ANNA
Gabi na at kanina ko pa napatulog ang kambal. Simula ng magka-gulo kanina, hindi na ako lumabas ng kuwarto. Dinalhan lang ako ni Mina ng pagkain namin dito sa loob dahil ayokong kumain sa kusina. Baka kasi nandoon si Lucifer. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kanina pa naka-uwi si Lory dahil may trabaho siya. Tawagan ko na lang daw siya kapag may nangyari na naman. Galit siya sa kuya niya pero sabi ko, hayaan na lang muna. Ayoko silang magka-away dahil sa'kin.
Tumayo ako sa kama para makapag-shower na.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo mapula pa din ang braso ko.
Wala akong kaayos-ayos sa katawan. Mukha akong katulong sa itsura ko. Simula ng dumating ako dito, hindi ko na magawa ang nagagawa ko. Marami ang nangyari. Hindi pa ba tapos ang mga problema ko? Madami pa ba 'kong pagdadaanan? Nakakapagod na kasi. Hangad ko lang naman na maging masaya at mahalin. Pero parang ang hirap nun abutin. Parang ang ilap sa'kin ng mga 'yon. Mabuti na lang at nandyan ang dalawa kong anghel. Sila lang naman ang dahilan kaya ako lumalaban sa buhay.
🍼🔱
Katatapos ko lang maligo at magbihis ng mapatingin ako sa orasan. Alas-dose na.
Tulog na kaya sila lahat?
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at binuksan ang pinto. Sumilip ako sa labas. Wala ng ilaw. Siguro ay tulog na nga lahat.
Nauuhaw kasi ako.
Lumabas ako at dahan-dahan na sinarado ang pinto ng kuwarto.
Medyo madilim kaya nanga-ngapa ako. Napatigil naman ako dahil bukas lahat ng kandila sa baba. Bakit ba kasi may mga kandila? Para saan ba talaga ang mga 'yon?
Nakakatakot.
Hindi ko na lang pinansin ang mga kandila na nasa paligid. Humakbang ako pero napatigil ako agad ng may humila sa braso ko at bigla na lang akong kinaladkad.
"Sino ka?! B—bitiwan mo ko—" Tinakpan nito ang bibig ko habang nagpupumiglas ako.
"Shut up Anna!" He hissed.
Nanlaki ang mata ko.
Lucifer...
Pinasok niya ako sa kuwarto niya at sinandal ako sa may pader. Hinalikan niya ko sa leeg at hinawakan ang dibdib ko. Napasinghap ako sa gulat.
Anong ginagawa niya?!
"L—lucifer b—bitawan mo 'ko—ano ba!" Patuloy pa din siya sa paghalik sa leeg ko.
Tuluyan na 'kong napaiyak. Amoy alak siya. Lasing siya kaya siya ganito.
"L—lucifer a—ano ba! Let me go—hmp!" Bigla niya kong hinalikan ng mariin.
Buong lakas ko siyang itinulak.
"T—tumigil ka na!" Sigaw ko at tumakbo ako para makalabas pero binuhat niya ako at binagsak ako sa kama.
Pumatong siya agad sa'kin at pinaghahalikan ako.
"L—lucifer! A—ano ba! Tulong!—Ah!" Bigla niyang hinawakan ang panga ko.
"Manahimik ka Anna! Magbabayad ka sa ginawa mo sa sa'kin!" Sabay halik niya.
Itinaas niya ang dress na soot ko at hinimas ang hita ko. Nangilabot ako sa ginawa niya. Iyak lang ako ng iyak habang pinipigilan siya.
Bumaba ang halik niya sa dibdib ko.
"T—tama na..." Nagma-kaawa ako.
Hindi siya tumigil.
"I miss this. Hmmm." Sabi niya.
Nagpupumilit pa din ako na makaalis pero ang lakas niya. Amoy na amoy ang alak sa buong katawan niya.
Inalis niya ang soot niyang damit at walang sabi-sabi na hinila ang underwear ko.
"A—ano ba! S—stop!" Lalo akong nagpumiglas at sinipa siya.
Pero 'di pa din ako nagtagumpay.
Pumatong siya ulit at itinaas ang dalawa kong kamay sa may ulunan ko. Ang higpit na pagkakahawak niya sa'kin.
"Alam ko naman na gusto mo 'to Anna. Kaya 'wag ka ng pumalag pa."
"Hindi ito ang gusto ko kaya tumigil ka na—Ah!" Hinalikan niya 'ko ng marahas sa leeg.
Wala na 'kong nagawa kung hindi umiyak sa mga ginagawa niya.
Itinaas niya ang dress ko hanggang dibdib ko. Hinalikan niya 'ko pababa hanggang sa tiyan ko.
"Tumigil ka na... P—paki-usap..."
Tumigil siya at nagmura. Bigla siyang umalis sa ibabaw ko.
"Bulsh*t! Argh!" Dali-dali akong bumangon at inayos ang dress ko. Patakbo akong lumabas ng kuwarto.
Niyakap ko ang sarili ko. Napa-upo ako dahil sa panghihina. Iyak ako ng iyak na parang mauubusan na 'ko ng hininga.
Biglang may sumulpot sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin.
"Thomas... T—tulungan mo 'ko..."
Matagal niya 'kong pinagmasdan na parang sinusuri niya ang kalagayan ko ngayon. Mas niyakap ko ang sarili ko.
"Fix yourself. Aalis na kayo ngayong gabi."
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...