Chapter 93

36.7K 657 3
                                    

ANNA

Isang linggo na ang nakakalipas ng pumayag na 'kong magpakasal kay Nick. Hindi ako nagsisisi dahil tama lang ang desisyon ko na tanggapin ang alok niya. Ilang taon siyang naghintay at nag-tiis sa'kin para lang matanggap ko siya ulit. Mahal ko siya. Mahal namin ang isa't-isa kaya tama lang na maging masaya na kami ng tuluyan.

"Anak." Napalingon ako kay papa.

"Pa?"

"Tapos mo na ba silang bihisan?" Tanong niya sa'kin.

Ngayon kami bibisita sa mansyon dahil 'yon ang pangako ko kay Mina. Hindi alam ni Nick na ngayon kami pupunta. Sinabihan ko si Mina na 'wag munang ipaalam. I want to surprise him.

"Teka lang po papa." Sabi ko habang tinutulungan kong mag-hanap ng damit ang dalawa. Maarte kasi ang mga 'to pagdating sa damit. Daig pa 'ko.

"Oh, okay na yan. Magbihis na kayo para maaga tayong makarating sa daddy nyo." Sabi ko.

Nagsimula na silang magbihis.

"Oh, siya. Sumunod na lamang kayo sa baba."

"Opo, papa."

"Bye lolo!" Sabi ni Casper.

"Anong bye ka dyan." Sabay tawa ko.

Tinulungan ko na ang dalawa na magbihis.

🍼🔱

Tanghali na ng makarating kami sa mansion. Sinalubong agad kami nina Mina, Lucia, Lyndell at Ligaya. Tuwang-tuwa sila ng makita kami.

"Na-miss po namin kayo ma'am Anna!" Ngumiti ako sa kanila.

"Kayo din. Kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Okay lang po kami dito ma'am Anna! Mabait na po si sir!" Sabi ni Ligaya.

Napatawa naman ako.

"Talaga ba? Anong oras siya umalis?"

"Kanina pa pong alas-otso! Hindi po niya alam na uuwi kayo dito."

"Ah, oo. Gusto ko kasi siyang i-surprise. Si nanay nasaan?"

"Nasa kusina po."

"Lagi naman. Na-miss ko ang luto ni nanay."

"Ay nako ma'am Anna! Miss na po kayo nun! Lalo na ang dalawang chikiting! Hi Casper, Jasper!" Sabay bati ni Lucia sa kambal.

"Hello Lucia!" Bati naman ni Casper.

"Casper, say 'po'."

"Hello po!" Napatawa silang lahat.

Tiningnan ko naman si Jasper na nakadikit lang sa'kin.

"Jasper, say hi."

"Hi." Sabi nito.

"Pasok na po kayo sa loob! Sir Andrei, pasok ho kayo."

🍼🔱

Pagkapasok pa lang namin sa loob ng mansyon ay amoy na amoy namin ang mabangong niluluto ni nanay mula sa kusina. Nagutom ako bigla.

"Nanay! Nandito na po si ma'am Anna!" Sigaw ni Mina.

Pinagmasdan ko ang buong bahay. Ilang buwan na din kasi ng huli akong bumisita dito. 'Yon yung araw na sinundo ko ang kambal dahil ilang araw silang nasa daddy nila. Hindi pa kami okay ng mga panahong 'yon.

Napansin ko din na wala ng mga kandila. Marami na ang nagbago dito sa loob ng mansyon.

"Hay, maka-upo muna." Sabi ni papa sabay upo sa sofa.

"Mommy, nasaan si daddy?" Tanong ni Casper.

Nilingon ko ito.

"Nasa work pa siya. Mamaya uuwi din siya."

"What time?" Tanong ni Jasper.

"Ah, mamayang gabi."

"Ha? Dito po tayo matutulog mommy?" Nilingon ko si papa tsaka ako bumaling sa kambal.

"Yes. Dito tayo matutulog."

"Yehey!"

"Anna! Jusmiyo, nandito na nga kayo!" Biglang sumulpot ang isang matandang babae.

"Nanay Susan! Kamusta po?!"

"Nay Susan! Ang taba mo na po!" Dugtong ni Casper.

Nanlaki ang mata ko. Nako naman! Kahit kailan talaga!

Napatawa naman si nanay.

"Masarap kumain apo! Kamusta kayo? Na-miss ko kayo! Hellu ser!" Bati nito kay papa.

Yumakap naman ako kay nanay Susan. Para ko na rin siyang tunay na ina. Siya ang nag-asikado sa'min noong nandito kami.

"Tara doon at nagluto ako. Halikayo!"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon