Chapter 71

34.7K 715 18
                                    

MINA

Blanko lang na pinagmasdan ni Thomas ang kaibigan niya. Halata dito na hindi nito gusto ang naabutan niya. Lihim na napa-ngisi siya.

Nilagpasan siya nito at pinuntahan ang mga katulong.

"Kayo ba ang nagpa-takas sa kanila huh?!" Sigaw nito.

Nagsama-sama ang mga katulong. Takot na takot ang mga ito sa amo nila.

"Answer me!"

Napaatras sila.

"S—sir, h—hindi po namin alam... Si Mina po, siya po ang nakakita kanina na wala na sina ma'am Anna pati po ang kambal. Hindi po kami—sir!" Bigla nitong hinili si Mina.

Lumapit agad si Thomas.

"Lucifer."

"'Wag mo kong paki-alaman Thomas! Ang babaeng 'to siguro ang nagpa-takas sa kanila!" Sigaw nito kay Thomas.

"S—sir, hindi po ako ang nagpa-takas kena ma'am Anna—ah!" Napasinghap sila lahat ng sampalin nito si Mina.

Agad na hinila ni Thomas si Mina at sinuntok si Lucifer.

"F*ck Thomas?!" Nagulat ito sa ginawa niya.

"Stop it Lucifer! Ako ang nag-takas sa mag-iina mo!" Sigaw ni Thomas.

Biglang kumulo ang dugo niya ng sampalin nito si Mina. Parang may kusa ang kamay niya na suntukin ito agad.

Natigilan ito.

"What?!"

"Oo. Ako ang nag-takas sa kanila kagabi. Diba 'yon naman ang gusto mo? Ang lumayas sila? So I did my JOB. Sa'kin mo din naman i-uutos ang pagpa-paalis sa kanila kung nagkataon." Pinunasan ni Lucifer ang putok niyang labi.

"Hindi mo 'ko dapat inunahan! Hindi ko pa alam ang totoo, kaya hindi pa sila dapat umalis!"

"Anna was telling the truth Lucifer. Kung ano man ang mga sinabi niya sa'yo... Lahat 'yon ay totoo." Natigilan si Lucifer.

"So naniniwala ka din sa babaeng 'yon ganon ba?"

"Kahit ang mga tao dito Lucifer ay alam lahat."

Lumapit ito sa kanya.

"Sabihin mo sa'kin Thomas. Totoo din ba na niloloko ako ng babaeng mahal ko? Si Hannah?"

"She's not the woman you really loved. She's Lanna."

Umiling lang si Lucifer.

"Kambal ni Anna si Lanna. Nagpanggap ito bilang Anna o Hannah dahil gusto ka ng babaeng 'yon. Niloko ka ng babaeng 'yon Lucifer. At alam mo na 'yon bago ka pa man maaksidente. Nagalit ka kay Lanna dahil niloko ka nya. Para mapatawad mo siya, inutusan mo siya na kunin ulit ang tiwala ng kambal niya para makuha ang mga anak mo. She obeyed you. At nalaman mo na babalik na ang mag-iina mo sa America. Kaya inutusan mo 'ko at ang iba pang tauhan na kidnap-pin sila."

"No! That's not true!" He gripped his collar.

"Tell me... You're lying!"

"Kilala mo 'ko Lucifer. Hindi ako sinungaling. Kaya lahat ng sinabi ko ay totoo." Tinitigan siya nito bago siya bitawan.

"No!"

"Kapag bumalik na ang mga alaala mo, malalaman mo din ang totoo, pati ang pinakawalan mo. You'd changed that time before the accident. Para makuha mo ulit ang loob ng mag-ina mo. This mansion witnessed everything."

Umiling lang si Lucifer sa mga sinabi ni Thomas sa kanya.

Napatawa siya. He's a liar too.

"I don't know Thomas. Hindi ko alam kung anong pina-kain sa inyo ng babaeng 'yon." Binangga siya nito at iniwan sila.

🍼🔱

ANNA

Ang lawak ng ngiti ko ng magising ako. Ang sarap sa pakiramdam. Dahil sa wakas, ay nakalaya na ako, kami ng kambal. Daig ko pa ang kasiyahan na nadarama ng mga taong bilanggo na kalalaya lamang.

"Good morning anak." Napa-ngiti ako ng makita ko si papa sa aking tabi.

Bumangon ako.

"Good morning papa." Ngumiti siya sa'kin pabalik.

"Kumain ka na anak. Nasa sala ang mga apo ko at nilalaro ni Brent."

"Sige po papa, susunod na po ako."

"Oh siya sige." Hinalikan niya 'ko sa noo bago niya 'ko iwan.

Nandito kami ngayon sa bagong bahay na binili ni papa. Hindi na kami tumuloy sa condo ni Brent. Kagabi ay kinuwento ko sa kanila lahat. Pero hindi ko nabanggit ang tungkol sa nagpapakita sa'kin habang comatose ito noon. Bagama't nagalit si papa kay Lucifer, naiintindihan niya ang nangyari. Nasabi ko kasi na nagbago na ito bago pa man maaksidente. Pero bumalik lang ang kasamaan ni Lucifer ng magising ito at magka-amnesia.

"Pero hindi niya pa din dapat kayo sinaktan anak. Kahit pa na may amnesia siya, dapat inisip niya muna lahat ng sakripisyo na ginawa mo."

Naalala ko ang isa sa mga sinabi sa'kin ni papa. Alam ni Lucifer ang hirap ko, pero binalewala niya lang ako, kami ng mga anak niya.

Ipapakulong sana nina Brent at papa si Lucifer pero pinigilan ko sila. Gusto ko na ng katahimikan. Baka kasi lalo pang magulo. Pagod na 'ko. Tsaka isa pa, mayaman si Lucifer. Kaya niyang bayaran ang kahit sino man. Kilala ko siya.

Hindi na nabanggit ni Brent ang tungkol sa pagbalik namin sa America. Kung babalik kami, 'wag na lang. Para kasing na-trauma ako sa nangyari. Mas gusto ko na lang dito sa bagong bahay kasama si papa.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon