ANNA
Sunod-sunod na araw na ang pagbisita dito ng matanda. Sinabi ko papa na bumibisita dito ang matanda. Hindi naman siya nagalit. Basta mag-iingat lang daw ako. Kapag day-off niya daw, gusto niya itong makilala. Mabait naman ang matanda sa'kin. Lalo na sa kambal. Lagi siyang may pasalubong sa mga ito. At hindi nawawala ang pulang rosas. Hindi ko naman siya binibigyan ng malisya. Dahil anak at apo ang turing niya sa'min. Bumibisita lamang siya dito kapag nakaalis na si papa. Hindi ko alam kung sadya niya ba 'yon o nagkakataon lang. Katulad ng una ko siyang makilala, naka-itim pa din siya lagi. Samantalang si Casper naman ay umiiyak pa din kapag nakikita siya. Mga isang oras lang naman ang tinatagal niya. Nakikipag-kuwentuhan lang siya sa'kin at aalis na din. Hindi ko alam pero kapag kausap mo siya, focus ka talaga. Titig na titig siya sa mata ko kapag nagsasalita siya. Parang nawawala ako sarili kong pag-iisip. 'Yon ang napapansin ko. Tatapikin niya lang ako kapag aalis na siya. At parang mababalik na 'ko sa pag-iisip ko. Hindi ko alam. Minsan, 'di ko na siya tinitingnan sa mata kapag may sinasabi siya. Ayaw niya pa din sabihin ang pangalan niya. Hindi rin siya nagku-kuwento tungkol sa pamilya niya kahit mag-isa na lang siya. Pero may isa akong napapansin. Ang lalim ng titig niya kay Jasper. At parang may binubulong siya dito minsan. Iniisip ko na lang na kaya siya ganon sa anak ko, ay may naaalala siya. O kaya naman, dahil hindi ito iyakin katulad ni Casper. Natutuwa naman ako dahil hindi natatakot si Jasper sa kanya. Parang malapit ang loob nito sa matanda.
🍼🔱
3rd PERSON POV
Pabalik-balik si Lucifer sa loob ng opisina niya. Ginawa na niya lahat para lang maka-usap si Hannah. Kating-kati na siya na maka-usap ito. Magulo na ang isip niya nitong mga nakaraang araw. Bumalik siya sa doctor niya para malaman ang mga nangyayari sa kanya. His doctor explained everything. Na bumabalik na ang ilan sa mga alaala na nakalimutan niya. Kaya gusto niyang makita si Hannah. Ito na lang ang makakasagot sa mga tanong niya. Pero wala na ang mga accounts nito. Hindi na niya maiwasang magduda kaya tinawagan niya si Mr. Parker para malaman kung nasaan na ito ngayon. Hinihintay niya lang ang pagdating nito ngayong araw.
Tulala lamang siya na nakatingin sa mga nagtataasang gusali. Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod na ang mga naaalala niya. May isang scenario na kung saan ay kumakain silang dalawa ni Anna at inalok niya ito ng kasal. Hindi siya maniwala pero ng makita niya ang sing-sing sa drawer ay doon niya na-kompirma.
So I asked her to marry me?
Napa-ngisi siya. Hindi siya makapaniwala na inalok niya si Anna ng kasal.
"Ehem." May tumikhim sa likod niya.
"Parker."
"Madrid." Bumalik siya sa desk niya.
"Have a seat." Sumunod naman ito.
Matagal na niyang kilala si Parker. Magaling ito.
"So, how's your searching?" Tanong niya.
Inilabas nito ang laptop niya.
"Hannah—I mean, Lanna Aurora Marie Colley." Napatigil siya.
"Lanna? Wait, I'm searching for Hannah—"
"That's not her real name. Tinawagan ko ang agency kung saan siya nag-trabaho. Pinakita ko ang larawan niya at doon ko nalaman na hindi siya si Hannah. Well, maybe 'yon ang palayaw niya. 'Yon ba?" Umiling siya.
"C—continue."
"May kakambal siya. Her name is Anna Laureen Colley. At siya ang pinahanap mo sa'kin noon." Kumunot ang noo niya.
Pinahanap?
"You don't remember? You searched for this girl dahil nalaman mo na may anak ka sa kanya."
Umayos siya ng upo. Hindi pa nito alam na may amnesia siya.
"Ah, yes." He lied.
Tumingin ito ulit sa laptop niya.
"Hannah, or should I say, Lanna. Was already here in the Philippines a few months ago."
"What?! Where is she?!"
May inabot sa kanyang papel. "That's her new address."
Tinanggap niya ito.
"Sabi ng mga taga-doon, minsan lang siya lumabas. Mailap."
Tinitigan niya ang address.
I can't wait to see you. I can't wait to hear your explanation.
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...