Chapter 23

53.5K 1.1K 44
                                    

ANNA

"Ang cu-cute nila Anna." Sabi ni Lanna habang hawak hawak ang kamay ng kambal.

Tulog ang dalawa sa kama ko. Kanina kasi ay dito ako nag-eempake, pero hindi ako matapos-tapos dahil ginugulo ng kambal. Kaya sa isang kuwarto ako nag-ayos ng mga gamit.

Si Janna naman ay nasa kabilang kuwarto para makapag-usap kami ng kambal ko.

"A—anong pangalan nila?" Tanong niya sakin.

Lumapit ako at umupo sa kabila.

"He's Casper." Turo ko.

"And he's Jasper." Ngumiti siya sakin.

"Sinong mas matanda?"

"Si Jasper ang matanda."

Tumango siya. Maya-maya pa tumitig ito kay Jasper at hinaplos ang mukha nito.

"He looks like him." Biglang sabi niya.
Napatitig naman ako sa kanya.

"Gusto ko magalit, pero wala akong karapatan. Ikaw ang mahal niya noong una pa lang." Sabi niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko o hindi. Maniniwala, dahil mahal niya 'ko dahil ako talaga si Anna. O hindi, dahil sinaktan niya 'ko.

Hindi ko alam.

Ngayon na alam na niya na ang babaeng kinamumuhian niya ay ang totoong mahal niya.

Hindi ko alam kung ano na ang mga mangyayari.

Tumingin ako kay Lanna.

Hindi maalis ang titig niya kay Jasper.

"I wish they'll grow up like you." Sabi niya.

Ngumiti na lang ako.

Alam ko na lalaking mabuti ang mga anak ko.

"I want to hear from you all the trail. I want to know everything. You can slap me if you want. Tell me all the pain you've been through Anna. I know how bad I was because of what I did."

Natahimik ako at tumingin sa kanya.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

I don't want to slap her.

"Lanna, I don't want to hurt you physically. Your sorry was enough for me. Sapat na siguro para isumbat ko sayo lahat ng sakit. Lahat ng parusa. Lahat. Alam ko, na alam mo lahat ng pinag-daanan ko sa kamay ni Lucifer. Tama ako diba, Lanna? Kahit naman hindi mo na ako tanungin, may ideya ka na. You're just afraid to know if it's true." Lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko.

"I know Anna. I'm really sorry."

"Lanna, tama na. Your sorry was enough. Ayoko naman na umalis kami ng hindi ko natatanggap ang sorry mo."

She sighed.

"H—Hindi ko na ba kayo mapipigilan? Aalis na ba talaga kayo?" Tanong niya.

"We need to leave Lanna."

"Okay..."

"If that's what you want, p—pwede bang sumama ako sa paghatid sa inyo?"
I smiled at her.

"Oo naman."

"Thanks. Anong oras ba ang flight n'yo?"

"4 in the morning."

"Oh, okay. Maaga pala dapat akong gumising." Tumawa siya ng marahan.

"But it's okay. If that's the only thing that I can do to make it up to you and to my nephews, I'm willing to wake up early!" She said.

Napatawa naman ako.

"I have to go Anna. Babalik na lang ako bukas ng umaga. Don't tell Brent that I went here. Baka kasi magalit siya."

I smiled.

"I won't. Ingat ka Lanna. See you tomorrow."

"Bye!"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon