Chapter 3

68.5K 1.6K 3
                                    

ANNA

"Grabe! Ang haba ng pila! Anong oras kaya tayo makakauwi nito? Parang may pahalik sa poon sa sobrang dami." Napatingin ako sa taas. Nasa dulo kami at umabot na ito sa baba.

"Balik na lang kaya tayo sa ibang draw?" Suggest ko. Sa pila pa lang kasi ay aabutin na kami ng siyam siyam sa sobrang dami ng applicants.

"Hindi pwede. Last day na ngayon ng hiring nila." Sabi ni Janna habang patingin tingin sa pila.

"Marami pa naman siguro na iba diyan."

Humarap siya sakin.

"Tsk, Anna! This might be our lucky day, ano ka ba! Hindi ko ba nasabi sayo na ang laki ng salary dito kapag natanggap tayo? This is a world-class furniture company. At masuwerte tayo kapag natanggap tayo." I sighed.

Sana nga ay matanggap kami.

"Alam kong nagaalala ka sa kambal. Pero unahin muna natin 'to. Tsaka nandoon naman si tito para bantayan ang dalawa. Malay mo ay isa sa atin ang matanggap. Pero sana, tayong dalawa. Wala namang mawawala satin. Malaki ang chance na matanggap tayo. Lalo ka na 'no!" Tumango na lamang ako at kinuha ang cellphone ko para i-text si papa na gabi pa 'ko makakauwi.

"Namimiss mo na agad ang dalawa 'no?" Sabi ni Janna.

Ngumiti naman ako. Ito kasi ang unang beses na mawawalay ako sa kanila ng ilang oras. Lagi kasi talaga akong nasa tabi ng kambal.

"Oo, Janna." Sagot ko.

"Ako din naman. Namimiss ko na agad si Jessie ko. Pero syempre, kailangan ko maghanap ng trabaho para may ibubuhay ako sa prinsesa ko." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Kung bakit kasi wala tayong suwerte sa mga asawa! Mga puro pasarap lang ang mga gago." Sabi niya.

Mapait naman akong napangiti. Parehas kasi kami na single mom. Iniwan siya ng nobyo niya ng malaman nito na buntis siya kay Jessie.

Pero kung tutuusin, mas malala ang nangyari sa'kin. Nagmula ako sa impyerno kasama ng isang demonyo.

"Ikaw Anna? Anong say mo sa ama ng mga anak mo? Gago din ba 'yon?" Napa iwas naman ako ng tingin.

"Ayoko na siyang pag usapan." Sagot ko.

"Sorry. Siguro ay sobrang gwapo ng asawa mo? Yung kambal mo kasi eh, napaka-gwapo. Lalo na si Jasper sungit. Hindi mo kamukha." Sabi niya.

Maging siya ay pansin din ang pagkakaiba ng kambal.

"Hindi ko ba talaga kamukha si Jasper?" Tanong ko.

Ngumuso si Janna.

"Wag kang magtatampo ha? Pero wala talaga kong nakikitang similarity nyo eh. Parehas lang kayong maputi. 'Yon lang." Sabi niya.

Napangiti naman ako. Hindi naman ako nagtatampo.

"Okay."

"Hindi ka galit?" Napatawa ako.

"Hindi 'no." Ngumiti naman siya sakin.

Ilang sandali pa ay umusad na din ang pila kasabay ng pagdating ng mga babae na kilig na kilig na dumaan sa gilid namin.

"Anong nangyari sa dalawang 'yon?" Tanong ni Janna habang sinusundan ng tingin ang dalawang babae na pababa ng hagdanan.

"Baka naman natanggap sila."

"Ha? Bago na? Pag natanggap ka, kinikilig ka na?" Napakunot naman ang noo ko.

"Pwede naman 'yon ah." 

"Hindi eh. Iba yung tama nung dalawa." Napatingin naman ako sa dalawang babae.

Kilig na kilig nga ang mga ito at naghahampasan pa.

"Tignan mo. May saltik yata ang dalawang 'yan. Parang may mga bulate sa pwet at 'di mapakali." Napatawa naman ang mga nasa unahan.

Bakit nga kaya?

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon