Chapter 74

32.5K 625 23
                                    

ANNA

"Anak, kilala mo ba ang matandang 'yon?" Tanong ni papa habang naka-silip siya sa may bintana.

"Sino po?"

"Halika, tingnan mo." Tinapos ko ang pagtitimpla ng gatas at binigay na sa kambal.

Lumapit ako kay papa at sinundan ang tingin niya. Nagulat ako dahil nasa tapat ng bahay 'yong matanda na nakilala ko noong isang araw.

"Kahapon ko pa 'yan napapansin bago ako pumasok. Kilala mo ba siya?" Pinagmasdan ko ang matanda. Itim ulit ang soot nito.

"Nakilala po namin siya noong isang araw. Lumapit siya sa'min ni Jasper tapos nakipag-kilala po siya."

"Ganon ba? Taga-saan siya? Parang ngayon ko lang siya nakita dito." Sabi ni papa habang nakatingin pa din siya sa labas.

"Dito lang daw po siya naka-tira. Wala na daw siyang kasama sa buhay. Sabi pa niya, baka daw pwede siyang bumisita dito minsan."

Tumingin sa'kin si papa.

"Bakit daw?"

"Natutuwa kasi siya Jasper. Mabait naman siya papa, kaso nakaka-takot siya manamit. Tingnan nyo po."

Tiningnan ulit ni papa 'yong matanda.

"Oo nga eh." Napa-iling si papa.

"Hayaan na natin siya sa labas. Oh pano, aalis na muna 'ko at naghihintay na sa'kin ang boss ko." Ngumiti ako sa kanya.

"Ingat po papa."

"Kayo din. Tumawag ka sa'kin kapag nagka-problema." Tumango naman ako.

Nagpaalam muna siya sa kambal bago siya umalis.

Naiwan na naman kaming mag-iina dito sa bahay.

Binuhat ko ang kambal at binaba sa may sala. Ni-lock ko ang pinto dahil mag-lilikot na naman ang dalawa. Baka makalabas pa ng bahay ng 'di ko namamalayan.

Dumiretso ako sa kusina para makapag-luto ng pananghalian namin. Ginisang gulay at pritong tilapia ang naisipan kong lutuin. Favorite kasi ng kambal ang kalabasa.

🍼🔱

Katatapos ko lang mag-luto kaya tinabi ko muna ito. Maaga pa naman kasi. Tsaka busog pa ang kambal dahil kaka-gatas lang nila.

Naabutan ko ang kambal na palakad-lakad habang may hawak na laruan. Nakita ako ni Casper kaya lumapit ito sa'kin at yumakap sa may binti ko. Sumunod naman si Jasper. Napa-ngiti ako.

"Ang sweet naman ng mga baby ko." Lumuhod ako at pumantay sa kanila.

Niyakap ko sila.

"Mum! Mum! Kap!"

"Mum!" Rinig kong sabi ng dalawa.

Napatawa naman ako.

"Oh sige na, play na kayo." Sabi ko.

Umalis agad ang dalawa at naglaro na.

Pinagmamasdan ko ang mga anak ko. Hindi mawala ang mga ngiti ko dahil sa kanila. Masaya ako dahil binigay sila sa'kin ng panginoon. Sila ang humuhupa ng sakit na nararamdaman ko. They're my angels. My sweet angels.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng may kumatok.

"Casper! Jasper!" Tumingin naman ang dalawa sa'kin.

"Come here." Sumenyas ako kaya lumapit sila agad sa'kin.

Nilagay ko muna sila sa crib.

Lumapit ako sa may pinto. Sinandal ko ang tenga ko.

May kumatok ulit.

"S—sino yan?" Hawak ko ang doorknob.

Kumunot ang noo ko.

"Sino yan?"

Binuksan ko ang pinto at 'yong matanda ang sumalubong sa'kin.

"H—hello po..." Bati ko.

Nabigla ako sa pagdating niya. Kanina pa kasi siya nasa labas. Hindi kaya, kanina pa niya balak na bumisita?

"Hello, hija. Kamusta?" Tanong nito.

"Okay lang po." Mas binuksan ko pa ang pinto.

"P—pasok po kayo..."

"Okay lang ba sa'yo?"

Tumango naman ako.

"Okay..." Pumasok na siya sa loob.

Inilibot niya ang tingin sa bahay.

"What a sweet home..." Sabi nito.

Pumunta ito sa kambal na nasa crib. Biglang umiyak si Casper kaya lumapit ako at agad itong pinatahan. Halos mabingi ako dahil sa lakas ng pag-iyak niya.

"Shh, baby. Why are you crying?" Tumalikod lang ito at sumusob sa'kin.

Ngumiti lang ako sa matanda.

"Pasensya na po kayo..."

"I understand. Natakot siguro siya sa'kin?" Sabay halakhak niya.

Tinapik-tapik ko ang likod ni Casper para 'di na siya umiyak.

"Here, Anna." May nilabas siyang isang pulang oras.

"Ed." Sabi ni Jasper habang nasa crib at titig na titig sa nakikita niya.

"Tanggapin mo 'to Anna. Marami akong tanim nito sa aking hardin." Sabi nito.

Tinanggap ko ang pulang rosas.

"Thank you po..."

Ngumiti lang ito.

"Kumain na po kayo?" Tanong ko.

"Bakit?"

"Ah... Nag-luto na po kasi ako. Gusto nyo po bang kumain?"

"Masamang tanggihan ang grasya hija..." Tumawa siya ng marahan. "Kaya sige at tatanggapin ko ang alok mo."

Ngumiti naman ako.

"Halika po..."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon