ANNA
"Anna!" Napatayo ako ng makita ko agad si Janna.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Na-miss ko siya ng sobra.
"I miss you so much! Miss ko na ang kambal mo! Lalo na si Casper kulit!" Sabi niya. Napa-iyak ako habang yakap-yakap ko siya.
"Bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya ang pisngi ko.
"Okay ka lang ba Anna? Huh? Tsaka bakit nasa hospital ka? Sino ang na-ospital? Nabalitaan ko ang nangyari. Kinuwento sa'kin ni Brent. And he's searching for you."
"S—sinabi mo ba sa kanya na, naka-usap mo na 'ko?"
Umiling siya.
"Hindi pa eh. Pero sasabihin ko—"
"'Wag muna Janna."
"Bakit? Nag-aalala na sa'yo si tito at tsaka ang pinsan mo. Teka, nasaan ang Lucifer na yan?!"
"He's comatose." Napatakip siya sa bibig.
"Oh my god... Seryoso? Hindi pa siya patay—"
"Janna..."
"Sorry, my bad mouth. Eh kasi diba? Hindi basta-basta namamatay ang masamang damo." She rolled her eyes.
Napatango na lamang ako sa sinabi niya.
"Anong nangyari sa kanya? Nadulas?"
"Naaksidente siya."
"Aksidente din naman 'yon ah."
"Car accident."
"Gosh. Bakit? Baka naman kaskasero siya masyado? Ayan tuloy."
"Mismong birthday ko siya naaksidente." Napatigil naman siya.
"Happy birthday friend. Saya siguro ng birthday mo 'no?"
"Janna naman..."
"Teka nga sa labas tayo mag-usap. Tara! Na-miss kita eh!" Sabay hila niya sa kamay ko.
🍼🔱
"Paalis na talaga kami nina Brent kasama ang kambal papunta sa America. Ang kaso, dumating ang mga tauhan niya. Tapos 'yon, kinuha niya kami."
"Kidnapping siya ah."
"Parang ganon na nga..." Uminom ako sa shake ko.
"Continue."
"Tapos niyaya niya 'ko magpakasal—"
"Magpakasal?! Gago ba siya? At bakit? Matapos ka niyang—"
"Patapusin mo muna kaya ako." Sabay hinga ko ng malalim.
Sumandal siya sa upuan at pinagsiklop ang mga braso niya.
"Tapos? Anong sumunod? Nag-yes ka?"
I shook my head.
"Ano?"
"Hindi ako pumayag. Sinumbatan ko siya. Ilang araw ko siyang 'di pinansin dahil bukod sa iniiwasan ko siya, galit ako sa ginawa niyang pag-kidnap sa'min."
"Dapat lang 'no!"
"Pero wala siyang pakialam kahit na galit ako. Sinabi niya sa'kin na gusto niyang bumawi. Nagulat ako sa sinabi niya. Ang taas kasi ng pride niya. Tapos nagulat na lang ako na ang dami niya ng binili na gamit para sa kambal. Janna... Mahal na mahal niya sina Jasper at Casper. Kahit na ganon ang ugali niya, nagbabago siya dahil sa kambal. Nagagawa niyang kontrolin ang sarili niya."
"Wow." Sagot ni Janna.
"Siya pa ang nag-request na i-celebrate ang birthday ko. Noong una, tumanggi ako. Pero pumayag na din ako para sa kambal. Alam mo Janna, naging masaya ako sa mga oras na 'yon. Siguro dahil na din sa pagbabago niya at sa ginagawa niya para sa mga anak ko." Umayos siya ng upo at tinungkod ang braso niya.
"Anna... Napatawad mo na ba siya?"
Napatingin ako sa kanya.
"Napatawad ko na siya. Kaso, nahuli ako."
"Bakit?"
Huminga ako ng malalim.
"Hindi siya umabot sa celebration ng birthday ko. Dahil naaksidente na pala siya. Janna... Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na naka-abot pa din siya?"
Kumunot ang noo niya.
"Huh? Eh diba naaksidente na siya nun?"
"Umabot siya... Pero hindi na pisikal na katawan niya ang nagpakita sa'kin." Nanlaki ang mata niya.
"You mean..."
"Nagpakita siya sa'kin para lang batiin ako..."
She gasped.
"Oh my god... Seryoso ka ba dyan? Ang creepy! Ano 'to? Horror na ba ang peg ng life mo? My goodness!" Napahawak pa siya sa noo niya sabay inom sa shake.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya. Ang oa talaga ni Janna mag-react.
"So ano na? 'Yon na ang huli? Nagpapakita pa sayo?—ay malamang last na 'yon! Comatose lang naman siya. Hindi pa naman siya patay." Napayuko ako.
Sasabihin ko ba? Baka kasi 'di lang siya maniwala sa'kin. Baka sabihin niya, nababaliw na 'ko.
Pero kailangan ko ng tulong. Kailangan ko ng karamay. May tiwala naman siguro siya sa'kin.
Tiningnan ko ulit siya.
"Janna..."
"Hmm?"
"Nakikita ko pa rin siya."
She fell on her seat.
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Misterio / SuspensoThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...