Chapter 55

33.7K 846 32
                                    

ANNA

Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. Sa mga sinabi sa'kin ni Lanna bago siya umalis.

Flashback

"Lanna... Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Anna, I know na nagpapakita siya sa'yo. Tama ba 'ko?"

"P—paano mo nalaman?"

She looked at me.

"I can see him too Anna. Nakakakita ako diba?"

"O—oo..."

"Anna... Kailan pa siya nagpapakita sa'yo? Si Lucifer?" She asked.

"Ilang linggo na. Matapos maaksidente si Lucifer."

"I see. But Anna. 'Wag kang magtitiwala sa kanya. He's not the real Lucifer. He's not..." Kumunot ang noo ko.

"A—anong ibig mong sabihin Lanna? Nagsisinungaling lang siya?"

"Yes. Hindi siya kaluluwa ni Lucifer. He's a demon. I don't know kung bakit nagpapakita siya. I don't know. At bakit sa'yo pa..." She said.

Nanghina ako sa mga sinabi niya. So hindi nga talaga siya totoo? And what? A demon?

Oh, god...

"Lanna... H—hindi ko alam..."

"Listen to me, Anna. They love to play. Kaya mag-ingat ka Anna. If ever na magpakita siya ulit sa'yo... Sumabay ka lang sa mga ginagawa niya. But remember, 'wag kang papayag sa mga gusto niyang mangyari. And one more thing, 'wag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. Because they're one of the best liars too." Sabi niya.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang mga gagawin ko.

"I saw him, Anna. Naka-usap ko siya."

"P—paano mo nalaman na 'di siya ang totoong Lucifer? And where's the real Lucifer?"

"I don't know Anna. Pero ng makita ko siya at makausap. Nahalata ko na agad. Hindi ako baliw at hindi kita niloloko. Anna, hindi niya 'ko nakikilala. At doon palang, alam ko na. Walang kaluluwa ang 'di nakakalimot sa mga mahal nila sa buhay. Iba din ang kilos niya. And besides, he had a lot of energy or enthusiasm."

Tama siya. Walang ngang kaluluwa ang 'di nakakalimot.

"Anna, bakit siya nagpapakita sa'yo?"

Tiningnan ko siya.

"G—gusto niyang kuhanin ang kaluluwa ko. Sabi niya, babalik ang sakit ko." Pag-amin ko.

Napasinghap siya.

"Oh god." Umiling siya.

"Anna."

"Bakit?"

"He's lying... 'Wag kang maniwala. Look, you look so healthy now. Tinatakot ka lang niya. But you need to be careful. Baka gumawa siya ng paraan para mapahamak ka."

Biglang akong natigilan. Naalala ko noong muntik na 'kong maaksidente. Nawala ako sa sarili noon.

"H—hindi ko alam ang gagawin ko Lanna... Naguguluhan ako..."

"I know. You need to be strong Anna. Para sa kambal." She said.

Napatingin ako sa kanya. Bakit niya ginagawa 'to?

Lumapit siya sa'kin tsaka ngumiti.

"Babawi ako Anna. Babawi ako sa'yo..." Sabi niya.

Hindi ako naka-sagot hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

End of flashback

"Lanna..."

🍼🔱

LANNA

I'm on my way to my apartment when I saw a guy standing nearby. Madilim ang kalsada na dinadaanan ko at alam kong walang tao ang tumatambay dito dahil walang ilaw sa paligid. Sira ang mga poste. Ewan ko ba kung bakit 'di nila pagtuunan ng pansin itong kalsadang 'to. Marami talaga ang matatakot na dumaan dito. Kaya nga ako lang ang naglalakas loob. This is a shortcut. At tsaka isa pa, 'di naman ako natatakot.

I saw him waved at me. He's wearing a black trench coat. Sa init ng pahanon dito sa Pilipinas, naka-soot siya ng ganoon. Is he crazy or what? Anong trip niya?

Kumunot ang noo ko.

I stopped my car. Lumapit siya at kumatok.

Hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ulit ang makina ng sasakyan pero hindi ito umandar.

"What the?! Kakapa-gas ko lang kanina ah?! Really?!—"

"Really?" I stopped.

He's now inside my car! Katabi ko pa!

"P—paano ka nakapasok?! Who are you?!"

Binaba niya ang hood niya at prenteng sumandal.

Madilim pero kita ko ang tangos ng ilong at haba ng pilik-mata niya

Lumingon siya sa'kin pero 'di ko maaninag ang buong mukha niya. Mas gusto ko kasi bumyahe ng walang ilaw sa loob ng sasakyan ko.

"S—sino ka, huh?"

Nakita ko ang pagngisi niya.

"You're such a brave woman. Pero 'di ko palalagpasin ang paninira mo sa'kin."

What?

"What are you saying? Sino ka huh?!"

"Remember this Lanna Aurora..." He leans closer.

"Hinding-hindi mo maiisahan ang masamang nilalang na katulad ko, sa isang taong malapit ng mamatay katulad mo. Hmm?"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon