Chapter 85

37.8K 910 75
                                    

ANNA

Hindi pa din ako makapaniwala na ayos na. Na tapos na. Na okay na kami nina papa at ang mga anak ko.

Akala ko, katapusan na naming mag-iina mula sa kamay ng ama ni Lucifer. Tinanggap ko lahat ng hirap at sampal, 'wag lang niyang saktan ang mga anak ko.

"I'm sorry, I'm really sorry, shhh... Stop crying now, I'm here..."

Hindi ko malimutan ang ginawa ni Lucifer kanina. Kung paano niya 'ko yakapin ng sobrang higpit. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko inasahan ang pagdating niya. Kahit hindi siya mismo ang pumatay sa kanyang ama. Pasalamat pa din ako dahil pinigilan niya 'to. Dahil kung hindi siya dumating, baka natapos ang ritual at 'di ko na alam ang nangyari sa'min.

"Anak..." Napatingin ako kay papa.

Nandito kami sa loob ng ambulansya. Katatapos lang gamutin ang mga sugat ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Okay lang ako papa. Okay na po ako... Kayo po?"

Ngumiti sa'kin si papa.

"Ayos na 'ko anak... Tingnan mo ang mga anak mo," Tinuro ni papa ang kambal. Hawak ang mga ito ng mga nurse na dumating. "Parang hindi sila naapektuhan." Sabay tawa ni papa.

Baka kasi na-trauma ang mga bata kaya inobserbahan agad sila. Pero sa nakikita ko, parang hindi. Rinig na rinig ko pa ang halakhak ni Casper habang kinikiliti siya ng isang nurse.

"Maganda nga 'yon papa..." Sabi ko.

Nandito lang kami sa tapat ng bahay habang ini-imbestigahan ng mga police ang loob ng bahay. Si Lucifer at Thomas ang magkasama ngayon at inaayos ang lahat. Hindi pa kami nakakapag-usap na dalawa.

Sampung tama ng baril ang tinamo ng ama ni Lucifer. Hindi na talaga siya binuhay.

Pinagmasdan ko si Lucifer sa 'di kalayuan.

Parang wala lang sa kanya ang pagkamatay ng kanyang ama. Hindi ko mabasa ang nararamdan niya.

Nasaktan din kaya siya?

Hindi niya kasi nagawang barilin ang sariling ama kahit na anumang oras ay pwede niya itong patayin.

"Anna! Tito!" Biglang dumating si Brent.

"Brent!"

Lumapit agad ito sa'min.

"Kamusta kayo?! God, I'm sorry Anna kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Wala ako sa condo ko at iniwan ko ang cellphone ko. Sorry!"

"A-ayos lang Brent. Tsaka, okay naman na. Safe na kami."

"That old man! Where is he?!"

"Patay na siya." Sagot ni papa.

"Mabuti naman kung ganon."

"Brent..."

"Anna, they're bad. Sila ng anak niyang demonyo. Bakit hindi din namatay si Lucifer? Mas maganda lalo kung nagka-taon."

"Brent, kung hindi dahil kay Lucifer baka napahamak na kami lalo. Napigilan niya kasi ang ama niya."

"Tsk. Hindi niya pa sinagad. Dapat siya na ang pumatay. Paano na lang kung hindi nagpaputok ang mga pulis? Hihintayin niya muna na masaktan kayo bago niya patayin? Tss."

May point naman si Brent. Pero kasi, naiintindihan ko din si Lucifer. Gulong-gulo siya ng mga oras na 'yon.

"Ama niya pa din naman kasi 'yon Brent. Kaya naiintindihan ko. Kahit gaano pa kasama ang ama niya, alam kong nasasaktan din siya sa nangyari."

"Okay." Tumango-tango na lang siya sa sagot ko.

"By the way, nasaan sina Casper at Jasper? Okay lang ba sila?" Tinuro ko naman ang kambal.

"Ayon sila oh, lapitan mo."

"H-hindi ba sila na-trauma?"

Umiling ako.

"Sa tingin ko ay hindi. Oo, iyak sila ng iyak kanina pero if you look at them, parang wala lang." Napatawa naman si Brent habang pinagmamasdan ang mga pamangkin niya.

"Oo nga eh. Sa tawa pa lang ni Casper parang wala lang! Ibang klase! Kaya love na love ko 'yan eh!"

Si Casper... Kung tutuusin, siya talaga ang savior. Ng dahil sa kanya, hindi natuloy ang ritual ng lolo nila. Parang ito ang nag-go signal sa mga police.

"Casper was our Savior papa..." Tumingin siya sa'kin.

"Talaga?" I nodded.

"Bakit? Anong ginawa ni kulit?"

"Ikaw talaga Brent!" Hinampas ko siya sa braso.

"May ginawa kasing kalokohan si Casper habang nagri-ritual ang lolo niya. Hinipan niya bigla ang kandila. Tapos 'yon..."

Napatawa naman si Brent.

"Loko-lokong bata! Akala niya siguro may birthday. Sa bagay, bata kasi eh."

"Kaya nga eh."

"Ganon talaga kapag bata anak. Mabuti nga at ginawa 'yon ng apo ko."

Mabuti na lang talaga. Akala ko nga, tuluyan na kaming mapapahamak dahil hinipan bigla ni Casper ang kandila. Pero kabaligtaran ang nangyari. Napabuti ang ginawa ng anak ko.

"So tito, saan muna kayo tutuloy? Hindi pa kayo pwedeng bumalik sa bahay nyo."

"Oo nga eh. Okay lang ba kung doon muna kami sa condo mo?" Tanong ni papa.

Ngumiti naman si Brent sa'min.

"Of course tito! Pwedeng-pwede. Sige, doon muna kayo sa'kin."

"THEY WILL STAY IN MY MANSION."

"L-Lucifer..."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon