Chapter 80

35.9K 732 61
                                    

ANNA

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ang nagpakaba sa'kin ng sobra. Ng ma-lock ang pintuan. Hindi ko naiwasan na sabihan ang matanda. Sinabi ko na dapat hindi niya 'yon ginawa. Pero wala man lang siyang sinabi na kahit ano. Tinapik niya lang ako sa balikat at umalis na siya. Simula noon, hindi na siya bumisita pa. Pero madalas ko siyang nakikita sa labas. Madalas siyang dumadaan sa tapat pero hanggang doon lang. Alam ko na nagtatampo siya dahil sa sinabi ko. Natakot kasi ako, kaya nasabihan ko siya. Hindi ko naman siya sinigawan. Maayos ko siyang kinausap. Naiintindihan ko kung bakit 'di na siya muling bumisita pa. Mabuti na rin 'yon, dahil hindi na umiiyak si Casper.

"Mabuti na lang at 'di na ulit siya bumalik kung ganon." Sabi ni Brent.

Kinuwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa matanda. Sermon ang inabot ko kanina dahil doon.

"Kaya nga eh. Okay na din 'yon." Sagot ko naman.

Nilapag ko sa mesa ang cake na dala niya.

"Casper, wait lang." Bigla nitong kinamay ang icing.

Napatawa naman si Brent.

"Ang takaw kasi."

"Mum-mum!" Nataranta naman ako agad.

"Brent!"

"Biro lang hehehe." Binalingan nito si Jasper na tahimik lang na nakatitig sa mousse cake. "Buti pa 'tong si Jasper. Kumikinang lang ang mata." Sabay tawa niya.

Tiningnan ko naman si Jasper. Napatawa ako dahil tulo laway na ito sa nakikita niya.

"Oh wait lang ha? Mag-slice na si mommy. Casper, behave."

"have!" Ginaya nito ang huli kong sinabi.

"Oo, behave ka lang. Like kuya." Sermon ko habang nag-iislice ako ng cake para sa kanila.

Natatawa talaga ako kay Jasper. Para kasing may sparks sa mata niya.

Hay, Jasper...

"Oh, ito na."

"Wow, perfect na perfect ang pagkaka-slice ah!"

"Ewan ko sa'yo Brent! Oh, kumain na kayo." Binigay ko na sa kambal ang sa kanila.

Sinunggaban agad ni Casper ang sa kanya samantalang titig na titig pa din si Jasper.

Napa-iling na lang ako.

"So Anna? Mabuti naman at tinantanan ka na ng Madrid na 'yon."

Napatingin naman ako sa kanya.

"Oo."

"Mabuti naman. Tahimik na ang buhay nyo."

"Sana nga Brent."

🍼🔱

3rd PERSON POV

"Sir, here's the economic report for this month."

"Put it down and leave."

"O—okay sir."

He sighed heavily.

Isang linggo na siyang 'di makatulog ng maayos. Hindi na siya sa sarili niyang kuwarto natutulog. Lumipat na siya sa kabila kung saan nag-stay ang kambal at si Anna. Sa totoo lang, hindi siya mapakali dahil wala siyang alam kung nasaan ang mag-iina niya. Gusto man niyang pabalikin ang mga ito, siguradong hindi ito sasama sa kanya. Lalo na si Anna. Galit na galit ito sa kanya.

"Wala ka ng ginawang tama sa kapatid ko Lucifer! Lagi na lang siya ang nasasaktan..."

Napa-sandal siya. Hindi na talaga siya babalikan ni Anna. G*go kasi siya.

Napa-iling na lang siya sa mga kasamaan niya.

Malalim ang iniisip niya ng may maalala siya. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang nag-iisang tao na makakatulong sa kanya ng lubos.

"Hello, Madrid."

"Parker."

"May ipapagawa ka ba sa'kin?"

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

"Yeah. I need your help again." Napatawa naman ito.

"Oh, sure. Ano ba ang ipapagawa mo?"

"You know Anna right?"

"Yes."

"I want you to find her again Parker. Gusto kong bantayan mo sila at sabihin mo sa'kin ang ginagawa niya. Kung ano ang estado nila."

"Mukhang MAHALAGA na sa'yo ang pamilya mo."

Napatawa siya. Alam na kasi nito ang tungkol sa nagawa niya.

"Y—yeah..."

"Oh, I see. I'll start searching by tomorrow. Hindi lang isang araw ang aabutin ng pinapagawa mo sa'kin. Ilang araw ba?"

"I—I don't know..."

"This will be hard for me. Hindi kasi ito ang linya ko."

"Parker, I need your help—"

"Don't worry Madrid. I'll help you. May pamilya din ako."

"T—thank you."

"No problem. Hintayin mo na lang ang tawag ko."

"Okay."

Binaba na niya ang tawag.

"Parker?" It's Thomas.

Naka-upo ito sa sofa.

"Yeah. Kanina ka pa?"

Umiling ito.

"20 seconds ago."

"Asshole."

"Are you pertaining to yourself Madrid?"

What the?!

"Tsk! Okay fine, I'm the biggest asshole! Happy?"

Umiling-iling lang ito sa kanya.

"So what's your plan? Binabalak mo naman bang kuhanin si Anna at ang mga anak mo?"

"No."

"Then what?"

"Inutusan ko siya na hanapin sina Anna at ang kambal. Kahit malayo sila sa'kin, gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa mag-iina ko. Hindi ko sila mababawi sa ngayon, kaya sa ganitong paraan muna ako kikilos."









GET READY FOR THE NEXT CHAPTERS *grin*

-BSL

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon