Chapter 45

36.8K 805 26
                                    

ANNA

"Anna..."

"Anna, wake up. Can you hear me?"

"Anna..."

"Anna..."

"Bullsh*t!"

Nagising ako bigla.

"Lucifer..." I uttered.

Bakit niya 'ko tinatawag?

Napatingin ako sa wall clock. Alas-onse na. Madilim ang kuwarto at tanging liwanag lamang sa labas ang nagsisilbing ilaw dito sa loob.

Tiningnan ko ang kambal sa crib nila habang naka-upo ako sa kama. Mahimbing na mahimbing ang tulog ng dalawa.

"Anna." Napalingon ako sa aking tabi. Naka-tayo siya doon.

"K—kanina ka pa dyan?" Tanong ko.

He's staring.

"Nagising ako kasi narinig ko na naman na tinatawag mo 'ko. Lucifer, 'wag mo naman sana akong istorbohin habang natutulog." Sabi ko.

Ngumisi lang siya tsaka naglakad at pumunta sa dulo ng kama.

"ANNA."

"Bakit?"

"Kung may tumatawag man sa'yo, 'wag mong papansinin. Sa akin ka lang makikinig. Do you understand Anna? Sa'kin lang." May diin na sabi niya.

"Ikaw naman ang tumatawag sa'kin diba? Tsaka nung muntik na 'kong masagasaan—"

"I DON'T CARE ANNA!" Nagulat ako sinabi niya.

"Lucifer..."

Nagulat ako sa biglaang pag-sigaw niya. Madilim ang aura ng mukha niya.

"I told you... Huwag mong papansinin ang ibang bagay. Just focus on yourself. Dahil anumang oras, ay maari ka ng mamatay. Nakalimot ka na ba Anna? Ilang buwan na lamang, mapupunta na sa'kin ang kaluluwa mo. Kung sino man ang tumatawag sa'yo. Ignore it." He said.

"Bakit?"

"Just do it."

Naguguluhan ako. Ano bang gusto niyang mangyari?

🍼🔱

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa buong gabi na pag-iisip dahil sa mga sinabi niya.

Just focus on yourself.

"Ano ba sa tingin niya ang ginagawa ko?" Tanong ko habang naka-upo ako dito sa may sofa.

Katatapos ko lang kumain. Ang kambal naman ay nilalaro ng mga katulong. Hindi muna ako makakapunta sa hospital dahil gusto ko munang ipahinga ang sarili ko. Bukas na lamang ako babalik para i-check ang condition ni Lucifer.

Tumayo ako at nagdesisyon na libutin ang buong mansyon. Kakaiba ang interior design ng bahay na 'to. Hindi ko ma-explain pero maganda.

Pinagmasdan ko ang mga larawan na nakasabit sa ding-ding. May picture si Lucifer doon kasama ang isang babae. Maganda siya at kamukha niya. Siguro, siya ang nanay ni Lucifer. Nasaan na kaya siya? Bakit silang dalawa lang? Nasaan kaya ang ama niya? May kapatid ba siya?

"Ma'am Anna." Tawag sa'kin ng isang katulong habang may bit-bit itong panlinis.

"Bakit Lyndell?"

"W—wala po... Ano pong ginagawa nyo?" Tanong niya.

Binitiwan ko ang larawan.

"Tinitingnan ko lang. Ilang taon ka na dito?" Tanong ko.

"5 taon na po."

"Naabutan mo ba ang mga magulang ni Sir Nick nyo?"

"Hindi ko pa po sila nakikita eh. Si madam Hera po kasi ang nakatira dito. Ang lola po ni Lucifer."

"G—ganon ba? Nasaan kaya ang mga magulang niya..."

"Hindi nyo pa din po nakikita ang magulang ni Sir?"

Umiling ako.

Sa loob kasi ng ilang taon na nagsilbi ako sa kanya, hindi man lang siya nag-open sa'kin. Kahit noong magkalaro kami dati, hindi din. Basta ang alam ko, galit lang siya lagi. Lagi siyang naka-simangot at galit na galit siya kasi Lucifer ang pinangalan sa kanya. Kaya ang feeling niya, demonyo ang tingin sa kanya. Kaya pinandigan na din niya.

"Wala po akong ideya kung nasaan ang mga magulang ni Sir. Pero may kapatid po siya na babae."

Napatingin ako kay Lyndell.

"May kapatid siya?"

Bakit 'di ko 'yon alam?

"Opo ma'am. Dumadalaw po siya dito minsan."

"A—anong pangalan niya?"

"Lory po."

"Lory?"

"Opo ma'am."

"Kailan siya huling pumunta dito? May alam ba kayo kung nasaan siya ngayon?"

Umiling ito.

"Wala na po ma'am eh. Tsaka, noong isang taon pa po siya huling bumisita dito. Simula po ng pumanaw ang lola nila, 'di na po siya naglalalagi dito."

Napatango na lamang ako. May kapatid pala siya. Nasaan kaya siya? Gusto kong malaman niya ang sitwasyon ni Lucifer.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon