ANNA
Hindi ako nakagalaw sa pagluhod niya sa harapan ko. Umiiyak siya at todo sorry siya sa'kin. Maging ang mga katulong ay nanonood sa eksena namin ngayon.
"Anna I'm sorry! Please..." She's begging.
Pinagmasdan ko lang siya habang nakaluhod siya sa harapan ko.
"T—tumayo ka dyan." Sabi ko.
Umiling lang siya sa'kin. Tumingin siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Anna please, sorry. Sorry, talaga. Nagawa ko lang 'yon—"
"Alam ko Lanna. Ilang beses mo na bang sinabi sa'kin ang dahilan? Tumayo ka na dyan." Sabi ko.
Ilang segundo bago siya tumayo.
Tiningnan ko siya. Wala siyang kaayos-ayos sa katawan. Simpleng Lanna ang nasa harapan ko ngayon at hindi ang Lanna na laging sopistikada ang itsura.
Huminga ako ng malalim.
"Katulad ng una, tinatanggap ko ang sorry mo. Pero 'wag kang umasa na mapapatawad kita agad. Sobra na kasi Lanna. Sobra na." Napa-yuko siya sa sinabi ko.
"Sorry..."
"Si L—Lucifer? Nasaan siya? G—gusto kong din na mag-sorry sa kanya..."
Nilingon ko ang mga katulong.
"S—sorry po ma'am Anna."
"No, it's okay. P—pwede bang iwan nyo muna kami?" Sabi ko.
Umalis sila lahat.
Hinarap ko ulit Lanna.
"Wala siya dito."
"Nasaan siya?"
"Nasa hospital siya. Comatose siya ngayon." Napasinghap ito.
"A—anong nangyari?"
"Car accident."
"Oh, god... Is he okay? Kailan siya magigising? M—magigising pa ba siya?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Hindi pa namin alam kung kailan. Magda-dalawang linggo na siyang nasa hospital." Sabi ko.
Kita ko sa itsura niya ang lungkot.
"Kasalanan ko 'to lahat. Kasalanan ko..."
"Lanna..."
Tumingin siya sa'kin.
"P—pwede mo ba 'kong samahan? Gusto ko siyang makita... I want to say sorry... Pwede ba?"
🍼🔱
LANNA
Tahimik na pinagmamasdan ko ang lalaking niloko ko ng sobra. Ang lalaking minahal ko, minahal ako. Pero ang totoo, hindi naman talaga ako. Hindi naman kasi ako ang totoong Anna. At sobra akong nagsisisi sa mga ginawa ko. Lalo na sa kambal ko.
Pinagmasdan ko ang mukhang walang buhay na katawan ni Lucifer. Ang daming tubo ang nakaka-kabit sa katawan niya. Ako lang ang nandito sa loob. Naiintindihan ko naman si Anna. Kaya pumayag na din ako na mag-isa ako.
"Lucifer... I'm sorry. Gumising ka na. My twin and her twins are waiting for you." I said.
"Malungkot ako dahil ganito ang naabutan ko. Mas gusto ko pa na lagi kang masungit o parang galit sa mundo." Marahan akong napatawa.
Lumapit ako sa kanya.
"Totoo pala ang karma 'no?" Tanong ko.
Tiningnan ko siya habang may namumuong mga luha sa mata ko. Ayokong umiyak, matapang ako.Pinunasan ko agad ang luha ko.
"So as I said, totoo nga pala ang karma. You know why? Because I'm dying... M—may sakit ako. Cancer. Sayo ko 'to sinasabi kasi, 'di mo naman ako naririnig. Ayokong sabihin kay Anna. Kilala ko 'yon eh. Baka mamaya, makalimutan niya bigla ang mga kasalanan ko at mapatawad nya na 'ko. Which is ayoko muna. Gusto kong pagbayaran ang mga kasalanan ko sa kanya, sa'yo at kay papa. Sa lahat." Sabi ko.
Lately ko lang nalaman. Just like Anna, leukemia din ang sakit ko. Stage 2. Nararanasan ko rin kasi ang mga nararamdaman noon ni Anna. Kaya nagpa-check-up na 'ko. And I was right. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Inalok ako ng mga treatment pero tumanggi ako. Sa diyos pa rin ako kakapit. Those medicines and treatments are useless for me. Why? Mamatay din naman ako. Ayokong umasa na matutulad ako kay Anna na naka-survived. Ako, hindi. Kabayaran na 'to sa mga kasalanan ko kaya handa na 'ko sa mga mangyayari. I'll just enjoy my life till my last breath I guess?
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mistério / SuspenseThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...