Chapter 26

56.3K 1.4K 80
                                    

ANNA

Huminto ang sasakyan sa harapan ng isang bahay. Mala-mansyon ang laki nito pero ang lungkot pagmasdan.

"Ibaba nyo na 'yan." Utos ng lalaki.

Hindi na 'ko pumalag habang may busal ang aking bibig. Napagod ako dahil sa pagwawala ko kanina pa. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga anak ko.

Hayop ka talaga Lucifer.

Hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko at binaba na 'ko sa sasakyan. Tahimik lang ako habang mabigat ang aking bawat pag-hinga. Natatakot ako para sa mga anak ko.

"Alam nyo na kung saan siya dadalhin." Utos nito.

"Hmp!" Nag-wala ako ng pumasok na kami sa loob.

Dalawang katulong ang nagbukas ng malaking gate. Bakas sa mukha nila ang pagtataka at awa sa'kin ng makita ko.

"Diyos ko, sino ang babaeng 'yon? Bakit may busal ang kanyang bibig?"

Rinig kong sabi nito sa kasama niya.

"Hmp!" Nagpumiglas ako ulit.

Mas lalo nilang diniinan ang paghawak sa magkabilang braso ko.

Nakarating na kami sa itim na pintuan at binuksan nila 'yon.

Pagkapasok ay binitawan nila 'ko kaya napaluhod ako. Nag-angat ako ng tingin.

Unang bumungad sa'kin ang mala-gintong mga gamit at chandelier.

Tumayo ako at lumingon sa likod ko. Nakatayo lang ang dalawang lalaki na may hawak sa'kin.

Tumingin ako ulit sa paligid.

Walang tao at napaka-tahimik.

Maya-maya pa ay may narinig akong bumababa kaya lumingon ako sa kanan ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Lucifer na bumababa at may dalawang katulong sa likod niya buhat ang kambal. Tulog ang mga ito.

"Hmp!"

Lumapit sa'kin si Lucifer.

"How are you, Anna?" Tanong niya.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Nakapaka-hayop niya talaga para gawin ito sa'min ng mga anak ko. Ano pa bang gusto niya?!

Tumingin ako sa mga anak ko at tuluyan na 'kong napa-iyak. Gustong-gusto ko na silang hawakan.

Humakbang ako para lapitan sila pero naharangan ako ng Lucifer.

"Hmp!"

"Not so fast, baby." He said.

Lumayo ako sa kanya ng haplusin niya ang bewang ko.

Lumapit naman siya at tinanggal ang busal ko sa bibig.

Pagka-tanggal niya ay sinampal ko agad siya.

"Sir!"

"No, I'm fine." Pigil nito sa mga tauhan niya.

"Hayop ka Lucifer! Bakit mo ginawa 'to?!" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa'kin.

"Because I want to."

"Akin na ang mga anak ko! Aalis na kami—"

"Try me, Anna. Try me." Babala niya.

Napatigil naman ako sa mga klase ng tingin na binibigay niya sa'kin. Bigla akong natakot.

"Akala mo yata ay makakatakas ka sa'kin Anna." He said.

Lumapit pa siya sa'kin.

"Alam kong babalik kayo sa America para takasan ako."

"P—paano mo nalaman?"

Ngumisi lang siya sa'kin.

"Let's just say, that you've trusted her." Makahulugan na sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"H—hindi kita maintindihan."

Humakbang siya palapit sa'kin.

"I won't tell you unless you'll stay with me again." He said.

Napatigil ako at pinagmasdan siya. Kita ko sa itsura niya na desperado siyang makuha ulit ako. Sobrang lalim ng kanyang titig.

"H—hindi ako sasama sa'yo." Sagot ko.

"Then I won't tell you. Hindi ka sasama? Fine! Umalis ka sa harapan ko ngayon Anna." Sabi niya.

"Akin na ang mga anak ko—"

"They're mine now Anna. Get lost."
Lumapit ako sa mga anak ko pero nilayo ito sa'kin.

"Akin na ang mga anak ko Lucifer! Akin sila—Bitiwan nyo 'ko!" Sabi ko.

Pinigilan ako ulit sa pagwawala ko.

"Purge that woman in front of me, now." Ma-otoridad nitong sabi.

Umiling ako. No! Ayokong mawalay sa mga anak ko. Ayoko!

"Lucifer, 'wag! Nagmamakaawa ako sa'yo! Ibalik mo sa'kin ang mga anak ko!" Sabi ko hanggang sa tuluyan na 'kong napa-iyak.

Tinitigan niya lang ako.

"Let go of her." Sabi nito.

Pagka-bitaw sa'kin ay napaluhod naman ako.

Lumuhod din siya sa harapan ko at pinantayan ako.

"Stay with me again Anna or else I'll kill you. Choose." I looked at him as I met his gaze.

Ilang segundo kaming ganoon ang posisyon hanggang sa tumayo siya at hindi pa din ako nakakasagot. Hindi ako makapaniwala na papatayin niya 'ko kapag 'di ako sasama.

"I-akyat nyo na ang mga bata. Let's go." Sabi nito.

Bigla naman akong natauhan kaya napatayo ako.

"P—pumapayag na 'ko." sabi ko.

Umangat ang labi nito at ngumisi sa'kin.

"Welcome back Anna."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon