Epilogue

55.6K 1.3K 170
                                    

After months...

ANNA

"Ate Anna, parang awa nyo na po. 'Wag na po muna kayong manood ng ganyan. Magagalit po si Sir Nick sa'kin eh." Kakamot-kamot sa ulo si Mina habang nakatayo siya sa tabi ko.

Nilingon ko siya.

"Mina, pagbigyan mo na 'ko. Tsaka ano bang masama dito sa pinapanood ko?"

Tumingin naman siya sa pinapanood ko ngayon. I'm watching Little Mermaid. Actually, paulit-ulit ko na 'tong pinapanood. Natutuwa kasi ako kay Ariel tsaka kay Sebastian. I actually starting to love mermaids. Balak ko na nga ring panoorin 'yong Legend Of The Blue Sea. Maganda daw 'yon sabi ni Janna. Hinihintay ko lang na dalhin niya sa'kin 'yong flash drive para mapanood ko na. 20 episodes daw 'yon.

"Eh kasi Ate Anna, baka raw maging sirena ang anak nyo!" Napatawa ako.

"Ate Anna naman eh." She pouted.

"Mabuti pa samahan mo na 'ko rito. 'Wag nyong pansinin ang Sir Nick nyo. Praning lang 'yon."

Who would have thought na naniniwala din pala si Nick sa pamahiin? Kaya pinagbabawalan niya 'ko manood ng mga out of this world creatures. Pati itong pinapanood ko ayaw niya! Baka daw maging sirena ang magiging anak namin. Tinatawanan ko na nga lang siya minsan. Naniniwala din naman ako sa mga paglilihi. But god, this month na 'ko manganganak kaya tapos na 'ko sa paglilihi. Sadyang gusto ko lang talaga mapanood ang mga ito.

"Eh kasi-"

"Mina, hayaan mo na 'ko. Tsaka, normal ang baby ko paglabas niya." Sabi ko sabay ngiti.

Napahinga naman siya ng malalim.

"S-Sige na nga po." Umupo siya sa tabi ko. "Patapos na po ba 'yan?" Tanong niya.

"Malapit na."

🍼🔱

Palakad-lakad lang ako dito sa may hardin habang hawak ko ang malaki kong tiyan. Kailangan kong gawin 'to dahil anytime pwede na 'kong manganak. Para hindi ako mahirapan. Babae ang magiging anak namin kaya excited na 'ko. Hindi talaga 'ko tinantanan ni Nick hangga't 'di ako nabubuntis. Kaya naman matapos lang ang isang buwan, nalaman namin na buntis na pala ako. He's so happy kahit puro mura ang lumalabas sa bibig niya.

Nasa opisina siya ngayon dahil may mga bagong designs na dadating. Maaga naman siyang umuuwi. Lagi siyang tumatawag para kamustahin kami. Doon ko pa mas natuklasan ang mga iba pang bagay na 'di ko alam na mayroon pala siya. Nasanay kasi ako dati na masama ang tingin ko sa kanya.

"Mommy." Napatigil ako sa paglalakad ng dumating ang dalawa. May dala silang cookies.

"Yes mga anak?" Umupo muna ako saglit.

"Mommy, you want po?" Alok sa'kin ni Casper.

Umupo na din silang dalawa.

"Pahingi si mommy." Kumuha ako ng isa.

"Bakit isa lang mommy? Dapat two po." Napatawa naman ako.

"Her baby is connected to her, kaya nakaka-kain din siya." Sagot naman ng isa.

Napatingin ako kay Jasper.

"Connected? Mommy diba sa Wifi 'yon?" Inosenteng tanong ni Casper.

"It's a cord arising from the navel that connects the fetus."

Halos mapa-tanga ko sa sinagot ni Jasper.

Seriously? Saan niya nalaman 'yon?

"Huh? What cord?" Tanong naman ni Casper.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon