Chapter 84

35.1K 820 85
                                    

3rd person POV

"Continue Nine, or else I'll KILL you." Banta ni Lucifer habang nakaka-tutok  ang baril sa lalaki.

Parang pamilyar sa kanya ang boses nito pati ang hubog ng katawan.

Tumawa ang matanda na parang nababaliw.

"WHO ARE YOU?—"

Muntik na niyang mabitawan ang baril na hawak niya ng tumayo ito at humarap sa kanya.

Dad?

Ang taong kinamumuhian niya. Ang kanyang ama.

"How are you, my dear son? Missed me?"

Hindi siya maka-paniwala sa nakikita niya.

Tiningnan niya si Anna na nanghihina na at may pasa at mga sugat sa mukha. Biglang siyang naawa sa kalagayan ng bababe.

Naibaling niya ang tingin sa kambal. Umiiyak ang mga ito.

Mas tumindi ang galit niya sa ama.

"You're a monster!"

"I know son!"

Nanggigigil siya.

"Pakawalan mo si Anna at ang mga anak ko!"

"At bakit ko gagawin 'yon? Nagsisimula pa lang ako—"

"Pakawalan mo ang mga-iina ko! 'Wag mo silang idamay sa kabaliwan mo!" Sigaw niya dito.

Ngumisi lang sa kanya ang ama.

"Calm down son..." Sabi nito habang naka-ngiti pa sa kanya.

He's crazy.

Umiling lang siya dito.

"PAKAWALAN MO." May diin ang bawat salita niya.

Hindi niya inaalis ang pagkaka-tutok ng baril dito. Gustong-gusto niya ng pasabugin ang ulo nito pero hindi niya magawa.

Humakbang ang kanyang ama.

"Look at your twins Lucifer. They're so worthy... Bagay na bagay sila para maging katulad ko—"

"I DON'T F*CKING CARE. Pakawalan mo sila! Patayin mo ang mga kandila kung ayaw mong ikaw ang patayin ko. MAMILI KA." Banta niya.

Napatigil ang kanyang ama.

"LET THEM GO."

"I told you Lucifer, hindi pa ako nagsisimula! Don't worry, once na matapos ko na ang ritual, makukuha mo na sila."

Umiling siya.

"Hindi mangyayari ang gusto mo. Hindi ko hahayaan na madungisan ng pagka-demonyo mo ang mga anak ko. HINDI PA BA SAPAT NA BINIGYAN MO 'KO NG ISANG MAKASALANAN NA PANGALAN PARA LANG SA KABALIWAN MO SA MGA SINASAMBA MO?!"

Tumawa ang kanyang ama.

"It's just a name Lucifer. Pasalamat ka nga at 'di ka naging katulad ko. At dahil 'yan sa katigasan ng ulo mo! Hindi mo 'ko sinunod!"

"And that's the good decision that I made."

Ngumisi lang ang kanyang ama.

"What a coward." Sagot nito.

"I'm not a COWARD."

Lumapit sa kanya ang ama. Mas tutok na tutok na sa noo nito ang baril.

"Remember when you were young? Hindi ka maka-tulog hangga't 'di nakasindi ang mga kandila. Dahil natatakot ka na malapitan ka ng isang demonyo o ng isang katulad ko. Alam mo bang malaking insulto sa'kin ang ginagawa mo noon?" Sabi sa kanya ng ama.

Totoo ang sinabi nito. For him, candles represent Christ as the light. Kaya lumaki siya na hindi nawawala ang mga kandila sa kuwarto o kahit saan pa mang sulok ng bahay. Kampante siya kapag may kandila sa paligid niya.

"And what's wrong with that?"

Napatawa ito.

"Oh, nothing. Hindi ko naman mababago ang nakasanayan mo. But remember this son..." Humakbang pa ito muli. "Candles also symbolize of summoning a demon, and lit in times of death." Litanya nito. 

"I know." Sagot niya.

Ngumisi ito at umalis sa harapan niya. Sinundan niya ito ng tingin kasabay ng pagsarado ng pinto at pagpatay ng mga kandila.

Sinundan ito ng nakakabaliw ng tawa ng kanyang ama.

What the f*ck he'll do?!

Biglang dumilim ang kuwarto.

"DAMN YOU!—"

Napatigil siya ng may isang kandilang sumindi.

Hawak ito ng kanyang ama habang naka-tingin sa kanya.

"In the name of Satan, monarch of the earth, the king of the world, the chief of the serfs..."

"TUMIGIL KA!"

Damn it Lucifer! Shoot him!

"I command the forces of darkness, to come, and open wide the gates of hell..." Yumuko ito at nilapit sa isang kambal ang kandila.

Casper!

Tumigil ito sa pag-iyak ng itapat ng kanyang ama ang munting kandila.

"By this candle, come forth from the depth by your name..."

"No Casper!"

"Hmp!" Pigil ni Anna.

"Satan be with—" Biglang hinipan ni Casper ang kandila kasunod ng sunod-sunod na putok ng bala.

Nagmula ito sa may bintana.

Mabilis niyang kinuha ang kambal at hinanap si Anna.

"Anna!" Sinipa niya ang mga kandila na nakapalibot dito.

Inihiga niya ang kambal sa tabi at tinanggal ang tali ni Anna.

"Now move, move move!"

Narinig niya ang mga police sa ibaba.

Nagsindi siya ng isang kandila para maaninag ang mukha ni Anna.

Pagkatapos ay itinapat niya ito sa mukha ng babae.

Nakita niya ang mga galos nito sa mukha habang titig na titig ito sa kanya. Umiiyak ito at pawis na pawis.

Anna...

Tinanggal niya ang busal nito sa bibig at niyakap.

Humagulgol ito.

"I'm sorry, I'm really sorry, shhh... Stop crying now, I'm here..."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon