ANNA
Inaayos ko ang mga gamit namin ngayon. Basta ko na lang kasi nilagay ang mga damit sa maleta kaya inaayos ko na. Nag-iwan lang ako ng konting damit namin sa cabinet. Nag-iimpake na 'ko para kapag dumating na ang oras na aalis kami, madali na lang.
Nasa crib lang ang kambal habang naglalaro ng mga stuff toys na binili ni Lucifer para sa kanila. Noong bago siya maaksidente. Malungkot akong napa-ngiti habang pinagmamasdan ko ang mga anak ko. Naaawa ako sa kanila.
Magiging masaya din tayo mga anak... Nandito si mommy.
Pinagpatuloy ko ang pag-iimpake.
🍼🔱
3rd PERSON POV
Kanina pa hindi sinasagot ni Hannah ang tawag niya. Naka-ilang dial na siya ngunit di ito sumasagot sa kanya.
"Damn! Answer my call!" Reklamo niya.
Inis na umupo siya sa swivel chair niya. Hinilot niya ang magkabilang sintido. Magulo ang isip niya at mas lalo pang nagulo ng malaman niyang may anak sila ni Anna. Akala niya noong una ay matagal na itong may anak. Pero ng pinaliwanag sa kanya at nakita niya mismo ang kambal, doon na siya naniwala na may anak sila. May amnesia siya at ang naalala niya ay ang nakaraan nila. Hindi siya naniniwala na niloloko lang siya ni Hannah. Sa isip niya, busy lang ito kaya 'di niya matawagan.
Kakausapin niya si Thomas para malaman kung totoo ba lahat ang sinabi ni Anna sa kanya.
"Hahayaan mo kaming umalis."
Hindi mawala sa utak niya ang sinabi nito. Parang may kung ano ang bumalot sa kanya na 'di niya malaman. Parang natakot siya. Pero sa huli, hinayaan niya ito sa gusto nitong mangyari.
She's a liar.
'Yon ang nasa isip niya. Nagsisinungaling lang ito sa kanya. Noon pa man ay gusto na siya ni Anna. Hindi naman siya manhid para 'di 'yon mahalata. Ginamit niya ito bilang parausan noon at para makabayad na din ito sa utang ng ama niya. Kahit nasa New York ang babaeng mahal niya. Kung iisipin, nagtataksil siya. Pero pampalipas oras niya lamang 'yon dahil wala sa tabi niya si Hannah. Naku-kuwento niya naman si Anna dito at sa pagkaka-alam ni Hannah, katulong lamang niya ang babae na kasama niya. Hanggang sa umamin si Anna sa kanya na mahal siya nito. Parang bigla siyang nakaramdam ng saya ngunit binalewala niya agad 'yon. Marahil ay flattered lang siya dahil isa na namang babae ang nahulog sa kakisigan na taglay niya. Hindi niya alam pero 'yon ang naramdaman niya sa pag-amin nito. Noong una niya kasi itong makita, iba ang naramdaman niya. Parang may koneksyon na sila noon pa man. Pero anak ito ng isang magnanakaw, kaya pinagbayad niya ito at ginawang slave. Habang tumatagal, napapansin niya ang pagkakahawig nito sa babaeng mahal niya. Pero binalewala niya lang ulit 'yon. Para kasi sa kanya, mas maganda at sexy si Hannah. Makulit din ito. Hindi katulad ni Anna na laging tahimik at 'di man lang marunong mag-ayos. Maganda din naman ito. Sadyang parausan niya lang ang tingin niya kay Anna. Kada kaharap niya 'to, parang madami itong gustong sabihin pero parang nahihiya ito lagi sa kanya. Naiinis siya, dahil parang laging takot ito sa kanya. Dahil ba ganon ang pangalan niya? Tsk. Kasalanan kasi ng ama niyang satanista. Napapasunod niya lang si Anna kapag nasa kama sila. Doon niya lang nararamdaman na hindi ito naiilang sa kanya. Nagawang umamin nito sa kanya pero ganon pa din. Sinabi niya dito na wala sa vocabulary niya ang pagmamahal. Nasabi niya 'yon para tumigil na ito. At isa pa, mahal niya si Hannah. Hinihintay niya lamang ang pag-uwi nito.
"Sir?" Nasa ganoon siyang pag-iisip ng may kumatok.
"What?!" Pumasok si Ligaya.
Isa sa mga katulong nila.
"N—nandyan po ang kapatid nyo." Kumunot ang noo niya.
Si Lory?
"Where is she?" Tumayo na siya sa kinauupuan niya.
"Nasa baba po, kasama po ni ma'am Anna."
Mas lalong kumunot ang noo niya.
At kailan pa sila naging magkakilala?
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...