ANNA
"W—what?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Siya? Pakakasalan ko?
"Marry me, Anna. Or else—"
"What? Anong gagawin mo kapag 'di ako pumayag?"
Hindi siya nakasagot.
"Alam mo, ang sama sama mo! Bakit ka ba ganito? Wala ka bang puso? O wala ka lang talagang pakpak para masabi ko na demonyo ka talaga? You've hurt me and you're asking me to marry you?" I said.
"Anna—"
"What?! Bakit gusto mo 'kong pakasalan? Para ano? Para saktan ako ulit? Ganon ba, ha?!—"
"No Anna—"
"No Lucifer! I'll not marry you!" He stopped.
"Why Anna? May anak na tayo kaya dapat lang na ikasal ka sa'kin—"
"Ayoko! Reason ba 'yon para ikasal ako sa'yo? No Lucifer, that's not enough." I looked at him.
"Who would love to wed a demon like you, anyway?" I asked.
Napatigil siya. Kita ko sa mata niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Pero may isa akong bagay na napansin. Ang sakit sa mga mata niya. Tama na ang nakikita ko? O nililinlang na naman niya 'ko?
"You see me as a real devil, but you loved me." I looked at him.
"I loved you, before. But not anymore."
"Really?" Sabay ngisi niya.
"Oo. Ayoko na sa'yo. Ayoko sa demonyo na tulad mo—aw!" Bigla niyang hinila ang braso ko kaya dumaan ito sa may sinding kandila.
Binitawan niya ang braso ko.
"S—sorry."
"Ano ba?! Ganyan ka ba talaga?!"
Tiningnan ko ang braso ko na may paso na.
"F*ck! I'm sorry." I closed my eyes to endure the slight pain.
"Please Lucifer! Stop." 'Yon lang at tsaka ako umakyat sa taas.
🍼🔱
"Ma'am, ito po ang cream." Bigay sa'kin ng isa sa mga katulong. Ngumiti naman ako tsaka ngumiti sa kanya. Siya 'yong babaeng umakyat dito kanina.
"Thank you ah."
"Wala pong problema. Ayos lang po ba kayo? Narinig po namin kayong nag-aaway ni Sir, kaya 'di po namin maiwasan na mag-alala sa inyo." Ngumiti ako sa kanya.
"Salamat ah. Anong pangalan mo?" Tanong ko sabay nilagyan ko na ng cream ang paso ko.
"Mina po. Ako po si Mina."
"Thank you Mina, dito sa cream." Pasalamat ko. Mababait ang mga katulong ni Lucifer. Paano kaya nila natitiis ang amo nila? Sinisigawan kaya sila? Or like me, sinasaktan din?
"Naku ma'am! Si Sir Nick po ang nagpa-paabot niyan. Inutusan niya lang po ako."
"Nick pala ang tawag nyo sa kanya."
"Ah opo, ma'am. Ayaw po namin na tawagin siyang Lucifer, kasi po... Medyo, 'di po maganda kasi pangalan po 'yon ng devil diba? Maka-diyos pa naman po ako." Sabay tawa niya ng bahagya.
Natawa din ako. Sana magkasundo kami ni Mina.
"Tama ka. Kamusta siya? Mabait ba siya sa inyo?" Tumingin ito sa'kin.
"Mabait naman po siya sa'min. 'Yon nga lang po, sobrang strikto."
Tumango na lamang ako tsaka inabot sa kanya ang cream.
"Okay na. Salamat ulit."
"Naku ma'am sa inyo na po 'yan. Marami naman po niyan dito eh. Tsaka, 'di pa po okay ang paso nyo oh—hala kambal po ba ang nasa likod niyo?" Sabay turo niya sa kambal na mahimbing ang tulog.
Tuwang-tuwa ito sa nakikita niya.
"Ang cute-cute po nila!" Sabi niya.
Lumapit ito sa mga anak ko.
"Grabe po ma'am, kamukha niya po si Sir." Turo nito kay Jasper.
"Kamukha ba? Pero mabait 'yan." Natawa ito.
"Kayo po talaga ma'am! Mana po sa inyo."
"Thank you."
"Grabe, 'di po talaga namin alam na may asawa at anak na po pala si Sir Nick. Akala ko nga po si ma'am Lanna ang asawa niya."
I stopped.
"Kilala mo siya?"
"Ah, narinig ko lang po kena nanay Susan. Nag-away po sila dito. Rinig na rinig po namin. Pero 'di ka po siya nakikita. May ginagawa po kasi ako noon."
"Nag-away? Tungkol saan?"
"America lang po ang narinig ko eh—"
"MINA."
"Sir?!"
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...