Chapter 8

64.7K 1.5K 14
                                    

ANNA

Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari 'yon. Nalaman ni papa lahat kaya galit na galit siya. Maging sa kakambal ko ay ganoon din. Hindi ko naman siya masisisi dahil sobra ang dinanas ko sa buhay.

"Mum-mum." Napatingin ako kay Casper na haplos haplos ang pisngi ko.

"Why baby?"

"Mum-mum ying."

"Huh, baby? Mama is crying?" Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa baby ko.

They're my life.

"I'm sorry if umiiyak si mama." Sabi ko sa anak ko na wala pang muwang.

"Mum—mum ga—ga—ga." Napatawa ako ng bahagya. Ang daldal talaga ni Casper.

"Oo na po." Sagot ko at ibinalik ito sa crib.

Napatingin naman ako kay Jasper na mahimbing ang tulog. Compare kay Casper na laging masayahin, si Jasper ay laging tulog at tahimik. Panay lang ang titig nito sa'kin. He's really like his father.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak." Hinalikan ko ang mga ito sa pisngi.

Simula ng dumating ang kambal sa buhay ko. Ay kasabay din ng bagong pag-asa para sa'kin. Sa kabila ng lahat, nagawa ko pa din na maging masaya dahil sa pagdating ng kambal. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa kanila kung bakit wala silang ama na kinagisnan. Alam kong darating ang araw na 'yon. At 'yon ang dapat kong paghandaan.

"Anak." Napatingin ako sa may pintuan.

"Papa."

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong nito sa'kin.

Umiling naman ako.

"Mamaya na po papa. Gising pa si Casper eh." Napatawa naman si papa.

"Sige. Mauuna na 'kong matulog. Goodnight anak."

"Sige po papa. Goodnight." Ngumiti muna ito sa'kin tsaka tuluyang umalis.

Napatingin ako sa may kambal.

"Mamamasyal tayo bukas."

🍼🔱

"Anak mag-iingat kayo ah. Sumama na kaya 'ko?"

"Papa 'wag na po. Sumasakit na nga po ang mga binti nyo eh. Bibilhan ko na lang po kayo ng pasalubong." Sabi ko kay papa habang inaayos ko ang damit ng kambal.

"Kahit 'wag na anak. Ang mahalaga ay ligtas kayo." Sabi nito.

Ngumiti naman ako.

Maya-maya pa ay narinig na namin ang busina ng sasakyan.

"Nandyan na si Brent." Sabi ni papa.

Pinsang buo ko si Brent at siya ang magpapasyal sa'min ngayon.

"Hi Tito! Hi Anna! Hi twins!" Bati nito pagkapasok sa bahay. Napatawa naman ako.

"Pakibuhat na si Casper." Napakamot ito sa ulo.

"Pwedeng si Jasper na lang? Makulit ang isang 'to eh!" Turo niya kay Casper na may pacifier sa bibig.

"Brent ang arte mo! Iiyak si Jasper kapag hindi ako ang may buhat sa kanya." Ngumuso ito.

"Sige na nga!" Sabay buhat niya kay Casper. Tuwang tuwa naman si Casper ng buhatin nito.

"Ang babaw ng kaligayahan ng isang 'to! Buhatin mo lang tumatawa na." Napatawa naman kami.

"Natutuwa siya sa'yo kahit na lagi mo siyang inaaway."

"Ganon? Sige aawayin ko 'to lagi."

"Brent!"

"Biro lang! Tara na!"

🍼🔱

"Brent pakibantayan naman sila. Bibili lang ako ng tubig."

"Ako na. Saan ba?" Tinuro ko naman kung saan siya bibili.

Nandito kami sa loob ng mall. Gusto ko sana sa park kaso mainit naman. Kaya dito na lang kami sa mall at bumili na din ako ng mga konting damit ng kambal.

Ilang saglit pa ay dumating na din si Brent dala ang bottled water.

"Saan tayo next na pupunta? Kumain na kaya muna tayo." Sabi nito.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon