Chapter 32

56K 1.3K 42
                                    

ANNA

Isang linggo na kaming nandito sa mansyon. And so far, medyo maayos naman. Hindi katulad noong una na gusto ko ng umalis. Mababait naman ang mga kasambahay dito at natutuwa ako kay Mina.

Nandito ako ngayon sa kuwarto at nakahiga lang. Ang boring lang kasi wala akong mapaglibangan. May TV nga, kaso hindi ko naman gusto ang mga palabas. Kaya minsan, ang kambal na lang ang nilalaro ko para malibang ako. Tulog naman sila kaya binantayan ko na lang ang dalawa. Nilalaro ko ang mahahabang pilik-mata ni Jasper habang nakahiga ako sa tabi niya. Ganito madalas ang ginagawa ko kapag tulog siya. Nakakatuwa kasi, parang pambabae.

"Kamukha mo talaga siya. Kainis." Sabi ko.

"Don't hate him because he looks like me." Napabangon ako bigla ng sumulpot na naman si Lucifer. Bakit ba ang hilig niyang manggulat?!

"Lucifer, pwede bang sa susunod kumatok ka muna?" Sabi ko.

"Okay."

"Ang aga mo yata umuwi?"

"Wala naman na 'kong gagawin. So I decided to go home early. Why?" He said.

Umiling lang ako bilang sagot.

Lumapit siya sa kambal at hinalikan ang mga ito.

Napa-ngiti naman ako ng kaunti. Nagbabago na siya.

"It's your birthday tomorrow, do you want to celebrate it?" Napatingin ako sa sinabi niya.

Natatandan niya pa ang birthday ko?

"Huh? H—hindi. 'Wag na."

"No, it's okay. We should celebrate your birthday."

"Matanda na 'ko. 'Wag na."

"Matanda? Hindi ka pa naman matanda Anna." Sabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Para yatang kikiligin pa 'ko. Jusko, ayoko nga.

"Bolero." Bulong ko na lang.

"I heard it." Napatingin naman ako sa kanya.

"Huh?"

"Tsk. Maaga akong uuwi bukas. Sasabihan ko ang mga katulong na maghanda."

"Lucifer—"

"Anna. Diba dapat ay magpasalamat ka na lang sa'kin? What did I tell you? Gusto kong bumawi. So, let me." He said.

Napahinga na lang ako ng malalim. Wala naman kasi akong magagawa. Baka mamaya sigawan niya lang ako kapag tumanggi pa 'ko. Bahala siya.

"Fine. Salamat." Sagot ko.

He smirked.

"Advance." Sabi niya tsaka lumabas ng kuwarto.

"Huh?"

🍼🔱

"Ma'am Anna ah! Birthday mo po pala bukas!" Sabi ni Mina.

Nandito kami sa kusina habang pinag-uusapan ang mga ihahanda bukas. Maghahanda nga, pero kami-kami lang naman.

"Ma'am, gusto nyo po bang mag-cake?" Tanong ni Lucia. Isa sa mga katulong.

"Huh? Nako, 'wag na—sige pala mag-cake na tayo. Para sa kambal." Sabi ko.

Ngumiti naman ito sa'kin tsaka nagsulat. Lahat sila ay excited dahil ngayon lang daw magkakaroon ng handaan.

"Ma'am Anna, gusto nyo sumayaw po kami—"

"Ano ba Ligaya, sasayaw ka? Baka ma-bwisit lang sa'yo si ser." Biro ni nanay Susan. Siya ang pinakamatanda sa mga katulong. Mabait siya, kaso ay may pagka-prangka.

"Nay naman! Katuwaan lang naman! Tsaka birthday ni ma'am Anna. Kaya dapat lang na magsaya tayo." Napatango naman ako.

Gaganapin ang simpleng handaan sa mini garden dito sa likod ng bahay. Outdoor party ang theme. 'Yon ang suggest ni Mina.

"Maglalagay tayo ng Christmas lights ah!" Singit naman ni Mina.

"Ha?! Anong Christmas lights ang pinagsasasabi mo Mena? Pasko ba?!" Natawa naman kami lahat sa sinabi ni nanay Susan.

"Nay naman! Ang kj nyo! Hindi naman po 'yong iba't-ibang kulay na Christmas lights ang gagamitin. 'Yong white po!"

"Bakit white?! Malungkot 'yon!"

"Eh 'di 'yong assorted po—"

"Hindi nga pasko!"

"Mag-bombilya na nga lang!" Sabi ni Mina.

Lalo akong natawa. Ng dahil sa Christmas lights ay nag-aaway sila.

"Nay Susan, kalma po. Alam naman po ni Mina ang gagawin. Asikasuhin nyo na lang po ang mga lulutuin." Sabi ko.

Tumingin naman ito sa'kin tsaka ngumiti.

"Oh siya, sige!"

"Kayo po talaga. Hindi naman kailangan bongga, basta masaya at tsaka po matutuwa ang mga anak ko." Tumango naman sila.

"How's the preparation? Is all settled?" Biglang dumating si Lucifer. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Kahit simpleng damit na pantulog ay nadadala niya.

"Sir."

Lumapit ito sa'min at kinuha ang papel. Binasa niya ito ng tahimik.

"This is okay. Ibibigay ko na lang sa'yo nanay Susan ang credit card."

"Sige ho ser."

"Ah, Sir Nick... Kulang pa po ang mga naka-lista dyan." Sabi naman ni Mina.

"Ano pa?"

"Wala pa po 'yong mga balloons tsaka party hats—nay naman!"

"Wag nyo na lang po pansinin si Mena."

"No, it's alright. I want twins to be happy and the birthday celebrant too. Bilhin nyo ang lahat ng kailangan."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon