Chapter 38

43.3K 1.3K 124
                                    

ANNA

Pinagmamasdan ko si Lucifer. Nilipat na siya sa intensive care unit kagabi. Mag-isa lang ako dito sa loob. Sabi ng doctor, kailangan ko daw kausapin minsan si Lucifer.

Pero nakaka-usap ko naman siya at nakikita pa.

Naguguluhan pa din talaga ako sa mga nangyayari. Minsan, gusto kong isipin na baka hallucination ko lang 'yon.

"Lucifer, gumising ka na. Kinukulit ako ng kaluluwa mo. Masisiraan na 'ko ng bait." Sabi ko.

Napahinga ako ng malalim. Rinig na rinig sa buong kuwarto ang makina na nagmo-monitor sa kanya. Normal naman ito ngayon pero minsan, biglang bumababa. At 'yon ang dapat ko laging bantayan. Anytime daw kasi baka mawala.

I'm fighting for my life between death.

Naalala ko ang sinabi niya. Kaya ba ganon minsan ang heart rate niya? Kasi lumalaban siya?

"Diba... Kahit kaluluwa o astral body mo lang ang nagpapakita sa'kin, dapat naalala mo pa din ako?" Sabi ko.

"Paano kung magising ka? Ganon pa din kaya?"

"Sabi mo pa, mamamatay ako at sa'yo mapupunta ang kaluluwa ko. Nakakatakot diba? Pinayagan kitang bumawi sa'min pero wala akong sinabi na babawiin mo ang buhay ko." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hahayaan na lang siguro kitang mangulit ng mangulit sa'kin kahit 'di ako maalala ng sarili mong kaluluwa. Pero pasensya ka na, hindi ako payag na makuha mo ang kaluluwa ko. Gusto pa kitang mabuhay, pero 'wag naman sana ako. May mga anak tayo. Sana 'wag ako. 'Wag na lang ako. Naaawa ako sa kambal." Tumulo ang luha ko.

Kung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan nagawa ko na. Hindi ito ang gusto kong mangyari sa kanya. Hindi sa ganitong paraan.

"Ang gwapo ko pala kahit comatose." Napatigil ako ng may magsalita.

It's him again.

"A—anong ginagawa mo dito?"

"Diba gusto mong bisitahin ang sarili ko? So I'm here."

"Bawal dito—" Napatigil ako ng maalala ko na kaluluwa na lang pala siya.

Lumapit siya sa sarili niya at yumuko.

"Mukhang grabe nga ang nangyari sa'kin." Umayos siya ng tayo.

"But anyway, I'm still good looking."

Masama naman ugali—

"That's why I named, Lucifer."

Napapikit ako ng mariin. Bakit ba nakalimutan ko na nakakabasa siya ng isip.

Pambihira siya.

"Magdamag ka dito?" Tanong niya.

"O—oo."

"You don't need to pay too much attention, Anna. Dapat mas pagtu-unan mo ng pansin ang mga mangyayari sa'yo." Lumapit siya sa'kin at tiningnan ako.

"I'm okay Anna... You don't need to worry, bantayan mo dapat ang sarili mo. Hmmm?" Sabay naglaho siya ulit. Naka-hinga ako ng maluwag ng makaalis na siya sa harapan ko.

🍼🔱

"Mina kumain na muna tayo." Tumayo ito sa bench at ngumiti sa'kin. Ang laki ng eye bags niya.

Naawa tuloy ako sa kanya.

"Okay ka lang ba Mina? Gusto mo na ba munang umuwi?"

Umiling ito.

"Nako ma'am ayos lang po ako. Kaya ko pa po. Mga ilang pikit lang po ang kailangan ko hehehe."

Napatawa na lang ako.

"Tara na? Kain na muna tayo."

"Pero wala pong magbabantay kay Sir."

"Saglit lang naman tayo. Tsaka gutom na 'ko."

"Ako din po ma'am. Let's g."

"G?"

"Ah, let's go po. Hehehe."

Tumango naman ako.

"Ah..."













I'M SO DISAPPOINTED NA PARANG WALA YATANG NAGKAKAGUSTO NG STORY NA 'TO. AT ANG MASAKIT PA SA PARTE KO, ANG SABIHAN AKO NG COPY CAT NA DAW ANG DATING? WOW. VERY WOW. 👏 NA PARANG MAY GINAYA DAW AKO NA STORY NG ISANG AUTHOR, NA HINDI KO PA NAMAN KILALA AT NABABASA. AND YOU WROTE ON MY WALL PARA LANG SABIHAN AKO. LAHAT PALA NG PAGKAKATAON AY PANGGAGAYA NA. HOW SAD FOR ME. GOD BLESS YOU!

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon