Chapter 36

48.3K 1K 168
                                    

ANNA

"A—ano? Nagbibiro ka lang diba?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

My soul?

"Mukha ba 'kong nagbibiro? I need your soul Anna." Sabi niya.

"Hindi pa 'ko patay Lucifer kaya hindi mo makukuha ang kaluluwa ko." Sagot ko.

Tiningnan niya lang ako.

"I know. But soon, you'll die."

"A—ano?"

Lumapit siya sa'kin at tinitigan ako sa mata. Napaatras naman ako.

"Sa mga susunod na buwan, babalik ang sakit mo. Babalik ang leukemia mo na unti-unting papatay sa'yo." Sabi niya.

Umiling lang ako sa sinabi niya. Ano bang nangyayari? Si Lucifer ba talaga 'tong nasa harapan ko? Bakit 'di niya 'ko kilala? Bakit?! Mababaliw na 'ko!

"How could you say that? Diyos ka ba?" Siya naman ang natigilan.

"No."

"Hindi naman pala. So wala kang karapatan na sabihin na mamatay ako at babalik ang sakit ko. Diyos lang ang may hawak ng buhay ko at hindi ikaw. At isa pa, may mga anak tayo kaya 'di mangyayari 'yon. Mahal ako ng diyos." Sabi ko at nilagpasan siya. In short, tumagos ako ulit sa kanya.

"What?! Anong anak?! Are you kidding me? I'm an angel—"

"Angel? Pero pangalan Lucifer—Oo nga pala, dati palang anghel si Lucifer."

"Are you insulting me?"

I crossed my arms.

"Fine. Mamamatay ka at sa'kin mapupunta ang kaluluwa mo. It will happen, Anna. Believe me."

"May tiwala pa din ako sa diyos."

"F*ck! Bakit ba kasi ikaw pa?! Napaka-arte mo!"

"Lucifer?!"

"What? Mamatay ka din naman kaya dapat ipa-ubaya mo na lang sa'kin. You should be thankful dahil sa'kin mapupunta ang kaluluwa mo. Your soul is in good hands." Sabay ngisi niya.

"Ano ka, Metro Bank? Pwede ba? Umalis ka na. Layuan mo na 'ko. Humanap ka ng ibang paglalaruan mo." Sabay talikod ko at akmang bubuksan ang cabinet pero sumarado 'yon.

"Ano ba?!"

"Your soul. Sa'kin mapupunta 'yan, okay?"

"Ayoko."

"What?"

"Hindi nga 'ko mamamatay! Hindi pwede! Ayoko! May mga anak ako Lucifer, tayo! Bakit ka ba nagkaka-ganyan?!"

Natigilan ulit siya.

"Mga anak? Seriously? I'm a virgin for Pete's sake!" Muntik na 'kong matawa sa sinabi niya.

Ano bang nangyayari sa buhay ko? Mababaliw na talaga 'ko. Nasa teleserye na ba 'ko?

"Virgin? Liar."

Kumunot lang ang noo niya.

"Wala akong natatandaan na may kinama akong babae. Kaya I'm sure na virgin pa 'ko. Why? You want me to bed you?" Nanlaki ang mata ko.

"B—bastos!" Ano ba 'to? Another version ni Lucifer?

My god!

"Tsk. From now on, lagi na 'kong nasa tabi mo." Napatingin ako sa kanya.

"Tsk. From now on, lagi na 'kong nasa tabi mo."

Para yatang naging emosyonal ako sa sinabi niya.

"Bakit?"

"Anong bakit? Of course, I'm waiting for your soul. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, nasa tabi mo lang ako. And you can't hide Anna." He warned.

Bigla akong nalungkot. Akala ko, nasa tabi ko lang siya lagi kasi babantayan niya 'ko. Pero hindi, hinihintay niya lang ang kaluluwa ko. Hindi pa din ako naniniwala na babalik ang sakit ko. May tiwala ako sa taas. At isang hamak na ligaw na kaluluwa lamang ni Lucifer ang nanggugulo ngayon sa'kin.

"Don't stare at me like that."

Kumurap ako. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Sakit, lungkot, inis, saya and etc. Sana nga panaginip lang 'to eh. Ang bilis kasi ng pangyayari.

"Astral body ka ba Lucifer?"

"Astral?"

"Oo. H—hindi ka pa naman kasi patay. Naglalakbay lang ang kaluluwa mo." Sabi ko.

Tinitigan niya lang ako.

"That's why I need your soul—"

"You don't understand Lucifer! I'm your... I'm the mother of your twins! May pamilya ka—"

"Stop!"

Humakbang siya palapit sa'kin.

"I can't recall that I have a family."

"Lucifer..."

"Miss Colley, wala akong paki-alam sa mga sinasabi mo. Kailangan kong makakuha ng isang kaluluwa para mabuhay. Alam mo bang ang daming kaluluwa ngayon ang naghahanap? I'm fighting for my life between death." He said.

Napayuko na lamang ako. Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masisiraan na yata ako ng ulo ano mang oras

God, help me, please —

"He can't hear you, Anna. If I were you, you should prepare yourself. Because your soul is mine."















JUSKO 'WAG NYO KO AWAYIN DAHIL GANITO BIGLA ANG NAGING TAKBO NG ISTORYA. I KNOW MOST OF YOU AY GULAT AT NAIINIS. YES, HALO-HALO NA ANG GENRE NITO. TODO NA 'TO. 😂 EXPERIMENT TIME! Kung ayaw nyo ng basahin then, it's okay. Hindi naman po ako namimilit. This is my story. Hindi naman ako binabayaran kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. And I know what I am doing. Hindi naman ako gagawa ng istorya dahil napag-tripan ko lang. Take note, seryoso 'to. Thank you!

HAPPY MOTHER'S DAY! 💕

-BSL

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon