ANNA
"Ma'am halika na po, pinapatawag na po kayo ni Sir." Tawag sa'kin ng katulong pagkatapos kong patulugin ang kambal.
"S—susunod na lang ako. Salamat." Sabi ko.
Tumango naman ito bago umalis. Ilang beses na yatang umakyat ang katulong dito para lang tawagin ako. Pero, 'di pa din ako bumababa. Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang mga anak ko. Akala ko, tuluyan na silang mawawala sa'kin. Payag na 'ko sa ganito, kesa naman sa hindi ko na makikita ang kambal. Baka ikamatay ko pa 'yon.
"Anna." Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses niya.
Hindi ako lumingon habang titig na titig ako sa kambal. Takot ako na salubungin ang mga mata niya.
"Tulog na sila. Pwede mo na silang iwan—"
Humarap ako sa kanya.
"Iiwan? Akala ko ba, dito lang ako sa tabi nila? Lucifer —"
"What are you saying Anna?"
"H—ha?"
"Bumaba ka na. Let's eat." Sabay talikod niya at iniwan akong nakatanga.
Akala ko...
🍼🔱
Tahimik lang akong naka-upo sa harapan niya habang nagha-hain ang mga katulong ng iba't-ibang klase ng pagkain sa mesa. Hindi ako mapakali at para akong rebulto na naka-upo lamang. Naka-focus lang ang mata ko sa isang bagay. Hindi ko siya tinitingnan kahit sa'kin siya naka-tingin.
Pagkatapos ma-hain ang mga pagkain ay naging tahimik na muli ang paligid at kami na lang dalawa ang natira.
"Eat." He said.
Nag-angat ako ng tingin.
"Don't stare Anna. Kanina ka pa nakayuko. Ganon na ba ang takot mo sa'kin?" Tanong niya.
Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot.
I'm really scared.
"Anna. Speak to me."
"Ano bang dapat kong sabihin?"
Nagtitigan lang kami at wala ni isa ang nagsalita.
"Di pa ba sapat sa'yo na kinuha mo na ang kambal?" Tanong ko.
"What if I say, yes?" I looked at him.
"What do you mean? Nakuha mo na din naman ako."
"I still not." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ano pa bang gusto niyang makuha? Kahit kailan talaga ay ang dami niyang gusto. Si Lucifer ang tipo ng tao na nakukuha lahat ng gusto niya. Ganon nga yata talaga kapag mayaman. Pero iba siya, may iba sa kanya na hindi mo dapat na tanggihan.
"Hindi kita maintindihan. Ano pa ba ang 'di mo nakukuha? Ha?"
He stares at me.
"Let's eat first." He said.
Nag-iwas na lang ako ng tingin tsaka nagsimula ng kumain.
🍼🔱
"Anna." Banggit niya sa pangalan ko pagkatapos niyang kumain.
Anna. Hilig niya talaga na tawagin ako ng ganon. Na parang may kailangan siya lagi. Sa bagay, naging bed warmer niya pala ako dati at 'yon ang tawag niya sa'kin kapag kailangan niya 'ko. At 'yon ang isa sa mga katangahan ko noon. Pero, wala ang kambal sa'kin kung hindi ko ginawa 'yon. Minahal ko kasi siya, kaya ko nagawa ang mga bagay na nagdulot ng sakit sa'kin dati.
"Bakit?"
"Tapos ka na?"
Pinunasan ko muna ng tissue ang labi ko tsaka muling hinarap siya.
"Since you, and the twins are already with me. I want you both to be legally mine." He said.
Napatigil ako sa sinabi niya. Legally?
"What do you mean Lucifer?"
Tumitig siya sa'kin bago siya tumayo at sinindihan ang kandila na nasa harapan namin. Medyo kinilabutan ako sa ginawa niya. Bakit ba napaka-misteryoso ng isang 'to? Ang weird, dahil minahal ko ang tulad niya kahit na mala-demonyo ang pangalan at ugali niya.
"Lucifer..."
"Listen to me."
"A—ano bang gagawin mo? Nakakatakot ka talaga—"
"Marry me."
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Misteri / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...