Chapter 15

62.8K 1.4K 9
                                    

ANNA

"Dito na muna kayo pansamantala."

Dito muna kami dinala ni Brent sa condo niya. Pumayag naman si papa dahil medyo malayo layo din ang lugar na 'to. Dalawang oras lang naman ang byahe papunta dito sa lugar niya.

"Pasensya ka na Brent." Sabi ko.

"Ano ka ba Anna. Okay lang 'yon. Kahit dito na nga kayo tumira okay lang sakin."

"Hindi, ano ka ba!" Sabi ko.

Natawa naman ito tyaka humarap sakin.

"Seryoso ako. Kahit dito na kayo ng kambal. Hindi naman ako madamot. Tsaka isa pa, ako lang mag-isa dito. Nakakalungkot din kaya mag-isa." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Maniwala ako sayo. Hindi ka naman siguro nag-iisa dito LAGI. Baka nga madami ng nakapasok dito na babae." Sabi ko.

"Hoy Anna! Hindi 'no! Malinis 'tong condo ko." Napatingin ako sa paligid.

Malinis pala ah. Eh puro balat ng chichirya at mga damit ang nakakalat sa sahig.

"Ah, sorry, hindi pa kasi ako nakakapaglinis. Hehehe." Mahiya- hiya siya sa mga nakikita namin. Napatawa naman si Casper na buhat buhat ko.

"Hoy kulit, bakit tumatawa?"

"Brent!"

"Biro lang. Hindi na kasi ako nakakapaglinis dahil busy ako lagi sa opisina."

"Okay lang." Sabi ko. Alam ko naman na busy siya sa trabaho kaya wala na siyang time para maglinis. Tsaka isa pa, tamad talaga ang mga lalaki maglinis.

"Maupo muna kayo diyan sa sofa. Maglilinis lang ako. Si tito ba nasaan?"

"Nandoon pa sa labas." Sabi ko. Iyak kasi ng iyak si Jasper kaya pinatahan muna siya ni papa. Kaya nauna na din kami.

Umupo kami sa sofa at inupo ko sa tabi ko si Casper.

"Anong gusto nyo?" Tanong ni Brent habang pinupulot ang mga kalat niya sa sahig.

"Kahit tubig na lang." Sagot ko.

"Mum-mum." Napatingin naman ako sa anak ko.

"Yes, baby?" Tanong ko sabay kandong kay Casper. Nakangiti na naman ito sakin. Napakamasayahin talaga niya. He's always giggling kahit wala namang naglalaro o nagpapatawa sa kanya. He's a happy kid.

"May biscuit ka ba diyan?" Tanong ko.

"Meron yata. Skyflakes."

"Saan?" Tanong ko.

"Ako na kukuha." Umalis agad ito at pumasok sa kusina.

Malaki itong condo unit niya. Maaliwalas at maganda ang design. Pero wala masyadong kagamit gamit.

Maya maya pa ay bumalik din ito at may dalang isang pack ng skyflakes.

"Here."

"Mum-mum!"

"Ang dami naman nito Brent." Sabi ko.

"Sa inyo na yan. Baka gusto ni kulit. "

"Mum-mum, ent!" Napatawa naman ako kay Casper na daldal ng daldal sa tabi ko.

"Kay mommy lang 'yan. Wala kang biscuit." Asar nito sa anak ko. Maya maya pa ay umiyak na si Casper.

"Brent!"

"Sorry!" Kinuha nito si Casper at pinatahan.

"Shhh, tahan na kulit. Nag-jojoke lang naman si tito Brent mo eh." Tarantang taranta siya at di alam ang gagawin.

"Sabi na kasi sayo eh, mahirap patahanin yan." Sabi ko.

"Anna naman! Tulungan mo 'ko." Napatawa ako sa itsura niya.

Kumuha ako ng isang Skyflakes at binigay kay Casper. Tumigil ito sa pag-iyak.

"Casper loves biscuits. 'Yan ang nagpapatigil sa kanya sa pag-iyak." Kinuha ko sa kanya si Casper.

"Oh god, akala ko hindi na siya titigil. Ang hirap pala!" Sabi nito.

I laughed.

"Maglinis ka na nga."

"Yes ma'am!"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon