ANNA
Tahimik lang ako habang nakasakay ako sa sasakyan ni Lanna. Lumilipad ang isip ko. Okupado.
"Anna... Are you okay?" Tanong sa'kin ni Lanna.
"Huh? Ah, oo. A—ayos lang ako."
Nakita ko na tumingin siya sa'kin.
Huminto ang sasakyan ng mag-stop light.
I heard her sighed.
"Anna..."
Nilingon ko siya.
"Bakit?"
"Diba, noong mga bata pa tayo... Nagku-kuwento ako sa'yo na may mga bagay akong nakikita? Mga bagay na 'di nakikita ng ibang tao." She said.
Napatigil ako.
Naalala ko na may ganon nga pala siyang katangian. Hindi ko naman pinapansin yon noon. Hindi ako basta naniniwala. Pero sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Naniniwala na 'ko.
"O—oo. Naalala ko..."
Tumitig siya sa'kin. Parang may gusto siyang sabihin sa'kin. Ako na ang nag-iwas ng tingin.
"Bakit?" Tanong ko.
Pinagmamasdan ko ang mga taong nagmamadaling tumawid.
"N—nothing." Sagot niya.
Ilang saglit pa ay umandar na ulit ang sasakyan.
🍼🔱
Pagkarating namin sa mansyon ay aagd akong umakyat sa kuwarto para silipin ang kambal. Isa lang ang nasa crib. Si Jasper lang ang nandoon. Naabutan ko naman si Mina na nasa kama ko at nilalaro si Casper. Napa-ngiti ako sa naabutan ko. Lumapit ako sa kanila.
"Ma'am Anna!" Tumayo agad ito sa kama.
"No, it's okay. Pwede ka naman sa kama. Kamusta?" Umupo ako at binuhat si Casper.
"Mum!" Napatawa ako.
"Hi baby, kamusta ka hmmm? I missed you! Kayo ni kuya Jasper mo." Hinalikan ko ito sa pisngi. Tuwang-tuwa naman.
Binalik ko ito sa kama.
"Mina, nasa baba ang kapatid ko. Kayo na muna ang mag-asikaso sa kanya. Kung aalis na siya, 'wag nyo ng ipaalam sa'kin." Sabi ko.
Hinubad ko ang sapatos ko.
"Ma'am Anna. Magka-away po ba kayo ng kakambal nyo?" Napatigil naman ako.
Itinabi ko ang sapatos ko.
"H—hindi naman. N—ngayon lang kasi kami ulit nagkita. At tsaka, may problema lang kami." Sagot ko.
Tumango naman ito.
"Sige po ma'am Anna bababa na po ako."
"Sige Mina."
Umalis na ito pero napatigil ito sa may pintuan.
"Mina?" Humarap siya sa'kin.
"Ah ma'am, nandyan po ang kapatid nyo."
I sighed.
"Sige, papasukin mo siya."
Sinunod naman niya ang utos ko at pinapasok si Lanna. Pagka-pasok ni Lanna ay tumayo naman ako.
"H—hindi ka pa uuwi?" Tanong ko.
Lumapit siya sa'kin.
Katulad kanina, parang may gusto siyang sabihin sa'kin. Kanina ko pa kasi napapansin ang pagsulyap-sulyap niya habang pauwi kami. May problema ba?
"Lanna?" I called her.
"Ah sorry." Kumurap siya.
Tiningnan niya si Casper na nasa kama ko at naglalaro. Nilapitan niya ito.
"Hi, Casper. It's me, your auntie. Ang cute mo talaga!" Pinisil niya ang pisngi nito. Ngumiti naman sa kanya ang anak ko.
Lumapit ako sa kanila.
"Lanna. May sasabihin ka ba sa'kin?" Tanong ko.
Napatigil siya tsaka tumingin sa'kin. Ilang segundo siyang tumitig sa'kin kaya napakunot na ang noo ko.
"Anna..."
"Bakit?"
"P—pwede ba 'kong bumalik dito?" Tanong niya.
Hindi ako agad naka-sagot.
"Please Anna. G—gusto ko din kasing makasama ang kambal kaya gusto kong bumisita sana lagi. O—okay lang ba? Para makabawi na din ako..." She said.
"S—sige..."
Ngumiti siya.
"Thank you, Anna." I simply nod at her.
Hindi ko pa kayang suklian ang ngiti niya.
"Anna..."
"Bakit?"
"M—mag-iingat ka. I mean, don't trust anyone."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit Lanna?"
Lumapit siya sa'kin at kinuha ang kamay ko.
"I want to protect you, Anna."
"B—bakit Lanna? May problema ba?"
"N—no, no. Basta 'wag ka lang magtitiwala kahit kanino okay? Alam ko na... ang kapal ng mukha ko para sabihin sa'yo 'to since I deceived you for how many times. Pero Lanna, sana naman pakinggan mo 'ko." Naguguluhan pa din ako sa mga sinasabi niya.
Ano bang gusto niyang palabasin?
"Lanna? Ano bang pinagsasasabi mo? H—hindi kita maintindihan—"
"Nakikita mo ba siya Anna? May nagpapakita ba sa'yo na kamukha niya?" Biglang tanong niya.
Napatigil ako.
Alam niya?
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...