Chapter 35

51.4K 1.2K 95
                                    

ANNA

"Ma'am Anna magpahinga po muna kayo kasi wala pa po kayong tulog simula kagabi." Sabi sa'kin ni Mina pagka-uwi namin.

Huminga ako ng malalim tsaka tumango sa kanya.

"Sige. Aakyat muna ako. Kayo muna ang mag-asikaso sa kambal ha? Tapos mamayang gabi, babalik ulit tayo sa hospital." Sabi ko.

Ngumiti lang siya sa'kin.

"Sige po ma'am Anna."

Umakyat na 'ko sa kuwarto.

🍼🔱

Hindi ako makatulog at pagulong-gulong lang ako sa kama. Di ako makaramdam ng antok.

"Hay... Ano ba naman 'to..." Sabi ko.

Bumangon ako at umupo na lamang. Napahinga ako ng malalim at yumuko. Naiyak na naman ako. Nalulungkot talaga ako sa nangyari. Kahit kasi ganon 'yong si Lucifer, minahal ko 'yon. Tumingala ako at pinunasan ang mga luha ko. Tumingin ako sa wall clock. Pasado alas-tres na. Ilang oras na 'kong walang tulog pero 'di ko naman maipikit ang mga mata ko.

Tumayo na 'ko at hinawi ang kurtina para magkaroon ng konting liwanag. Pinatay ko ang aircon at pumunta sa may balkonahe ng kuwarto. Niyakap ko ang sarili ko.

Astral body? Anong ibig-sabihin non? Kaluluwa na naglalakbay?

Kung ganon, maaring nandito lang sa tabi-tabi ang kaluluwa ni Lucifer.

Makikita ko pa ulit kaya siya?

Sana naman, hindi nakakatakot ang itsura niya. Sana ganon pa din katulad nung kinausap ko siya kagabi. Yung gwapo pa din.

"Ano ba naman 'to! Kung ano-ano na ang naiisip ko." Umiling ako.

Pinagmasdan ko ang kalangitan hanggang sa may mapansin ako. Biglang nagbago ang kulay ng mga ulap. Mula sa puti, naging itim na ito. Biglang dumilim.

Uulan yata...

Nagdesisyon na 'kong bumalik ulit sa kuwarto. Mainit na sa loob dahil pinatay ko ang aircon. Maliligo na lang muna ako at hihintayin na pumunta kami ulit sa hospital. Hindi din naman ako makakatulog. Kinuha ko ang towel at pumasok na sa loob ng cr.

🍼🔱

Katatapos ko lang maligo at nakatapis lang ako ng tuwalya. Kaliligo ko lang pero ang init agad!

Binuksan ko ulit ang aircon at tatanggalin ko na sana ang tuwalya sa katawan ko ng biglang pumatay ulit ang aircon. Napalingon naman ako sabay kunot ng noo ko.

Lumakad ako ulit at binuksan. May sira ba 'to? Mukhang 'di naman!

Bumalik ulit ako sa puwesto ko pero napatigil ulit ako.

Tumigil na naman!

"Ano ba naman yan." Sabi ko na lang. Di ko na lang ulit binuksan. Baka mamaya, huminto na naman.

Lumakad ako at binuksan na lang ang sliding door para makapasok ang hangin sa loob. Pero pagbukas ko, wala man lang kahangin-hangin.

Hinayaan ko na lang at bumalik na 'ko sa loob pero napatalon ako sa gulat ng padabog itong sumarado. Tumingin ako sa sliding door. Sumarado nga ito ulit.

I gulped.

Bigla akong kinabahan at lalo akong pinagpawisan. Tapos wala pa ang aircon dahil may sira yata.

Hinawakan ko ng mahigpit ang aking tuwalya. Naglakad ako papalit sa sliding door para buksan 'yon ulit. Pero 'di pa man din ako nakakalapit ng biglang may humangin sa aking likuran. Napalingon ako agad.

"S—sino yan?!"

"...."

Mas humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa tuwalya. Hindi pa 'ko nakakapagbihis!

"May tao ba?"

"Anna."

That voice.

"L—Lucifer? Where are you?" Lumingon-lingon ako sa buong kuwarto and I saw him. Nakatayo ito sa gilid ng kama.

Bigla akong natuwa ng makita ko siya. I'm not scared.

Lumapit ako sa kamya pero nawala ulit siya. I stopped.

"Here, look at me." Lumingon ako likod at nandoon siya.

He's so close.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Ganon pa din.

"Lucifer..." Banggit ko sa pangalan niya.
Parang maiiyak ako habang pinagmamasdan ko siya.

Ang seryoso niya at titig na titig lang siya sa'kin.

"Anna Colley, 25 years old, a Leukemia survivor."

Nawala ang ngiti ko sa mga labi. Biglang nagbago ang pananalita niya.

"Lucifer... A—anong sinasabi mo?"

Hindi siya sumagot at humakbang lang palapit sa'kin.

"You're Anna, right?" Seryosong tanong niya.

Naguguluhan na pinagmasdan ko siya.

Hindi niya ba 'ko naalala?

"Lucifer, oo ako si Anna. Ako 'to, hindi mo ba 'ko naalala?"

Kumunot lang ang noo niya.

"Anna?"

"O—oo, ako 'to! Naalala mo na—"

"Hindi kita kilala." Nanlumo ako sa sinabi niya.

"You can see me..." He said.

"Oo nakikita kita..."

"Oh, damn! Paano kita madaling makukuha kung nakikita mo 'ko?" Nangunot ang noo ko.

"Huh?"

Tumingin siya sa'kin.

"Do you have a third eye? Ipasarado mo 'yan."

"Huh? W—wala akong third eye. But I can see you."

"Great! Paano ako nito mabubuhay?" Tanong niya sa sarili niya.

"H—hindi mo ba talaga 'ko naalala?" Humarap siya ulit sa'kin.

"Hindi kita kilala Miss Colley. Ngayon lang nagkita ang landas natin. I'm surprised because you can see me. Samantalang kanina pa kita binabantayan." Sabi niya.

"Bakit ganon?"

"What?"

"W—wala... A—ano bang kailangan mo sa'kin?"

"Your soul. I need your soul."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon