Chapter 70

34.1K 796 21
                                    

3rd PERSON POV

Nagising si Lucifer dahil sa matinding sakit ng ulo.

Tumihaya siya.

"Argh! My head, damn it!" Bumangon na siya sa kama niya.

Marami ang nainom niya kagabi kaya ganito kasakit ang ulo niya.

"T—tama na..."

Biglang rumehistro sa kanya ang pagmama-kaawa ni Anna kagabi. Oo, lasing siya. Pero alam niya ang ginagawa niya. Gusto niya lang talagang turuan ito ng leksyon. Ng dahil kasi sa kanya, kaya nag-away silang mag-kapatid. Tinigilan niya lang ito dahil iyak ito ng iyak. Nawalan siya ng gana at na-bwisit lang.

Damn that bitch.

Pumasok na siya sa banyo para maligo.

🍼🔱

Naghahanda na ang mga katulong ng almusal habang hindi pa nagigising ang amo nila. Si nanay Susan ang punong abala sa pagluluto at ang iba naman ay tumutulong sa kanya. Wala silang ka-ide-ideya na wala na ang mag-iina sa mansyon.

"Mena, pagkatapos ko dito ay dalhan mo na ang mag-iina nitong niluluto ko." Sabi nito

"Opo nanay."

"Lyndell, diba sabi ko sa'yo ay ilagay mo na 'to dyan sa misa!"

"Teka lang po!" Sigaw nito mula sa labas.

"Ikaw Ligaya? Tapos ka na ba dyan sa pinaluluto ko? Aba bilisan mo at mamaya ay bababa na si ser!" Pinatay na ni nanay Susan ang stove dahil tapos na siya sa kanyang niluluto.

"Mena! Dalhin mo na 'to sa itaas." Utos nito kay Mina habang nilalagay sa isang tray ang mga hinanda niya para sa mag-iina.

"Akin na po nay."

"Oh," Inabot niya ito kay Mina. "Dahan-dahan ang pag-akyat sa taas ha, Mena! Tatanga-tanga ka pa man ding bata ka!" Napa-nguso si Mina.

Kahit naiinis na siya sa matanda minsan ay 'di na niya lang ito pinapansin. Nasanay na din kasi siya. Ito ang unang nanermon sa kanya noong una niyang tapak sa mansyon.

"Love na love mo talaga 'ko nanay 'no? Ang sweet nyo po sa'kin grabe!"

"Tumigil ka Mena!"

Napatawa naman siya.

Binitbit na niya ang tray at umakyat na sa taas.

Kumatok muna siya sa pinto. Pero walang nagbukas sa kanya.

"Ma'am Anna?" Kumatok ulit siya.

"Ma'am Anna?" Ulit niya.

Binaba niya muna ang tray na hawak niya at pinihit ang doorknob.

Pumasok siya sa loob pero wala siyang naabutan. Bigla siyang kinabahan.

"Ma'am Anna?" Pumunta siya sa may banyo at hinanap ang mag-iina. Hinanap niya ang mga ito pero wala. Tanging ang crib at ang mga stuff toys lang ang naabutan niya. Binuksan niya ang cabinet. Bigla siyang naiyak dahil wala na ang mga gamit nila sa loob.

Umalis na sila? Kailan pa?

Dali-dali siyang lumabas at bumaba para ipaalam sa mga kasamahan niya na wala na ang mag-iina. Naiwan niya pa ang tray sa labas.

"Nanay!" Napalingon ang matanda sa kanya pati ang iba pang katulong.

"Oh—bakit ka umiiyak?!" Gulat na tanong sa kanya ng matanda.

"Nanay, wala na po sila sa taas. Umalis na po sina ma'am Anna..."

"Ano?! Kailan?! Bakit?!" Nalungkot sila lahat.

"Hindi ko po alam nanay... Wala na po ang mga damit nila doon." Iyak pa din ng iyak si Mina.

Napamahal na siya sa mag-iina lalo na sa kambal. Kaya sobra siyang nalulungkot. Daig niya pa ang brokenhearted ngayon.

"Alam ba 'to ni sir Nick?" Tanong naman ni Lucia.

"Siguro alam niya. Diba nga, pinapalayas niya na sina ma'am Anna?" Sagot naman ni Lyndell.

Doon nila naalala ang mga sinabi ng amo nila.

Biglang dumating si Thomas at kumuha ng tubig.

Kunot noo na tumingin ito kay Mina.

"What's happening here? Are you crying, Mina? Agang-aga." Sabay inom nito.

Naka-yuko sila lahat.

"Wala na sina ma'am Anna Thomas, iniwan na nila tayo." Humagulgol si Mina.

Binaba ni Thomas ang baso at tumingin sa kanya.

"She will miss you all. Pinasasabi niya." Napatingin sila lahat.

"Ako ang nagtakas sila kagabi." Kalmadong sabi nito.

Hindi nila alam ang ire-react. Parang 'di sila makapaniwala na ito mismo ang nagtakas sa mag-iina. Kitang-kita kasi nila noon kung paano nito kaladkarin si Anna.

"Wala na sila." Dugtong pa nito.

Lumakad ito at tumalikod na sa kanila. Hindi na nila ito naalok ng almusal dahil sa pagka-tanga.

Hindi pa ito nakaka-layo ng biglang bumaba si Lucifer. Napa-hinto si Thomas.

Magka-harap ang dalawa.

"Damn it, Thomas!" Bigla itong naglakad pabalik-balik.

"Why?" Kalmadong tanong ni Thomas.

Huminto ito.

"Nakatakas sila!" Sabi nito.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon