Chapter 41

40.5K 891 28
                                    

ANNA

Hindi ko alam na pati pala ang mga katulong ay nakakaramdam na din ng kakaiba. Pero sila, 'di na nila pinapansin. Buti pa sila dedma lang. Ako, kahit dedmahin ko, panay naman ang lapit sa'kin.

"What are you thinking?" Bigla na naman siyang sumulpot sa harapan ko.

"W—wala." Nilagpasan ko siya at umupo sa kama.

Inayos ko ang higa ng kambal. Hapon na at mamayang gabi, babalik kami ulit sa hospital.

"Wala? Don't fool me, Anna. I know there's something that bothers you." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim tsaka hinarap siya.

"Lucifer..."

"Why?"

"P—pumapasok ka ba sa opisina mo? Sa kabilang kuwarto?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya sabay ngisi.

"Oh, that's my office. May karapatan naman siguro ako kung madalas akong nandoon."

Tama siya. Pero... Akala ko ba, wala siyang naaalala?

"Why you asked?"

"W—wala."

"Okay." Tumingin siya sa paligid ng kuwarto.

Pinagmamasdan ko siya. Kakaiba talaga siya. May iba sa kanya.

Umiling na lang ako.

"Babalik ka ulit sa hospital diba? Sasama ako sa'yo."

"Bahala ka." Sagot ko na lang.

Umalis ako sa kama.

"Magpapahinga na muna 'ko. Labas ka muna."

"Bakit mo ba 'ko tinataboy? Diba sabi ko—"

"Ngayon lang, please. Ngayon lang!" Napatigil siya sa sinabi ko.

"Fine!"

Naguguluhan na 'ko.

Ewan ko, pero bakit ganon? Kahit kaluluwa siya, wala akong nararamdaman kagaya ng kay Lucifer. Si Lucifer kasi, iba ang ugali niya. Tahimik siya na may pagka-masungit. Ito naman, makulit na may pagka-sarcastic pa minsan. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil lagi siyang buntot ng buntot sa'kin. May amnesia na kaluluwa? Meron bang ganon? Ang alam ko kasi, ang mga buhay na tao lamang ang nakakalimot or like 'yong mga na- comatose.

Ang weird.

🍼🔱

"Ma'am Anna dito na lang po kaya ako matulog? Para naman po mabantayan nyo ang ang kambal." Napatingin ako kay Mina.

Nandito kami sa kuwarto sa tabi ng ICU. Stable ang lagay ni Lucifer ng sinilip ko siya kanina. Although, nasa critical pa din ang lagay niya. Hindi ko siya kayang tingnan ng matagal. Naaawa lang ako. Medyo pumayat na nga siya kahit nakaka-ilang araw pa lang siya dito sa hospital. Mabuti na lang at si Thomas ang nag-aasikaso ng mga binabayaran dito. Ngayon ko lang nalaman na wala pala talagang kasama sa buhay si Lucifer. Si Thomas lang ang lagi niyang kasama. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Meron pa kaya? Dati kasi, wala naman siyang nababanggit sa'kin.

"Sigurado ka ba Mina? Pero wala kang kasama dito."

"Naku ma'am meron po ah!"

"Sino?"

"Ah, eh... Si Thomas po." Sabay ipit niya ng buhok sa tenga niya.

Napatawa tuloy ako.

"Hindi naman siya naglalagi dito. Lagi lang siyang nasa labas."

Si Thomas ang kumuha ng kuwarto para sa'min. Kahit naman pala medyo may pagkasuplado ang isang 'yon may puso din naman pala. Hindi lang halata.

"Okay lang po 'yon sa'kin ma'am Anna. May bantay po ako sa labas hehehe. Tatawagan ko na lang po kayo kapag nagkaroon ng emergency. Babalik din naman po kayo diba?" Tumango ako sa kanya.

"Sige bahala ka."

🍼🔱

Hawak ko ng mahigpit ang cellphone ko habang hinihintay ko na sumagot ang tinatawagan ko. Kailangan ko ng makaka-usap dahil sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Hindi ko muna siguro tatawagan si Brent. Ayoko siyang mag-alala sa'kin. Padalos-dalos pa man din 'yon. Tsaka ko na lang siya tatawagan kapag okay na ang lahat.

Maya-maya pa ay sumagot na 'to.

"H—hello Janna..."

"Anna! Oh my god! How are you?! Nasan ka?!"

"I need you Janna... Puntahan mo naman ako oh."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon