After 3 years...
"Mommy!" Abala siya sa pagluluto ng tawagin siya ni Casper.
Tinakpan niya muna ang niluluto niya at pumunta agad sa may sala.
"Ano na naman Casper? Kanina ka pa tawag ng tawag sa'kin. Alam mo namang nagluluto si mommy eh." Sabi niya dito.
Naka-upo sa sofa ang kambal habang nanonood ng paborito nilang cartoons.
"Eh mommy, tapos ka na po bang mag-luto? Nagugutom na 'ko eh." Tanong nito sa kanya habang nakahawak pa sa tiyan.
Kaya pala siya kinukulit nito kanina pa dahil bagot na bago na ito kakahintay sa niluluto niya.
Lumapit siya sa mga anak niya. Tutok na tutok si Jasper sa pinapanood.
Gravity falls.
"Mommy, kakain na po ba tayo? Nagwawala na 'yong mga worms ko sa tiyan eh." Napatingin siya bigla kay Casper.
"Anong worms ka dyan?"
"Eh kasi mommy, sabi ni kuya may worms daw ako sa tummy kaya daw ako laging hungry." Napatawa siya.
Magkaka-rhymes pa talaga.
"Talaga?"
Tumango naman ito.
"Walang worms sa tummy mo baby. Matakaw ka lang talaga." Ngumuso ito sa kanya.
Ang cute!
"Punta ka na doon, kakain na tayo."
"Yehey!" Nagtatalon ito sa may sofa.
"Ano ba?!" Napatigil sila ng sumigaw si Jasper.
"Jasper!"
"Mommy oh, nagsha-shout!" Sumbong naman ng isa.
"Jasper baby, 'wag ng magalit okay? Come here." Lumapit naman ito sa kanya at umupo sa may hita niya.
"Are you still mad?" Tanong niya dito.
Pinagmamasdan niya ang anak. Naka-simangot ito.
"Mommy kaya 'yan nagalit kasi hungry na din siya like me."
"Casper." Pinanlakihan niya ito ng mata.
Yumakap ito sa kanya.
"Kayo talaga, dalawa na nga lang kayo nag-aaway pa kayo. Mag-bati na. Casper, mag-sorry ka sa kuya mo." Bumitaw ito sa kanya.
"Hala, bakit ako?! Hindi ko naman po siya inaano eh. Tumalon lang naman po ako eh."
"Basta! Say sorry na." Pilit niya dito kahit wala naman itong kasalanan. Tumalon-talon lang naman kasi ito pero kailangan niyang magpag-bati ang dalawa. Sa dalawa kasi, si Jasper ang ma-pride.
"Sorry." Niyakap nito ang kapatid.
Napa-ngiti siya sa nakita niya.
"Oh, let's eat na. Maya na ulit manood." Nag-unahan ang dalawa na maka-punta sa kusina.
3 taon na ang nakakalipas at apat na taon na ang kambal. Parang kailan lang. Malalaki na ang mga ito at makukulit pa. Lalo na si Casper. Nasa preschool na ang dalawa samantalang nagta-trabaho silang dalawa ni Janna sa isang travel agency. Sapat naman ang suweldo na natatanggap niya. Samantalang ang ama naman niya ay 'yon pa din ang trabaho. Na-promote na nga ito noong isang taon. Si Brent naman ay CEO na sa sarili nitong kompanya. Inalok siya nito ng puwesto pero tinanggihan niya. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng iba lalo na't baguhan lang siya. Plus, mag-pinsan pa sila. Ayaw niyang mapag-initan. Tsaka na lang niya siguro ito tatanggapin. Wala na din siyang balita sa kakambal niya kaya 'di niya maiwasang mag-alala.
Bumalik kaya siya sa New York?
Pero sana man lang ay tumawag ito. Hindi na kasi ito muling nagpakita pa sa kanila. Nag-aalala na din ang kanilang ama kahit na may sama ito ng loob sa kakambal niya.
Paminsan-minsan ay dumadalaw sina nanay Susan, Lyndell, Lucia, Ligaya at si Mina. Katulad ng dati, hindi pa din sila nagbabago. Kaso ay sa iba na nagta-trabaho si Mina. Tuwang-tuwa ito dahil si Thomas na ang bagong amo nito.
"Pagbubutihan ko talaga!"
Napatawa siya ng maalala niya ang sinabi nito.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng may mag-doorbell.
Napa-iling siya.
Binuksan niya ang gate ng bahay at bumungad sa kanya si Tupe. Ang delivery boy na halos 3 taon ng walang sawang nagde-deliver sa kanya.
Naka-ngiti ito sa kanya kahit na tirik na tirik ang araw.
"Good afternoon ma'am Anna! Special delivery!" Napatawa siya tsaka kinuha ang bulaklak.
"Pakisabi nga dyan sa amo mo, tigil-tigilan na ang pagpapadala ng bulaklak! Malapit ng maging flower shop itong bahay!" Napatawa naman si Tupe sa kanya.
"May solusyon naman po kasi diyan eh."
"Ano?"
"Sagutin nyo na para tumigil na."
Ganon?
"Ayoko."
"Bakit naman ma'am Anna? May anak na nga kayo-"
"Ay nako hindi pa! Hangga't wala siyang pak-pak 'di ko siya sasagutin!"
"Ay ganon ma'am?! Grabe ka."
Napatawa naman siya.
"Kumain ka na muna." Alok niya dito.
"Naku ma'am Anna, busog na 'ko eh. Next time na lang hehehe. Sige po, mauna na 'ko."
"Ingat ka!"
Kumaway ito sa kanya habang papaalis.
Inamoy niya ang bulaklak na binigay sa kanya.Napa-iling siya.
Palibhasa mayaman eh, nag-aaksaya ng pabango!
Binasa niya ang note.
Day 1089.
I HOPE.-Nick
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Misterio / SuspensoThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...