sinasagot. Ganon din si Mina.

Naalala niya bigla si Thomas kaya tinawagan niya ito.

Nanginginig siya habang hinihintay na sagutin ang tawag niya.

"Hello Anna?""

Tuluyan na siyang napa-iyak.

"T—thomas..."

"Anna? What's happening?"

"Tulungan mo kami..."

"Anong nangyayari?"

"May nakapasok sa loob. Si papa..." Iyak siya ng iyak.

"What?! Calm down, okay? Pupunta na kami."

Paano ako kakalma?!

"Salamat—" Napatigil siya ng maalis ang doorknob ng kuwarto nila.

Gumulong ito papunta sa kanya.

Nabitawan niya ang cellphone na hawak niya.

"Let's start the ritual, dear..."













PLEASE LANG PO, 'WAG NYO AKONG MADALIIN. ALAM KONG MAHABA NA ANG TAKBO NG STORYA KASI UMABOT NA SIYA NG 80 CHAPTERS. MAIKLI LANG PO KASI ANG BAWAT CHAPTER KUNG NAPAPANSIN NYO. 500-700 WORDS ANG LAMAN NG ISANG CHAPTER. NAHIHIRAPAN NA PO KASI AKONG MAG-TYPE KAPAG MAHABA NA. MABAGAL LUMABAS ANG WORD NA TINA-TYPE KO DAHIL CELLPHONE ANG GAMIT KO. KAYA PLEASE LANG, 'WAG NA MAG-REKLAMO. KAKAYANIN KO NA MATAPOS ITO BAGO ANG PASUKAN KO SA LUNES. PAKI-UNAWA NA LANG PO. BUSY DIN PO AKONG TAO AT MAGIGING MAS BUSY PA SA MGA SUSUNOD NA ARAW. THANK YOU.

-BSL

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon