ANNA
"What?" Kunot noo na tanong niya sa'kin.
"Nililinlang mo lang ako. Pakiramdam ko, hindi ikaw si Lucifer. Pakiramdam ko, iba ka." Sabi ko.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
So, totoo nga?
"Anna, Anna..." Lumapit siya sa'kin.
Napaatras naman ako.
"Ikaw? Nilililinlang ko?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot."Ganon na ba ang tingin mo sa'kin? How sad for me..."
Nag-iwas ako ng tingin.
"Bakit naman kita lilinlangin Anna?"
Tiningnan ko lang siya.
"Anna, can't you see? I'm trying..."
"Trying?"
"Na maalala kayo ulit."
"Hindi ko alam Lucifer. Hindi ko alam..." Sabi ko at nilagpasan siya.
Pero napahinto ako ng malaglag ang ilan sa mga gamit dito sa kuwarto.
"'Wag na wag mo 'kong tinatalikuran Anna! I'm still talking to you!" Napahinto ako.
Galit na galit siya.
"U—umalis ka na."
"Why Anna? Hindi ka naniniwala?"
"Umalis ka na—"
"Okay, fine!" Sabay alis niya.
Napahinga na lang ako ng malalim at niyakap si Jasper.
🍼🔱
"Ano pong nangyari ma'am Anna? Bakit ang daming basag basag na gamit?" Tanong ni Mina.
"N—nasagi ko lang." Sagot ko habang tinutulungan ko siyang mag-linis.
"Grabe naman po kayo ma'am Anna." Sabay tawa niya.
"Mag-ingat ka Mina baka masugatan ka." Sabi ko.
"Naku ma'am Anna. Ayos lang! Sanay naman ako masaktan eh." Natawa ako sa sinabi niya.
"Ikaw talaga."
Natawa kami parehas.
Pagkatapos ay bumaba na kami parehas.
"Ma'am Anna. May naghahanap po sa inyo."
"Sino?"
"Lanna po ang pangalan." Napatigil ako sinabi ni Lyndell.
"Lanna?" Tanong ko.
"Opo ma'am. Nasa labas po siya."
"S—sige. Ako na ang bahala." Sabi ko.
Anong ginagawa niya dito?
🍼🔱
"Anna..." Kaharap ko ngayon si Lanna na nakatayo sa may bungad ng pintuan.
Tiningnan ko lamang siya."What are you doing here Lanna?"
Yumuko lang siya.
"Pasok ka." Sabay alis ko sa harap niya at nauna na 'kong pumasok.
Naramdaman ko naman na sumunod siya sa'kin.
"Mina!"
"Ma'am!" Napatingin naman ito kay Lanna.
"Sino po siya ma'am? Kapatid nyo?"
"She's my twin sister."
"Ah. Hi, po!" Ngumiti naman sa kanya si Lanna.
"Magtitimpla lang po ako ng juice."
"Sige."
Nilingon ko si Lanna. Tahimik lang siya habang nasa tabi ko.
"Maupo ka." Sabi ko.
Umupo naman siya. Nagtitigan lang kami at walang nagsasalita. Isanh minuto yata kaming ganoon. Hindi ko inaasahan ang biglang pagpapakita niya sa'kin.
"Anna... How are you—"
"Ang kapal naman ng mukha mo para tanungin ako Lanna." Natigilan siya sa sinabi ko.
"Anna..."
"Paano mo nagawa sa'min 'yon Lanna? Ha? Bakit mo sinabi kay Lucifer na aalis kami? Wala ka ba talagang awa sa'kin? Sa'min ng kambal?"
"Anna..."
"Ma'am Anna heto na—"
"Bakit?!" Napatigil si Mina.
Pati ako ay nagulat. Bigla kasi siyang sumulpot sa harapan namin.
"Ma'am..." Nilapag niya ang tray.
"Sorry Mina. H—hindi ikaw 'yong sinigawan ko... Thank you, Mina. Iwan mo muna kami."
"S—sige po."
Napahinga ako ng malalim.
"Anna, I'm sorry. Oo, kasalanan ko. Ako ang nagsabi kay Lucifer na babalik ka sa America. Kaya ko 'yon nagawa dahil gusto kong mapatawad niya 'ko."
Umiling ako.
"Makasarili ka Lanna. Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi ka na nagbago."
"Alam ko Anna. Alam ko. That's why I'm here. To say sorry. I know na hindi mo na 'ko mapapatawad pero susubukan ko pa rin. Anna, kaya ako pumayag sa gusto ni Lucifer dahil kitang-kita ko sa kanya na gusto niyang makasama ang kambal. I did that not only for myself Anna but also for him. Gusto kong maranasan niya ang maging ama sa kambal. 'Yon lang ang naisip kong paraan para makabawi sa mga kasalanan ko sa kanya. Kahit alam kong magagalit ka dahil sa gagawin ko. Anna, I'm really sorry. Sorry. Kung kailangan kong mag-sorry sa'yo ng paulit-ulit habang nabubuhay pa 'ko, I'll do it. Kahit sa huling hininga ko." Lumuhod siya bigla sa harapan ko.
"I'm sorry Anna. I'm sorry. "
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Bí ẩn / Giật gânThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...