ANNA
"Anna—"
"Ay, kabayo!—Lucifer..." Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa likuran ko.
Akala ko kung sino! Gabi pa naman na at patulog na sana 'ko.
"Can I stay here?"
"Huh?"
"Pwede bang dito muna 'ko matulog?"
"But why? May sarili ka namang kuwarto diba?"
Umiwas siya ng tingin at tumingin sa kambal.
Bigla tuloy akong naawa sa kanya.
"Gusto mo ba silang katabi? P—pwede mo naman silang dalhin sa kuwarto mo. Payag ako na sa'yo muna sila matulog." Sabi ko.
Tumingin siya sa'kin.
"Then I'll bring them to my room."
"Sige." Lumapit siya at walang kahirap hirap na binuhat ang dalawa.
"Pag-umiyak sila, tawagin mo na lang ako."
He nodded.
"Sleep, Anna. G—good night." Sabay alis nito.
I sighed. Ito ang unang beses na 'di ko kasama ang kambal na matulog sa isang kuwarto.
🍼🔱
"Jasper! Casper!"
"Anna!"
"'Wag! Wag mong kuhanin ang mga anak ko—"
"Anna wake up!—" Bigla akong nagising ng may yumugyog sa'kin.
"Lucifer..."
"A-are you okay?" Tanong niya.
Tumingin ako sa kanya. Hingal na hingal ako at puro pawis ang aking mukha. Akala ko...
"You had a nightmare?"
I just look at him.
"You're calling our twins. Don't worry, hindi ko sila kukuhanin sa'yo." Sabi niya.
Tumingin ko sa kanya. Sana nga ay hindi magkatotoo ang panaginip ko. Para kasing totoo. Panaginip lang 'yon pero parang mababaliw ako.
"Sana nga Lucifer. Hindi ko kayang mawala sila sa'kin, please." Sabi ko sa kanya.
Lumapit siya sa'kin at pinunasan ang mga pawis ko sa mukha. Hindi ako nakakibo habang ginagawa niya 'yon sa'kin. Bigla akong nailang. Why he's doing this?
"I—I'm okay." Inalis ko ang mga kamay niya sabay urong ko ng bahagya.
"Alright. Nasa baba ang kambal. You should have your breakfast. Aalis na 'ko." Paalam niya tsaka siya tumayo. Tumingin muna siya sa'kin bago umalis.
🍼🔱
"Hi, ma'am Anna! Kain na po kayo." Bungad sa'kin ni Mina habang inaasikaso ang kambal. Tawa naman ng tawa si Casper habang nilalaro ang kutsara habang may cerelac sa kanyang bibig. Si Jasper naman ay nagpapaka-independent kumain. Hinalikan ko ang mga ito sa pisngi bago ako umupo. Pinaghain naman ako agad ni Mina ng pagkain.
"How about you Mina? Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa'kin.
"Eh ma'am, hinihintay ko po kasi si Thomas na mag-almusal." Napatawa naman ako.
"Ikaw talaga! Baka mamaya 'di naman 'yon mag-almusal, magugutom ka lang, sige ka." Ngumuso naman ito.
"Mum-mum! Tom!" Napatingin naman ako kay Casper.
"Wow, kilala mo si baby Thomas ko, Casper?" Napa-iling na lang ako.
"Kumain ka na Mina. Sabayan mo na kami."
"Sige na nga po ma'am. Baka tulog pa 'yon eh—"
"Mina!" Napatigil kami pareho ng sumigaw si Thomas mula sa kuwarto nito. Best friend ito ni Lucifer at dito siya tumutuloy minsan. Pero 'di ko naman siya pinapansin.
"Gising na siya!" Sabi ni Mina.
"Umakyat ka na. Baka mag-apoy 'yon sa galit."
"Sige po ma'am. Wait lang po, Sir!" Sabay takbo nito at nagmadaling umakyat sa taas.
I looked at my twins.
"Ang cute ni ate Mina nyo 'no?"
"Yut?" Sabi ni Casper.
"Oo baby, cute! Parang kayo ni kuya Jasper mo." Sabi ko dito.
Tumawa naman siya habang hinahampas ang kutsara sa sobrang tuwa niya. Sa kanilang dalawa talaga, siya ang hyper!
"Jasper." Sinubukan ko siyang tawagin at tumingin siya sa'kin.
Para talaga siyang si Lucifer kapag tumititig sa'kin.
"Mum."
I smiled. Pinunasan ko ang labi nito.
"Eat na baby."
Sobra talaga akong thankful dahil binigay sila sa'kin. Walang ibang bagay ang kaya kong ipagpalit sa mga anak ko. Sila lang ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystère / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...