Chapter 44

39K 942 97
                                    

ANNA

Nanginginig pa din ang buong katawan ko habang naglalakad ako sa hallway ng hospital. Muntik na 'kong maaksidente, buti na lang at may tumawag sa'kin. Si Lucifer. Siya kaya talaga 'yon? Eh, diba gusto niya ng kuhanin ang kaluluwa ko? Dapat hinayaan niya 'kong mamatay kung ganon. Ang gulo niya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa kuwarto.

"Anna! Saan ka ba nanggaling? Akala namin nandito ka lang sa hospital. Nag-iikot. Gusto mo?" Bungad sa'kin ni Janna sabay alok niya sa'kin ng kinakain nila. Puro snacks at may mga drinks.

Ngumiti naman ako tsaka tumabi sa kanila.

"Lumabas muna ako saglit. Nagpahangin lang."

"Loka ka. Malamig naman dito." Pinagmasdan niya 'ko.

"Bakit ang putla mo?"

"Huh?"

"Ang putla mo sabi ko! May lipstick ako dyan wait—" Pinigilan ko siya.

"Wag na. Okay lang ako. Painom na lang ng tubig." Inabot niya naman sa'kin ang bote ng mineral water.

"Oo nga pala, maya-maya uuwi na 'ko. Wala kasing nagbabantay kay Jessie." Sabi niya.

"Kamusta si Jessie? Miss ko na siya."

"Ayun, gumaganda habang lumalaki." Napangiti naman ako.

Kamukhang-kamukha niya ang anak niya. Parehas na maliit ang mukha nila kaya ang cute nilang mag-ina.

"Maganda naman talaga ang inaanak ko."

"Eh yung kambal? Kamusta?"

"Okay lang naman sila."

"Mabuti naman." Nilingon niya si Mina na abala sa cellphone niya.

Nasaan kaya si Thomas? Wala na naman.

"Mina ah, 'wag mong iiwan ang best friend ko." Napatawa naman ako.

Close na agad sila. Nakakatuwa.

"Opo ate Janna."

"Good."

"Anna bibisita na lang ako dito sa mga susunod na araw. May trabaho na kasi ako. Actually, tumakas lang ako hahaha. Tumawag ka kasi eh." Bahagyang nanlaki ang mata ko.

"Ikaw talaga! Dapat sinabi mo sa'kin. Kahit sana sa day-off mo na lang."

"Ano ka ba! Okay lang 'yon 'no! Mas mahalaga ka sa'kin. Bestie kita eh. Tsaka ang boring kaya doon sa opisina. Nakatulala nga lang ako noong tumawag ka eh." Napatawa kaming dalawa ni Mina.

Nagkuwentuhan lang kaming tatlo ng kung ano-ano. Masuwerte ako dahil nakilala ko silang dalawa pati ang mga katulong sa mansyon. Napapasaya nila ako. Nakakatuwa lang, kasi lahat ng mga nagiging ka-close ko, puro mga madadaldal at mahilig magpatawa. Katulad nitong dalawa. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang lungkot at ang mga bumabagabag sa'kin.

🍼🔱

"Mag-iingat ka bestie ah? Text or call mo lang ako kapag kailangan mo ko ha? Pupuntahan kita agad. I-text mo na din sa'kin ang address kung saan kayo ngayon nakatira. Akala ko talaga nasa America na kayo!" Napatawa naman ako.

"Para doon na lang ako didiretso kung sakaling nasa bahay ka." Dugtong niya.

Ngumiti naman ako.

"Oo sige. Ingat ka ah?"

She smiled.

"Mauna na 'ko. Bye!" Nag-beso kaming dalawa bago siya umalis.

🍼🔱

"Ma'am kailan po tayo babalik dito?" Tanong sa'kin ni Mina.

Uuwi muna kami saglit. At baka sa isang araw na muna ako makabalik dito. Aasikasuhin ko muna kasi ang kambal. Tsaka, nandito naman si Thomas eh. Nasilip ko na din naman si Lucifer. 30 minuto ko siyang binantayan bago ako nagdesisyon na umuwi muna sa mansyon.

"Sa isang araw. Pero pwede ka naman bumalik kung gusto mo. Mina, mauna ka na sa labas. Kumuha ka na ng taxi."

"Sige po." Naiwan akong mag-isa.

Sinilip ko ang relo ko. It's already 7 pm.

Inayos ko ang bag ko pati ang hospital bed.

"Anna."

Napatigil ako ng marinig ko ulit ang boses niya. Hinanap ko siya. Pero wala naman.

Napatigil ako ulit ng may maramdaman akong malamig sa aking likuran. Sobrang lamig. Katulad na katulad ng naramdaman ko sa mansyon noong may nag-door bell pero wala namang tao.

"Lucifer? N—nandyan ka ba?" Tanong ko.

Walang sumagot. Napa-iling na lang ako.

"Anna." Napatalon ako ng sumulpot siya bigla sa harapan ko.

"S—sabi na, kanina ka pa nandito sa loob. Bakit mo 'ko tinatawag?" Tanong ko habang inaayos ko ang bag ko.

"What? Tinatawag? Kararating ko lang. Why? Na-miss mo na ba 'ko?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Kararating lang? Eh sino 'yong tumawag sa'kin kanina?

"A—ang kapal mo. Hindi 'no. Iba lang siguro ang narinig ko." Sagot ko.

"Hindi iba ang narinig mo. Ako talaga 'yon." Sabay ngisi niya.

Bakit parang may pakiramdam ako na hindi siya 'yon?











LAST UPDATE FOR NOW. NILALAGNAT PO KASI AKO TALAGA. PINIPILIT KO LANG MAG-UPDATE KASI TINATAPOS KO NA SIYA. PERO STOP NA MUNA HAHAHAHA. NAHIHILO NA 'KO EH. BAKA MAMAYA, MAS LALONG LUMALA TAKBO NG STORYA 😂 Salamat!

-BSL

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon