Chapter 89

37.2K 902 116
                                    

3rd PERSON POV

"Do you still love me?"

Nagulat siya sa tanong nito. Sa loob ng tatlong taon na panliligaw nito sa kanya, ngayon lang siya tinanong tungkol sa nararamdaman niya. At mahal siya nito.

Hinawakan niya ang isang kamay nito na nasa pisngi niya.

Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

"Answer me, Anna. Hindi 'yong puro ngiti lang ang sinasagot mo sa'kin." Napatawa siya.

Ang sungit pa din.

"Kapag ba sinagot na kita, titigilan mo na ang pagpapadala sa'kin ng mga bulaklak?" Tanong niya.

Kumunot ang noo nito.

"Why? Ayaw mo na ba sa mga bulaklak na binibigay ko sa'yo?"

Umiling siya.

"H—hindi naman. Tinatanong ko lang."

"NO."

"Huh?"

"I won't stop. I'll continue giving you flowers."

Napa-ngiti siya sa sagot nito.

"Kapag sinagot kita, ano na tayo? Boyfriend na kita?"

"Boyfriend? Tsk. Asawa na kita."

"A—agad?"

"Yes Anna. Sa tingin mo ba papakawalan pa kita?"

Nanlaki ang mata niya. Seryoso nga talaga siya.

"G—grabe ka." Ngumisi lang ito.

"What's your answer? Gusto ko ng malaman para makasal ka na agad sa'kin."

"S—sigurado ka bang mahal mo talaga ko?"

Napabitaw ito sa kanya.

"What the f*ck Anna?! I love you! Tatlong taon akong naghintay! Tapos pinagdududahan mo pa 'ko?! Anna naman!"

"Galit ka?" Napatigil ito.

"Huh? N—no... N—nabigla lang ako. Sorry... I love you. Hindi ako galit." Pinigilan niyang matawa.

Dati kasi siya ang takot dito. Ngayon ito naman.

Lumapit siya at hinawakan ang pisngi nito na may mga papatubong buhok. Nakakakiliti ang mga 'yon.

Stubbles.

"Hanggang ngayon, short-tempered ka pa din."

"Sorry."

"Lumuhod ka." Utos niya.

Kumunot bigla ang noo nito.

"W—what? Why?"

"Kneel Lucifer."

"Damn it Anna?! Seryoso ka ba?"

"Oo."

Lumuhod na ito sa harapan niya.

Lihim siyang napa-ngiti.

Susunod din naman pala.

"Then what's next?" Tanong nito.

"A—Ano ba 'yong tanong mo sa'kin?"

"Tanong?"

"Tanong! I mean, yung isang tanong na gusto mo, 'YES' ang sagot."

Tumahimik ito saglit.

"Ano na—"

"Will you marry me?"

Ngumiti siya.

"Tumayo ka na."

Kumunot ulit ang noo nito.

"W—what the? That's it?!—" Hinila niya ang batok nito at siya na mismo ang humalik.

Na-estatwa ito sa ginawa niya pero nakabawi din agad at sinagot ang mga halik niya.

It's my turn now.

Pagkatapos ay nginitian niya ito.

"It's a yes, NICK. Magpa-kasal na tayo." Napatitig lang ito sa kanya na parang 'di pa naa-absorb ang sinabi niya.

"Nick? Are you okay? I said yes —"

Bigla itong ngumiti at sinunggaban siya ng halik. Halik na hindi mapag-parusa at walang bahid ng sakit.

"Hala, nagki-kiss!" Napatigil sila ng umeksena si Casper.

Nanonood na pala sa kanila ang dalawa habang hawak ang french fries nila.

Napatawa naman si Lucifer at binuhat ang dalawa ng walang kahirap-hirap.

"Daddy bakit kayo nagki-kiss dito? Nandito kami eh."

Nagka-tinginan silang dalawa. Tiyak na madaming tanong si Casper.

"We're kissing because we love each other."

Sumubo ng fries si Casper. Samantalang wala namang paki-alam si Jasper. Wala nga itong reaksyon sa nakita niya.

"Daddy?"

"Yes, baby?"

"Can I kiss the fries too?" Tanong bigla ni Casper.

"Why?" Siya naman ang nagtanong.

"Eh kasi love ko 'to."

Napatawa siya sa sagot ng kanilang anak. Sabihin ba naman ang tagline ng Mcdo kahit na french fries ng Jollibee ang kinakain nito.

"I love fries daddy. Diba kuya?" Baling nito sa kapatid.

"I don't love fries. I like them." Sagot ni Jasper.

"I like them too!"

"I know." Sagot ni Jasper.

Pinagmasdan ni Anna ang kanyang panganay. Parang matanda na ito kung magsalita.

Lumapit siya at hinalikan ang dalawa sa pisngi.

"Ubusin nyo na 'yan para makatulog na kayo, okay?

"Yes mommy."

Binaba na ni Lucifer ang dalawa.

"Anna." Tawag sa kanya nito.

"Hmm?"

"Can I sleep here tonight?" Tanong nito sa kanya.

Napa-'huh' tuloy siya dahil sa pagka-bigla.

"Can I?"

"Sige. B—bahala ka." Yinakap siya nito.

"Thank you Anna. I love you."

"Mahal din kita."

Kumalas ito mula sa pagkaka-yakap.

"Anna..."

"Bakit?"

"C—can I sleep in your room?" Natigilan siya.

"Huh? H—hindi pa naman tayo kasal Nick—"

"Don't worry. I won't do anything. I just want to sleep beside you. You're my fiancé now Anna. Kaya kailangan masanay ka na."

Tumango na lamang siya.

"S—sige."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon