Chapter 24

52.7K 1.1K 21
                                    

ANNA

Hindi na ako natulog dahil maaga ang alis namin. Pinatulog ko lang ang kambal. Si Brent naman ay umidlip saglit dahil pagod siya sa trabaho. Siya kasi ang maghahatid sa'min sa airport. Ala una na ng madaling araw at nandito ako sa may kusina. Nagluto lang ako ng sopas para mamaya. 4 AM ng flight namin kaya dapat ay maaga kami.

"Anna." Lumingon ako kay Brent na kagigising lang. Dumiretso muna ito sa banyo.

Pagkatapos ay umupo na siya. Halatang antok pa siya. Naawa tuloy ako sa kanya. Ilang oras lang kasi ang nai-tulog niya.

"Matulog ka muna ulit kaya Brent. Antok ka pa eh."

"No, ayos lang. Ano 'yang niluto mo?" Tanong niya.

"Sopas."

"Kain na 'ko." Sabi niya.

"Sige sandali." Kumuha ako ng mangkok tyaka naglagay doon ng para sa kanya.

"Di ka pa kakain?"

"Mamaya na—"

"Sabayan mo na 'ko, para ang kambal na lang ang aasikasuhin mo mamaya." Sabi niya.

Tumango na lamang ako at sabay kaming kumain.

🍼🔱

"Gising na sila?" Tanong sa'kin ni Brent. Katatapos ko lang magbihis at ganoon din siya.

Ang kambal na lang ang hindi pa. Tulog pa kasi sila.

"You should change their clothes while they're sleeping." Sabi niya.

"Oo nga 'no." Sabi ko tyaka marahang tumawa.

Bakit ba kasi 'di ko agad naisip 'yon?

"Bihisan mo na sila ilalabas ko lang ang mga maleta nyo." He said.

Tumango na lamang ako at pumasok na sa kuwarto namin.

Wala pa si Lanna. Hindi ko tuloy malaman kung sasama pa siya o hindi. Paalis na kasi kami at dapat nandito na siya. Hindi ko pa nasasabi kay Brent na sasama sa maghahatid si Lanna. Mamaya ko na lang siguro ipapaliwanag kapag nandito na siya.

Kumuha na ako ng damit ng kambal. Dahan-dahan kong kinuha at binuhat si Casper at nilipat sa kama, ganoon din si Jasper. Tulog na tulog sila.

Hays mga babies, aalis na tayo!

Una ko munang pinalitan si Jasper na mahimbing na mahimbing ang tulog. Dahan-dahan kong sinuot ang damit nito para 'di ito magising. Pagkatapos ay si Casper naman na habang nilalagyan ko ng baby powder ay naka-ngiti habang tulog.

Nananaginip siguro 'to.

Matapos ko siyang polbohan ay sinuotan ko na din siya ng damit.

At sa awa ng diyos, 'di sila nagising habang binibihisan. Mas mahihirapan kasi ako kung sakaling gising ang dalawa. Makulit pa naman sila, lalo na si Casper.

Umalis na ko sa kama at inayos ang mga gamit sa kuwarto. 'Yong iba kasi ay iiwan na namin dito. Utos'yon ni Brent kasi ma-mimiss daw niya ang kambal.

"Tapos mo na silang bihisan?" Biglang sulpot ni Brent.

"Oo tapos na. Tara na ba?" Tanong ko.

"Oo, tara na. Nasa sasakyan na ang mga maleta. Akin na si Casper." Sabi niya.

Tumango naman ako at binuhat ko na din si Jasper tyaka kami lumabas ng unit.

Nakikiramdam ako habang nasa elevator kami. Wala pa si Lanna. Hindi na ba siya sasama?

Ilang saglit pa ay bumukas na din ang elevator at dumiretso na kami sa parking lot.

"Pumasok na kayo sa loob." Sabi niya.
Pumasok na 'ko sa backseat habang buhat ko si Jasper. Sinunod naman niya si Casper at iniligay sa tabi ko. Tulog pa din sila hanggang ngayon.

"Mag-seatbelt na kayo." Sabi niya at sinarado na ang pinto.

Yumuko naman ako kinabitan ko na ng seatbelt ang dalawa habang magkatabi sila.

"Tapos na—Brent?" Nagtaka ako bigla dahil nawala si Brent.

Napatingin ako sa paligid ng parking lot.

Saan siya nagpunta?

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon