Chapter 86

36.7K 826 56
                                    

ANNA

"THEY WILL STAY IN MY MANSION."

"L—Lucifer..."

Napaismid si Brent.

"Gag* ka din 'no? Pagkatapos ng mga nangyari balak mo pang tumuloy sila sa'yo?"

"Brent..."

"Why Anna? Sasama kayo sa kanya?" Tanong niya sa'kin.

"Brent, sa'yo kami sasama." Sabi naman ni papa.

Tiningnan ni Brent si Lucifer na parang siya ang nanalo. Pero parang wala itong narinig.

"Anna please, stay with me AGAIN." Hindi ako naka-imik sa sinabi niya.

Pinagmasdan ko lang siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Anna—"

"Madrid, hindi mo pa ba titigilan ang anak ko pagkatapos ng mga nangyari? Oo nga at dumating ka para pigilan ang ama mo, pero hindi pa din 'yon sapat para makuha mo ulit ang anak at ang mga apo ko." Sabi ni papa.

Napa-yuko na lang ako.

"Alam ko po sir—"

"Alam mo naman pala, tigilan mo na ang anak ko." Hinawakan ko si papa sa kamay.

"Papa..."

Nilingon ko si Lucifer at bumaba ako mula sa ambulansya.

"M—mag-usap tayo."

🍼🔱

Nandito kami sa loob ng kotse niya para mag-usap.

Tahimik lang akong nakatingin sa may labas.

"Anna."

Hinarap ko siya.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko.

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko.

"Does it still hurt?" He asked.

"A—ah, okay na. Hindi naman na masakit." Inalis ko ang kamay niya.

"I'm sorry."

Nag-iwas lang ako ng tingin.

"I'm so sorry Anna. Sa lahat ng mga ginawa ko. Sa lahat ng sakit na ibinigay ko sayo. Sa ginawa ni daddy. I—I don't know what to say... I'm so evil. Masama akong tao. Sinaktan ko kayo. Binasura. Binalewala. I treated you that way. I'm sorry." Pinagmamasdan ko siya. Hindi siya mapakali sa upuan niya.

"Lucifer..."

"Nasaktan ako ng malaman ko na niloko lang pala ako ng kakambal mo. Ginago niya 'ko sa loob ng ilang taon!" I stopped.

"N—Nakakaalala ka na?" Tanong ko.

"Yes. Si Thomas ang nagsabi sa'kin. N—Nagsuntukan pa kami. Hindi kasi ako maniwala noong una. Pero ng ako na mismo ang nakakaalala, naniwala na ako. I had selective amnesia. Alam mo naman 'yon diba? Kaya hindi mo din ako masisisi sa mga nagawa ko. Kilala mo ako Anna, masama ako magalit, at walang kontrol sa sarili."

"Alam ko 'yon. Matagal na. Sanay na nga ako. Pero Lucifer, nasaktan ako. Isang buwan, isang buwan akong nag-alala sa'yo. Pinagdadasal ko na sana, magising ka na. Kahit sinabi ng doctor na baka wala kang maalala sa pag-gising mo. Pinilit ko pa din ang sarili ko na sana, hindi."

"I know Anna... I asked you to marry me right?"

Napatingin ako sa kanya.

Nakakaalala na nga siya.

"O—oo. Pero tumanggi ako."

"Yeah, tumanggi ka. I even bought toys for our kids and dresses for you. At lahat 'yon ay nasa opisina ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. Isang dress at puro stuff toys lang kasi ang nabigay niya. Binigay ko pa nga kay Mina ang dress na binili niya para sa'kin.

"G—ganon ba? Salamat..."

"Anna..."

"Lucifer, thank you ah? Dahil dumating ka para pigilan ang ama mo. Hindi ko inaasahan na ikaw ang dadating ng mga oras na 'yon. Masaya ako, dahil sa lahat ng kasamaan na nagawa mo, may naidulot kang kabutihan na 'di ko inaasahan." Ngumiti ako sa kanya.

Sobra akong nasaktan ng paulit-ulit. Ilang beses na din akong sumuko. Ilang beses na umiyak. Pero sadyang mailap sa'kin ang kasiyahan sa buhay. Parang may limitasyon ang lahat sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Anna please, come back to me. Kayo ng mga anak natin. Promise, magpapaka-bait na 'ko, 'di na ko magagalit. Babawi ako ulit sa inyo. Huh? Please, bumalik na kayo sa'kin. Marry me and I'll make you happy."

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Na parang bata na takot iwanan ng kanyang ina. Parang biglang bumalik ang Lucifer na nakilala ko 17 years ago.

Naiiyak ako sa sitwasyon namin. Kailan ba 'ko sasaya? Kami? Nakakasigurado ba 'ko na tapos na lahat? Kasi nakakapagod na.

"Anna, nasasaktan din ako... Let's heal each other."

Tinitigan ko siya. Ibang-iba ang Lucifer na kaharap ko ngayon.

Malungkot ko siyang pinagmasdan.

"Napatawad na kita Lucifer. Alam kong nagsisisi ka na sa mga nagawa mo sa'kin. Ang bait ko diba? Sa kabila ng mga masasakit na nagawa mo, pinatawad pa din kita. At gusto ko, ganon din ang gawin mo sa sarili mo. Ang magpatawad."

"I'm really sorry..."

"Lucifer, napatawad na kita—"

"No, bumalik na kayo sa'kin. Gagawin ko lahat—"

"I'm sorry..."

"W—what do you mean?"

I sighed.

"Hindi ko matutupad ang gusto mo. A—ayoko na... Kung talagang nagsisisi ka sa mga nagawa mo, hindi mo 'ko pipigilan. Lucifer... Pwede bang... Kahit isa man lang sa'tin, maging masaya na?" Nakatitig lang siya sa'kin.

"Bibigyan kita ng karapatan sa kambal dahil ikaw ang ama nila. Hindi ko sila ipagdadamot sa'yo—"

Hinawakan niya bigla ang magkabilang braso ko.

"Paano naman ako Anna? Gusto kong maging masaya kasama kayo! Pwede naman 'yon diba?! Pwede naman—"

"Lucifer please..." Nanghina siya bigla.

"Anna... Why you're doing this to me? Para mo na din akong pinatay."

"Lucifer—"

Binitawan niya 'ko.

"You're right... Nagsisisi ako. At sobra din akong nagsisisi na matagal ka na palang nasa tabi ko. Ang babaeng matagal ko ng mahal pero sinaktan ko lang. I'm sorry."

Ngumiti siya sa'kin kahit na may lungkot sa kanyang mga mata.

"I'm setting you free..."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon