Chapter 57

32.5K 770 65
                                    

LANNA

"Nanahimik ka Aurora? Kasi tama ako diba?" Sabi niya.

Tinitigan ko lang siya ng masama.

"Hindi mo lubos na kilala ang binangga mo Aurora. Masyado kang matapang para sumabak sa larong inumpisahan ko. Anong tawag doon? Epal? Oo, tama. Ganoon ka. But how's the feeling Aurora? Anong pakiramdam ang malapit ng mawala sa mundong ginagalawan mo? How?"

"Masaya..." I replied sarcastically.

"You're happy? Wow, unbelievable! Ngayon lang ako nakakilala ng isang taong masaya kahit malapit ng mamatay." Sabay tawa niya.

Titig na titig lang ako sa kanya.

"Iyon naman talaga ang dapat kong gawin diba? Ang maging masaya sa huling hininga ko." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Liar." He uttered.

"Bakit? Bitter ka?"

Ngumisi lang siya.

"Yes. Ayoko sa mga taong masayahin."

"Try mo, masaya." Sagot ko.

He smirked.

I rolled my eyes. Tumalikod ako at humiga na sa kama ko.

"Let's have a deal now Aurora..." Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin.

"L—lumayo ka sa'kin." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya.

Hindi pa din siya umalis at mas naramdaman ko pa lalo ang presensya niya.

"Bakit hindi na lang ang kaluluwa mo ang kuhanin ko?"

Napatigil ako.

"Hmmm Aurora? Mas maganda 'yon diba? Sa inyong dalawa ng kambal mo, ikaw talaga ang totoong mamamatay. How unfortunate... At least kung sa'yo, 'di na 'ko mag-e-effort na humanap pa ng paraan kung paano ka mamamatay. Just like what I'm trying to do with your sister." Sabi niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Wala kong time sa dirty business niya.

"So what's your answer?"

"WALA." Sagot ko.

"Wala? Oh okay, I'll just continue my plan—"

"'Wag na 'wag mong gagalawin ang kapatid ko."

"Gagalawin? I don't like the term. Parang iba ang dating sa'kin." Sabay tawa niya.

Inis na bumangon ako at hinarap siya.

"I don't care. Marumi ka kasi mag-isip. Kasing dumi ng budhi mo." Ngumisi lang siya.

"I know Aurora... I know... Parehas lang naman tayo, diba? Kaya 'wag kang magma-linis. Niloko mo ang kambal mo pati ang Madrid na 'yon. Diba hindi naman tayo nagkakalayo? We're relatively close and—"

"Tumigil ka na!"

I clenched my fist. He's so annoying!

Napatigil naman siya. God! Alam kong ang dami kong kasalanan pero 'wag naman ganito!

"Are you shouting at me?"

"N—nabigla lang ako. Umalis ka na pwede?! Lubayan mo na 'ko. Kami ng kambal ko. Iba na lang ang guluhin mo. Please—"

"What if, ikaw ang gusto kong guluhin? You disturbed me Aurora! Kaya hindi kita titigilan. Unless you'll let me continue my plans. Titigilan kita."

Tiningnan ko siya.

"You know me Aurora. Hindi ako pang-karaniwan. Kaya kitang bawian ng buhay kung gugustuhin ko. But unfortunately, I want a thrill. So I want you to suffer, first. I would love to witness your pain until you die. That's what I want."

Alam ko. Alam ko ang mga kaya niyang gawin. Pero hindi ako natatakot.

"Kapag pumayag ako sa gusto mo? Titigilan mo na ba sila? Magigising na ba si Lucifer?"

"Hindi ko hawak ang buhay ng isang 'yon. Si Anna lang ang hawak ko." Sagot niya.

"Bakit kailangan mo ng kaluluwa?" Tanong ko.

"I need a soul to live. Kailangan ko ng isang magandang kaluluwa. A perfect one."

"For what?"

Tumitig siya sa'kin.

"Hindi mo maiintindihan." Sagot niya.

"Pumapayag na 'ko. Basta 'wag ka ng lalapit sa kapatid ko."

Ngumisi siya sa'kin.

"Are you sure Aurora? Pwede ka pa naman mag-back out. I know you... You're selfish."

"Hindi na 'ko katulad ng dati. Gusto kong bumawi sa kapatid ko. Sa lahat ng mga niloko ko. I'm ready to face all the consequences." Sabi ko.

Mas lumapit pa siya at pumantay sa mukha ko. He smiles devilishly.

"Then let's face the consequences together, Aurora..."






YUNG TOTOO, SINO BA TALAGA ANG BIDA? WAHAHAHA! SORRY NA 😭

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon