Chapter 60

32K 720 31
                                    

ANNA

"Ma'am Anna! Ma'am Anna!" Napa-balikwas ako sa sunod-sunod na katok mula sa labas.

Bumangon naman ako at pinagbuksan sila ng pinto. Ang lawak ng ngiti nila ng pag-buksan ko sila.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko.

Lumapit sa'kin si nanay Susan at ngumiti.

"G—gising na siya hija..." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"G—gising na siya? Gising na si Lucifer?" Naiiyak na tanong ko sa kanila.

Tumango sila lahat.

"Katatawag lang ni Sir Thomas at sinabi niya na gising na daw po si Sir Nick. Pinapapapunta daw po kayo doon ma'am Anna." Sabi ni Ligaya.

Tumango naman ako.

"Oo, sige! Pupunta na 'ko! Mina tara na! Paki-bantayan naman po ang kambal." Sabi ko.

Hindi na 'ko nag-abala pang magbihis at mag-suklay. Sumunod naman agad sa'kin si Mina.

Nananaginip lang ba 'ko?

🍼🔱

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko ng makarating na kami sa hospital. Mabilis lang kaming nakarating dahil walang traffic.

Inayos ko ang sarili ko. Hindi na kasi ako talaga nakapag-palit. Naka-pajama lang ako at T-shirt. Wala akong soot na bra dahil sa sobrang taranta ko. Maging si Mina ay naka-pajama din. Pinagtitinginan kami ngayon.

"Kanina pa sila ng tingin ng tingin ma'am Anna. Baka akala nila takas tayo sa mental." Sabay tawa niya.

Hindi ko na siya nasagot pa dahil excited na 'kong makita si Lucifer.

Dumiretso kami sa ICU. Pero wala na kaming naabutan.

Sakto naman na may lumabas na nurse.

"Ah, excuse me miss." Tawag ko dito.

"Bakit po?" Sumilip ako sa loob tsaka tumingin sa kanya.

"'Yong patient sa loob, nasaan na siya?" Tanong ko.

"Si Mr. Madrid po?"

I nodded.

"Nilipat na po siya sa kabilang kuwarto. Nagising na po siya kanina kaya nilipat na po siya agad. Lahat nga po, nagkakagulo kanina kasi ngayon lang po may nagising mula sa pagkaka-comatose kagaya niya. Ka-ano ano niya po kayo ma'am?"

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya si Mina na ang nagsalita.

"Asawa po siya!" Sagot ni Mina.

Ngumiti naman ang nurse.

"Oh, okay. Puntahan nyo na lang po siya." May tinuro ito. "Doon po siya nilipat. Under monitoring pa din naman po siya kahit nilipat na siya." Sabi niya.

Tumango naman ako.

"Salamat."

"Sige po mauna na 'ko."

Pagka-alis ng nurse ay tumakbo agad kami papunta sa kuwaro kung saan dinala si Lucifer. Pagkadating namin ay sakto namang lumabas ang dalawang doctor at ang mga nurse. Dire-diretso lang ang mga ito kaya 'di na ko nakapag-tanong.

Naiwan na naka-bukas ang pinto. Naka-tayo lang ako at 'di alam ang gagawin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang una kong sasabihin kapag nakaharap ko na siya—

"Anna."

Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin siya.

"Thomas..."

"He's now awake. You should see him." Sabi niya.

Biglang akong kinabahan.

"Pasok na po tayo ma'am Anna." Sabi ni Mina at hinawakan ang braso ko.

Tinanong ko si Thomas.

"K—kamusta siya? May amnesia ba siya?" Tanong ko.

He nodded.

Sabi na nga ba...

"But he still remembers me. So naaalala ka din niya. Hindi niya nga lang maalala ang mga ginawa niya sa'yo bago ang askidente. Sinubukan ko kanina ang memorya niya. Ang alam niya, umalis ka na."

"Umalis?"

"Ang huling natatandaan niya, ay noong umalis ka 2 years ago. Selective amnesia. We should be thankful right? Dahil may naaalala pa din siya." Paliwanag niya.

Napa-hinga ako ng malalalim.

"Pumasok na kayo—" Naputol ang sasabihin niya ng may sumigaw sa loob.

"Thomas!"

Tumulo bigla ang mga luha ko. Gising na nga siya. Hindi nga ako nananaginip.

He's literally back.





GOOD NIGHT! 🌌

-BSL

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon