ANNA
"Mr. Madrid is in a comatose state because of traumatic brain injury. Matindi ang tinamo niya mula sa asksidente." The doctor said.
"Kailan po siya magigising? A—ano pong dapat kong gawin?" Tanong ko.
"The length of coma cannot be predicted. Maaring magising siya ano mang oras, o maaring hindi na. I'll be honest with you Ms. Colley. Bihira lang ang nakaka-survive sa mga ganitong kaso." Muntik na 'kong mapa-upo dahil sa sinabi ng doctor. Buti na lang at napahawak ako agad sa braso ni Mina para suportahan ang sarili ko. Sobrang bilis ng nangyari. Hindi ako makapaniwala na ganito ang nangyari sa kanya. Nag-aagaw buhay siya.
"We'll do the MRI."
"MRI?"
"Yes. MRI is more advantageous than a CT scan. Mas makikita natin ang brain structures para mas malaman kung ano ang mga possible treatment na maaring gawin." He explained.
Tiningnan ko si Lucifer na nakahiga habang maraming tube ang nakaka-kabit sa kanya. Ang dami niyang sugat sa katawan lalo na sa mukha. Mabagal din ang heart beat niya.
"So Ms. Colley, okay lang ba sa'yo ang mga suggestions ko?" Tanong ng doctor.
I nodded.
"Opo doc. Gawin nyo po ang lahat."
"Then, we'll do it immediately. I have to go." Paalam nito.
"Thank you po." Pagka-alis ng doctor ay napa-iyak na 'ko ng tuluyan.
Hindi ito ang gusto kong mangyari sa kanya. Hindi ganito.
Naalala ko kagabi ang nangyari. Akala ko, nananaginip lang ako noon. Pero hindi pala. Sinampal ko pa ang sarili ko para lang magising ako, pero ganon pa din. Hanggang sa nawala na si Lucifer sa paningin ko habang hawak ko pa din ang pulang rosas na bigay niya sa'kin. Matapos non, tumawag ang mga police at sinabing naaksidente siya. Lahat kami ay nataranta at naisipan ko na kami na lang tatlo nina Mina at Thomas ang pumunta. Halos manlumo ako ng makita ko ang sasakyan niya sa may gilid ng kalsada. Para itong lata na nayupi. Parang 'di talaga siya bubuhayin. Sa loob ng sasakyan niya, may cake at pulang rosas. 'Yon siguro ang dala niya bago siya maaksidente. Doon ka napagtanto na talagang bumabawi siya. Hindi lang sa kambal, kung hindi para din sa akin. Nasasaktan ako at natatakot.
"Happy birthday Anna... Have you forgiven me?"
I still remembered, what he said to me last night. 'Yon ang huling sinabi niya.
Pinagmasdan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Napatawad na kita... Pero 'wag mo kaming iiwan ah?" Sabi ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nakita ko siya noong gabing 'yon. Na magpapakita siya para lang maibigay ang regalo niya at mabati ako kahit na isa na lang siyang kaluluwa. Pero kung kaluluwa na siya, patay na siya dapat. Pero hindi, comatose lang naman siya ngayon eh.
"Mina..."
"Yes po ma'am?"
"May itatanong ako sa'yo."
Lumapit siya sa'kin.
"Ano po 'yon?"
Binitawan ko ang kamay ni Lucifer at hinarap siya.
"Kagabi, noong umakyat ako sa kuwarto para patulugin ang kambal, nagpakita siya sa'kin."
"Po? Sino?"
"Si Sir Nick nyo. Nagpakita siya sa'kin kagabi. Binati niya 'ko." Bahagyang nanlaki ang mata niya sa gulat.
"P—po? Pero po, naaksidente na siya noon diba? Kaya nga po siya late."
Tumingin ako ulit kay Lucifer.
"I know Mina. Pero... Kaluluwa na siya noon. Tumagos ako sa kanya noong yayakapin ko na siya." Sabi ko.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Para siyang tinakasan ng dugo.
"Mina? Okay ka lang ba? Sa tingin mo? Ano 'yong nakita ko? Bakit ganon?"
"Ma'am naman eh!" Lumapit siya bigla sa'kin at niyakap ako.
"Mina..."
"Natatakot po ako! Ma'am naman, baka po namamalik-mata ka lang!" Umiling ako.
Hindi ako namamalik-mata. Sigurado ako doon.
"Hindi Mina."
"Edi totoo nga po? Ma'am 'di ka ba natakot?" Bumitaw na siya sa'kin.
"H—hindi naman. Nagulat lang ako at naguguluhan."
"Ano pong sinabi niya?"
"Tinanong niya lang ako kung mapapatawad ko na ba siya. Tapos, binati niya din ako. Alam mo Mina? Akala ko talaga na-late lang siya." Sabi ko.
"Pinatawad mo na po siya?"
I nodded.
"Hala ma'am! Dapat hindi!"
"Bakit?"
"Eh kasi ma'am, baka tuluyan niya tayong iwan kasi napatawad niyo na siya. Dapat hindi po muna, para 'di siya umalis at magising siya. Syempre, 'di nyo pa din siya napapatawad eh."
"Ganon ba 'yon?"
"Hindi ko po alam eh. Pero alam nyo ma'am, may tawag po sa ganoon eh. 'Yong nakikita nyo ang kaluluwa niya pero buhay pa naman."
Tumingin ako sa kanya.
"Ano Mina?"
"Wait lang po. Nabasa ko po kasi 'yon noon eh. Sabi kasi doon sa nabasa ko, ang mga kaluluwang 'yon ay naglalakbay lamang habang wala sila sa sarili nilang katawan. May tawag po doon eh. Teka lang, nasa dulo na po ng hair strands ko." Napatawa naman ako ng bahagya.
"Naalala ko na ma'am!"
"Ano?"
"Astral! Astral body ang nakita nyo!"
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...