Chapter 72

34.2K 738 45
                                    

ANNA

Isang linggo na ang nakakaraan at naging normal na ang takbo ng bawat araw namin. Bumalik na si Brent sa condo niya dahil 'di niya pwedeng iwanan ang trabaho niya. Si papa naman ay nasa trabaho kaya kami lang mag-iina ang naiwan dito sa bahay. Safe naman kami dito.

Alas-otso pa lang ng umaga kaya nandito kami sa labas ng bahay. Tulog si Casper sa kuwarto. Buhat ko si Jasper habang tinitingnan namin ang mga bulaklak dito sa tapat ng bahay. Darating ngayon si Janna. Hinihintay namin siya.

Tinuro ni Jasper ang mga bulaklak na nakikita niya. Pumitas ako ng isa at inabot ko sa kanya.

"One for you." Titig na titig ito sa binigay ko.

"Violet. Color violet ito baby."

"l—let." Sabi niya.

Napatawa ako.

"Very good." Lumapit pa kami sa iba't-ibang klase ng bulaklak na nandito.

"Yellow."

"Low."

"Okay, very good! Oh ito, red."

"Ed."

"Ang galing ng baby ko ah!"

Tuwang-tuwa ako kaya hinalikan ko ito sa pisngi. Tahimik kasi si Jasper at minsan lang magsalita. Kaya natutuwa ako dahil nasusundan niya 'ko. Nakakapaglakad naman ang dalawa, pero mas gusto nila lagi ang magpabuhat. Nasanay kasi sila. Kaya simula ng dumating kami dito, hinahayaan ko na silang maglakad-lakad at mag-likot sa kuwarto.

Pinagmasdan ko si Jasper na hindi maalis ang titig sa bulakak na binigay ko sa kanya.

"You like it?" Tumingin ito sa'kin sabay ngiti.

"I love you, baby..."

"What a lovely scene, dear..." Napalingon ako bigla.

Isang matandang lalaki ang nakatayo ngayon sa aking harapan. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Itim lahat ang soot niya. May soot itong sing-sing na ginto. Maitsura ito kahit may edad na. At maganda ang tindig.

"S—sino po kayo?" Tanong ko dito.

Hindi ito sumagot at ngumiti lang sa'min. Natakot ako sa klase ng ngiti niya kaya mas niyakap ko pa si Jasper.

Sino ba ang matandang 'to?

"Don't be intimidated hija." Humakbang siya ulit.

"S—sino po ba kayo?"

"Is he your son?"

I nodded.

"What a handsome baby boy, dear..." Sabi nito.

Pilit akong ngumiti.

"T—thank you po..."

"You're welcome. What's his name?"

Tiningnan ko ang anak ko.

"He's Jasper."

"Oh, Jasper..." Tumango-tango naman siya.

Lumapit pa siya ulit sa'min at hinawakan sa kamay si Jasper. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko na lamang siya na mahawakan ang anak ko.

Matapos niyang hawakan ang kamay nito ay tumingin siya sa'kin.

"Dito din ako nakatira. Natuwa ako sa 'yong anak kaya lumapit ako sa inyo. I hope you don't mind..." Sabi niya.

Tumango-tango naman ako. Mukha namang totoo ang mga sinasabi niya. Nakakatakot nga lang kung paano siya manamit.

"Diyan ka ba nakatira?" Sabay turo niya sa bahay namin.

"Ah, opo."

"Oh, okay... Where's your husband?"

Natigilan ako sa tanong niya.

"Ah, single mom po ako. K—kambal po ang anak ko. Si papa lang po ang kasama namin sa bahay."

"Twins? Wow, they are fortuitous. Kaya mahalin mo sila at alagaan ng mabuti..." Sabi nito.

Bakit ganon? Parang may ibang meaning ang mga sinasabi niya?

"Oo nga po..."

"Sino ang kasama nyo ngayon? Nasaan ang iyong ama?"

"Uh, nasa trabaho po siya."

"Ganon ba? Dapat siguro ay 'di siya magpa-late ng uwi lalo na't wala kayong kasama." Tumingin siya sa'kin.

"Masyadong delikado ang panahon ngayon hija..." Sabi niya.

Titig na titig lang ako sa kanya. Misteryoso ang mga kilos niya pati ang paraan niya ng pananalita.

"Oo nga po eh... A—ano pong pangalan nyo?" Tanong ko.

Ngumisi siya bago ako sagutin.

"Bakit gusto mong malaman? Ikaw? Anong pangalan mo?"

"A—ako po si Anna."

Ngumiti siya sa'kin.

"Anna... Tsaka na lamang ako magpapa-kilala kapag magaan na ang loob mo sa'kin. Pwede ba 'kong bumisita sa inyo minsan? Mag-isa na lang kasi ako sa buhay..."

"Uh, pwede naman po."

"Thank you hija..." Sabi nito.

Saglit niya kaming pinagmasdan.

"Take care..." Tinapik niya ang kaliwang balikat ko sabay alis niya.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya palayo sa'min.

"Hoy Anna! Nandyan ka lang pala!" Narinig ko ang boses ni Janna.

Nasa loob na ito.

Teka?

"Janna?" Lumabas ito.

"Oo ako 'to! Saan kayo galing? Kanina pa ko nandito sa loob." Sabi niya.

Naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Hoy Anna, ayos ka lang? Namumutla ka!"

"Huh? A—ayos lang ako... H—hindi mo ba kami nakita? Kanina pa kami nandito."

"Hindi. Kaya nga dumiretso na 'ko sa loob at pumasok eh. Saan ba kayo nagpunta na mag-ina huh? Iniwan nyo si Casper sa loob. Loka ka!"

Paano nangyari 'yon? Imposibleng 'di niya kami makita.

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon