3rd PERSON POV
Unang araw pa lamang ng pagbabalik ni Lucifer sa kompanya ay puro sakit na agad sa ulo ang naabutan niya.
Hindi pa man din siya nakakapasok sa kanyang opisina ay puro tanong na ang mga empleyado niya.
"Sir, paki-pirmahan na po ang mga 'to, noong isang buwan pa po kasi ito—" Isang empleyada ang hinarang siya.
Tinabig niya ang folder na hawak nito.
"Ano ba?! Diba sabi ko, MAMAYA?! Hindi ba kayo nakaka-intindi?! You're fired!"
Napa-singhap ang lahat.
Padabog siyang umalis papunta sa opisina niya. Naka-sunod naman sa kanya si Thomas. Kahit na nagtalo sila noong mga nakaraang araw ay kinalimutan na 'yon ni Lucifer. Matagal na niya itong kaibigan. Hindi naman sila babae parang paabutin pa ng ilang buwan na 'di magpansinan. Nainis lang siya dahil 'di niya matanggap ang mga sinabi nito sa kanya. Hindi matanggap ng sistema niya.
Pagkapasok niya sa loob ay napahinto siya.
"What are these?" Tukoy niya sa mga malalaking paper bags na nasa sahig ng opisina niya.
Lumapit siya at sinilip ang mga laman nito. Stuff toys, at damit pambabae ang mga nakita niya.
"What the f*ck? Kanino ang mga 'to?" Tanong niya.
Lumapit si Thomas.
"Binili mo lahat ang mga 'yan para kay Anna at sa kambal." Sabi nito.
"What?"
"Bago ka maaksidente ay nagpasama ka pa sa'kin para bilhin ang mga 'to. Hindi mo lang maibigay lahat dahil gusto mo, paunti-unti muna." Sabi ni Thomas sa kanya.
Napa-hawak siya sa ulo niya.
Damn, dapat na ba 'kong maniwala sa mga pinagsasasabi niya?
Umiling siya at iniwan ang mga paper bags at pumunta na sa desk niya.
"I didn't buy all that. Baka may naka-iwan lang dyan." Sabi niya.
"It's up to you kung 'yan ang paniniwalaan mo." Sabi ni Thomas.
Lumabas muna ito ng opisina niya.
Napasandal siya. Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niyang paniwalaan. Kahit 'di niya aminin, may pakiramdam siya na ginawa niya nga ang mga 'yon. At isa pa, lagi siyang nananaginip, at puro sa Anna ang laman ng panaginip niya. Pati ang kambal.
Damn this amnesia!
Ipinikit niya ang mga mata. Kapag ginagawa niya ang bagay na 'to, may mga alaala na pumapasok sa kanya. Umaasa siya na may kasagutan kung bakit humihingi ng tawad si Hannah sa kanya.
Ilang segundo pa ay may rumehistro na sa kanya.
Isang babae ang nakaluhod sa harap niya. Naka-itim ito at naka-lugay ang buhok.
"Hayop ka Lucifer! Bakit mo ginawa 'to?!"
"Akin na ang mga anak ko! Aalis na kami!"
"P—paano mo nalaman?"
"H—hindi kita maintindihan."
"H—hindi ako sasama sa'yo." Biglang may humila sa babae.
"Akin na ang mga anak ko Lucifer! Akin sila—Bitiwan nyo 'ko!"
Umiiling sa kaya ang babae habang umiiyak.
"Lucifer, 'wag! Nagmamakaawa ako sa'yo! Ibalik mo sa'kin ang mga anak ko."
Ang mga sumunod na scenario ay 'di na niya maintindihan. Nakita niya ang sarili niya na titig na titig sa babae na parang may hinihintay siya sa isasagot nito.
Unti-unting luminaw ang mukha nito tsaka ito sumagot sa kanya.
"P—pumapayag na 'ko."
Naidilat niya ang mga mata niya. Siya pa rin, siya pa rin ang laman lahat ng alaala niya.
Napasabunot siya sa kanyang sarili. Hindi na niya alam ang gagawin. Gulong-gulo na siya.
"Anna..."
![](https://img.wattpad.com/cover/98767240-288-k548431.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...