Chapter 17

60.6K 1.4K 18
                                    

ANNA

"Bulaga!" Casper chuckles.

"Ang cute talaga ng baby ko!" Sabi ko at kinuha ito sa crib.

Madaling araw pa lamang ay nagising na kami ni Brent dahil sa mahihinang tawa ng kambal. Napangiti na lang kami ng makita namin ang dalawa na magkaharap habang hinahawakan ni Casper ang kamay ng kapatid niya.

"Anna, mag-almusal na tayo." Napatingin ako sa may bungad ng pintuan.

"Sandali lang Brent. Patutulugin ko muna si Casper."

"Mamaya pa matutulog 'yan. Hyper yang batang yan eh! Naghanda ako ng cerelac. Baka magustuhan niya. Si Jasper, gusto din kaya non?"

"Oo naman. Kaso tulog pa si Jasper, kaya mamaya na lang siguro. Si Casper na lang muna ang isabay natin."

Ngumiti naman si Brent.

"Sige sunod na lang kayo." Sabay alis nito.

Kinuha ko naman si Casper at dinala na ito para makapag-almusal.

🍼🔱

"Baka magpabago na 'ko ng schedule para mas maaga ako makauwi." Napatingin ako kay Brent.

"Brent 'wag na. Ayos lang naman kami dito."

"Pero—"

"Wag na, Brent. Tsaka maghahanap din ako ng trabaho, para makatulong naman ako sa mga gastusin dito." Sabi ko.

"No Anna, it's okay. And besides, walang magbabantay sa kambal kung sakaling magta-trabaho ka." Napatigil ako sa sinabi niya.

Oo nga pala. Walang magbabantay sa kambal kung sakali. Napatango na lang ako. Gusto ko talaga mag-trabaho. Pero hindi ko pa pwedeng iwanan ang kambal.

"Sige Brent, dito na lang muna ako sa unit." Sagot ko.

"Mum-mum." Napalingon naman ako kay Casper na subo-subo ang kutsara sa bibig. Kinuha ko naman ito tyaka siya sinubuan.

"Don't worry Anna. I'll allow you soon to work. But not for now. The twins need you here. 1 year and 3 months old pa lang sila. Plus, pasaway pa." Napahinga naman ako ng malalim.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay mga sanggol pa lang sila. Ngayon, magdadalawang taon na ang kambal.

"I know Brent. Naisip ko din naman 'yon." Sagot ko tyaka ngumiti sa kanya.

Sobra sobra ang pasalamat ko sa kanya. Masuwerte ako dahil nagkaroon ako ng pinsan na tulad ni Brent. Simula bata pa lamang kami ay siya na ang nakakalaro ko. Para na ngang kapatid ang turingan namin sa isa't isa. Palibhasa ay kami lang tatlo ang magpipinsan. Only child lang kasi Brent. Kaya spoiled na spoiled ito kina Tita hanggang ngayon.

"I need to go Anna. Tambak ang gawain ko sa opisina eh." Sabay tayo nito habang pinupunasan ang bibig niya.

"Sige mag-iingat ka. Ako na ang bahala dito." Sabi ko.

Ngumiti naman ito tyaka kinuha ang coat niya at case. Humalik muna ito kay Casper.

"Wag pasaway sa mommy ah." Napatawa naman ako.

Lagi niya talagang inaasar si Casper. Buti na lang at di siya pinansin nito. Nag-eenjoy kasi ito sa pagkain niya.

"Mauna na 'ko."

"Ingat!"

🍼🔱

LUCIFER

I stopped my car as I saw that bastard leaving the building.

Pumasok agad ito sa kotse niya at mabilis na pinaandar ang sasakyan niya. I guess he's in a hurry.

I smirked and step out in my car as I looked at the entrance of the building.

I didn't waste my time and went inside.

"Excuse me, sir, may bibisitahin po ba kayo?" I stopped.

"Yes."

"May I know what's your name, sir?" I looked at her.

Does she need to ask my name? Tss.

"I came here to visit my wife."

"Oh, sino po siya sir?"

"It's none of your business. Can I go now? You're wasting my time young woman." She stopped smiling.

"I—I'm sorry sir, pero hindi po kami tumatanggap ng bisita without the consent of the owner of the unit." I glared at her.

"My wife is the cousin of the owner of the unit."

"Pero sir, kailangan nyo pong pumirma sa guests list—"

"I'll be quick. I want to see my wife."

"Sir!"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon